Perfect

668 Words
Nakahiga ako sa pad ko matapos kong samahan si ate sa pamamalengke at paliguan si Boogie. Sabado ng hapon iyun kakagaling ko lang sa bahay nina Jackie. Ang dami kong ginawa ngayong araw na ito. Pagkatapos naming mamili ni ate ay naglinis ako ng bahay, naglaba, pinaliguan si Boogie at ngayon nakahiga na. Sinadya kong huwag munang tawagn or I chat si Sam pagka’t alam kong may mangyayari sa amin ni best. Kumbakit pa kasi naging ritual namin ito. Dati exciting, pero I must admit pag nakikita ko si best, gusto ko agad makipagniig sa kanya. Wala akong nasa isip pag nakikita ko sya kundi s*x, s*x. Puro nalang ganun. Parang hindi nagiging buo pagkakaibigan naming pag walang ganun. Hindi normal at sa lahat siya lamang ang ganito ang practice. Ngunit nananabik pa rin ako sa kanya, ewan ko ba. Si Sam, ibang iba sya. Hindi sya tulad nina Ces, Mary Anne at kung sino sino pa. Ibang iba sya. Gusto ko I focus kay Sam attention ko pero huwag muna ngayon. Kailangan kong ayusin muna lahat. Taong 2018 ng Abril ng makita kong muli si Carla sa bahay ni Jackie. Duon sila tumuloy mag ina kaya’t pumunta agad ako duon. May dala akong mga regalo. Tuwang tuwa akong nilalaro si Carla. Ibang iba ang pakiramdam ko. Nakikita ko sa aura ni Mel ang saya na makita kaming naglalaro mag ama. Oo, kami ang mag ama. Dugo at laman ko sya. Kinausap ko si Mel ng araw na iyun. “Best, pede bang sumama na kayo sa akin? Matanda na si Anton baka hindi nya kayo maalagaan mag ina. Kayang kaya ko ng buhayin si Carla.” Nakikiusap ako sa kanya na sumama na sa akin at lahat ng mga babae ko ay handa kong talikuran, sumama lang sila  sa akin. Kami ang totoong pamilya. Si Anton ay isang malaking kasinungalingan. “Carlos hindi pwede. Kailangan ako ni Anton at kailangan din sya ni Carla. Kailangan ko din sya. Malaki gastos nya sa akin at napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Kami ng anak mo Malaki utang na loob namin sa kanya.” “Paano naman ako? Ano, hanggang ganito na lang ba tayo? Kung kelan mo ako kailangan tsaka nagiging tayo?” “Look Carlos, gawin mo nalang ito para sa kinabukasan ni Carla. Para sa kanya. Pagdating ng takdang panahon magigin buo din tayo.” Ngunit alam ko sa loob loob ko, matagal pa bago mangyari yun. Nagpasya akong maghanap ng babaeng ipapalit sa kanya at buong akala ko ay si Mary Anne na ngunit nang nagkaroon ng scandal, naghiwalay din kami. Still I didn’t give up. Until I saw her sa pilahan ng motor. Simple, tahimik at mukhang kagalang galang.  Nuon ang hanap ko lamang ay isang perfect na babae para sa isang perfect na paghihiganti kay Melissa. Ang hangad ko lang naman ay ipamukha kay Melissa na kaya kong maghanap ng babaeng perfect enough para itapat sa kanya at taubin sya. Isang perfect girlfriend para makaramdam sya ng insecurity at pagseselos. Isang perfect na babae na mahal na mahal ako at ipamukha ko sa kanya kung anong klaseng lalake ang tinalikuran nya at binasura. Isang perfect na babaeng may kapasidad para maging miserable si Melissa. Ngunit ngayon, parang pakiramdam ko, wala akong pakialam kay Melissa pag kasama ko si Sam. Oo, andiyan si Melissa, naging parte siya ng buhay ko pero si Sam malaki din ang parte nya sa puso ko. Sinadya kong hindi muna makipag communicate sa kanilang dalawa. Gusto kong mag isip, gusto kong uminom ng beer. Alas nuwebe ng gabi, matapos kong i chat si Sam ng naka wig at lipstick at may Beer sa tabi ko, binlock nya ako. Nalungkot ako ng sobra nuon. Kahit sobra ako sa kalasingan, nagdasal ako ng gabing iyun. Isang taimtim na dasal na katulad ng dasal na ginagawa ko nuon kasama si Mam Vangie, nuong wala kaming komunikasyon ni Melissa.  Lunes, in unblock niya ako. “Magandang umaga po ma’am”!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD