Chapter 32

2362 Words
Sa loob ng ilang buwan kong inalagaan si Anton ay para bang nakakulong na naman ako uli at sa pagkakataong ito ay, mas nasasakal ako sapagkat kailanman hindi ko minahal si Anton. Nandidiri ako pag lumalapat labi niya sa katawan ko. Umiiwas akong halikan niya mga labi ko ngunit  wala akong magawa. Napilitan akong sumama sa kanya sapagkat hiniwalayan na ako ni Bernard nang magsumbong si Cindy sa nakita niya. Lasing kami ni Carlos ng gabing iyun at tinabihan niya ako. Kahit pa may mga unan sa tabi ko at nasa likuran ko si Carlos ay hindi ko maitago sa anak ko mga nangyayari ng mga sandaling iyun. Nasa kabilang higaan si Cindy nuon katapat lang ng higaan ko at kahit pa patay ang ilaw, naaaninag niya kami. Kahit pa pilit naming huwag gumawa ng kahit anong ingay, hindi maiwasan. Mahirap pigilan. Gusto ni Carlos umuwi nuon o di kaya sa sala nalang matulog ngunit iba ang dating sa akin ng may ibang taong nakamasid habang nagniniig kami. Mas exciting, mas matindi ang sensation. Naulit iyun sa mismong bahay ni Anton nuong bumisita sila sa amin at nakita ni John mga ginawa namin at nuong nasa Paco kami sa bahay ng kaibigan ni Carlos. Sobrang sarap ng nadama ko nuon habang nakamasid ako sa mga kaibigan niya na hinihimas nila mga sandata nila hanggang hindi na makapagpigil ang isa. Hindi ko ma imagine kung silang lahat ng gabing iyun, kakayanin ko ba? Gusto kong ulitin yun, hindi ko pa nagagawa ang ako lamang ang babae at isa si Carlos sa mga kaniig ko. Winakli ko sa isipan agad iyun. Hindi yun dapat na nangyari, hindi dapat duon sa Paco. Sana sa mas pribadong lugar. Ilang buwan din akong nagtiis na hindi pumunta ng Manila dahil sa pagkakasakit ni Anton. Pumayag lamang siyang makalabas ako ng buwan ng Hulyo pagka’t naglambing si Carla na pumuntang Enchanted Kingdom at pumunta din ng Batangas ang nakababata kong kapatid na binata si Jeffrey. Si Epi nag drive sa amin kasama ang ilang kaibigan ni Carla at mga nanay nila. Ibang iba ang buhay ko sa piling ni Anton. Sa simula lang masaya yung wala pa si Carla at marami pa syang pera. Ngayon, nanay na nanay na ako at parang ulirang maybahay. Hindi ako ganito sa piling ni Bernard kahit na ipinanganak ko na si Cindy. Bahay, eskwelahan at palengke o di kaya  ay sa grocery lang ako. Nagyon ay puro alaga sa bata, alaga kay Anton, maglinis ng bahay, magluto, monthly check up ni Anton sa hospital at sa therapist, hindi ako makahinga sa monotony ng buhay. Pakiramdam ko ang tanda ko na. Amoy geriatric ang bahay. Kaya ng pumayag si Anton na mag EK kami ni Carla, tuwang tuwa ako lalo na at andun si Epi. Masayang masaya si Carla dahil kasama nya mga kalaro nya at unang pasyal pa lamang nya nuon sa EK. Masayang masaya din ako para kay Carla. Kinakitaan ng kabibohan ang bata parang kanyang ama. Hindi lamang sila magkamukha, magkaparehas din sila ng ugali. Tinitingnan ko mga kuko at paa ni Carla pati mga daliri, Carlos na Carlos. Sobrang tuwa ko at kuhang kuha nya ang kanyang ama. Kahit papaano ay hindi ako gaanong nangungulila kay Carlos dahil kay Carla. Si Epi sinamahan niya ako sa Batangas ng halos isang buwan kaya’t kahit papaano ay nawala ng bahagya kalungkutan ko. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong tungkol sa nangyari sa bahay ni ate Christina at ang tungkol sa viral video. Hindi din nya tinanong ang kahit ano patungkol kay Carlos kahit alam kong may hinala syang anak ni Carlos si Carla. Close sila ni Carlos pagka’t may mga panahon nuon na duon kami sa bahay nina nanay kami umaakyat. Magkasing edad din sila ni Carlos kaya’t magkaparehas sila ng gusto. Sa tatlo kong anak, kay Carla sya hindi malapit. Siguro kasi dito sa Batangas siya ipinanganak at lumaki. “Ate, ingatan mo lagi sarili mo.” Papunta ng Maynila si Epi nuon para asikasuhin papeles nya dahil sasakay na sya ng barko. “Dadaan ako dito bago ako sumakay sa cruise liner.” “Tito pasalubong ko ha.” Nilambing sya ni Carla ngunit tiningnan lamang nya ito. “Kuya pagaling po kayo, ate”. Papasok na sana si Epi sa kanyang sasakyan ngunit pinigilan ko sya. “Epi, pamangkin mo. Naglalambing.” Tiningnan ko mga mata ni Epi. Malamig mga ito. “Dalawa lang pamangkin ko sayo, ate. Si Miko at si Cindy lang.” Tuluyan ng tumalikod ito. Himihikbi si Carla kaya’t inamo ko ito. “Mommy galit ba sa akin si tito Epi?” “Hindi sya galit sayo, Carla. Mahal ka nun. Ganyan lang talaga ugali nya pero mahal ka nun.” Pilit kong pinapaintindi kay Carla na hindi naman galit tito nya sa kanya. Alam kong sa akin galit ang kapatid ko. Pinapasok ko na si Carla kasama ang yaya niya. “Ipasok mo na ako Nenet.” Naka wheel chair pa din si Anton. Alam ko ang nasa isip at puso nya. Walang sinasabi si Anton pero alam ko mga iniisip nya. At kahit si Anton, parang ang layo na nya kay Carla. Mabait pa din sya kay Carla at hindi nya pinapagalitan ngunit hindi na siya ganun kalambing. Naalala ko nuon, bago pa nangyari ang iskandalong iyun, parating naglalaro sila ni Anton at Carla ng boardgames, nagte table tennis sila, at tuwing linggo matapos magsimba, nagbibisikleta silang dalawa. Sobrang mahal ni Anton si Carla, sobrang ibinigay niya atensyon nya dito hanggang sa mapatunayan nyang hindi nga nya anak si Carla at nangyari ang isang bagay na nagpabago ng buhay namin. Napapikit na lamang ako. Kung tutuusin, ako ang may kasalanan sa lahat. Kung hindi ko inaya si Carlos na sumama sa amin ni ate, kung hindi ko sya inayang makipag inuman, kung sana hindi na naman kami naging mapusok, hindi mangyayari ito. Ngayon si Anton, andito pero parang wala. Napakalayo, napakatahimik, walang emosyon. Inayos ko mga gamot at pagkain ni Anton. “Mommy ako nalang magbigay kay daddy.” Gusto ko sanang pigilan si Carla ngunit kinuha na niya ang tray at inihatid sa loob ng kuwarto.  Medyo kinabahan ako. Maya maya ay lumabas ang anak ko bitbit ang tray. “Ayaw daw kumain muna ni daddy. Busog daw po sya.” “Sige anak, ako nalang magdadala nyan mamaya. Baka busog pa si daddy. Maglaro ka nalang muna duon.”  Naaawa na ako sa anak ko. Pati sya nadadamay. Siguro kailangan na namin tapusin kung ano man namamagitan sa amin. Isa pa hindi ko kailanman sinabing mahal ko siya. Oo, mahal ko sya, mahal na mahal ngunit hindi pwede. *********** Agosto 25, Nakatanggap ako ng mensahe sa messenger patugkol sa tatay ni Jackie. Inatake ito sa puso nang umagang iyun at namayapa. Nakiusap ako kay Anton na damayan si Jackie. “Sige, kelan ka pupunta duon?” Nabigla ako. Hindi ko akalain na papayagan niya ako. “Bukas,  Anton. Gusto ko makita si tatay kahit sa huling hantungan”. Tatay na din kasi tawag ko sa tatay ni Jackie. “Sige, condolence mo na lang ako kamo sa pamilya Hocson.” Sagot ni Anton. “Maraming salamat, Anton.” Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ko ng mga panahong iyun. Sa wakas, maiibsan na ang lungkot na aking nadarama. “Best, kamusta?” Tinabihan ako ni Carlos sa funeral home. “Ang ganda naman ng shoes mo.” Iyun lamang nasambit niya. Matapos malibing tatay ni Jackie ay nakiusap ako kung puwede sa kanila ako makitulog. “Pero best, hindi kaba pede kina ate Christina?”  “Hindi puwede Jackie. Hindi na kasi kami nag uusap magkapatid simula nuon.”Explain ko kay Jackie. "O, sige best Mel. No problem. Friend Carlos, pagkatapos nito umuwi ka ha. Ayoko dito ka matulog. Umuwi ka, kamamatay lamang ni tatay.” Kulang nalang sabihin nyang igalang nyo ang bahay ng namayapa ngunt hindi nya yun ginawa. Nuong gabing iyun, muli kaming nagtalik ni Carlos. Sumilip si Joan at rinig ko ang pagtatalo ng magkapatid pero hindi ko pinansin yun. Muli kong nakaniig si Carlos at yun ang mahalaga. Matapos ang mga sandaling iyun, nakiramdam muna kami kung may gising pa sa bahay at dali daling uuwi na sana si Carlos ngunit nasa kusina pala si Jino nagluluto ng almusal. “Uy, kuya! Hindi ko nakita dito ka pala natulog. Akal ko kasi pina uwi ka ni ate. Buti hindi ka umuwi, delikado. Sobrang lasing natin kagabi, eh. Hi po tita Mel. Wait po konti tatapusin ko na niluluto ko.” “Jino, pauwi na si Carlos. Ako din magpi prepare na, alis na din ako.” “Naku tita, kuya wag na. Dito na kayo mag almusal patapos na din ako dito sa niluluto ko.”Anyaya ni Jino. Syang labas din ni Joan, “Dito na kayo mag almusal. Mahirap lumabas ng walang laman ang tiyan. Isa pa malakas ang ulan.” Wala kaming nagawa kundi patilain ang ulan. Nakaupo na kami sa hapag kainan ng lumabas si Jackie at nakompronta si Carlos. Napahiya si Carlos kaya’t pinilit kong bawiin iyun ngunit parang mas lalo atang napahiya si Carlos. Nakatiim bagang ito at ako lang natawa sa hilaw ko na biro. “Maiba nga pala tayo, Carlos. Naalala ko may bago kang pinopormahan. Yung sinusundo mo sa Ortigas? Yung teacher ba yun? Kamusta na?” Lumiwanag ang mukha ni Carlos. “Masaya naman. Nakakatuwa nga kasi nakikipag usap sya sakin chaka hindi nya ako ini snob. Kaso, tinatanggihan ako pag inaaya ko syang sumakay sa motor ko.” “Naku friend, push mo lang yan. Tingin ko may chance ka sa kanya. Tingin ko konserbatibo sya kasi mga teacher ganun mga yan eh. Mejo pa hard to get.” Ganda ng ngiti ni Jackie. Hindi ko alam kung sincere sya or nananadya. May namumuong galit sa dibdib ko, gusto kong ihinto na nila usaping iyun. Pati din si Carlos, parang tuwang tuwa na ikuwento ang teacher na yun. “Ay, best, tikman mo tong tocino. Ang sarap! Anong tocino ba to?” Pilit kong iniiba ang usapan. “Binili lang iyan ni Jino sa may kapasigan, best. Madami dun, may longganisa pa sila. Tapos friend, dalaga ba sya? Tanong mo baka may bf.” “Sabi nya wala daw sya bf, eh. Wala daw sya panahon dun.” Ang ganda ng ngiti ng ungas. “Oo kuya. Mga teachers ganun sila. Puro trabaho at estudyante kay karamihan nagiging old maid parang si Ate Jackie  haha!” Biro ni Jino sa ate nya. “Hoy, sira ka! Umayos ka sakin baka di kita bigyan ng allowance.” Pang aasar ni Jackie sa kapatid. Tatlo silang magkapatid ni Jackie. Si Jackie ang panganay, sumunod si Joan na nag asawa na at may anak na lalake. Ang bunso ay si Jino, Kaka graduate lamang ni Jino sa kolehiyo at naghahanap na ng trabaho. Larawan sila ng isang masayang pamilya at kahit pa iba wala na mga magulang nila ay buo pa rin sila. Kahit si Carlos, buo pamilya nila. Maayos ang relasyon nya sa isa nyang anak na si Daniel pati sa dati nyang kinakasama na si Jasmin at ng asawa nito. Tanging sa akin lang ang magulo. Kahit tatlo kong anak ay hindi ko kayang ibuklod. Pangalawang tahanan ko na ito kay Anton at kung tutuusin, wala naman akong problema kay Bernard at si Cindy, hindi ko man lang sya naalagaan pati na rin si Miko. Si Carla lamang ang tanging naalagaan ko at naging isa akong ganap na ina ngunit kahit sa kanya, Malaki pagkukulang ko. Pinalaki ko siya sa pagkukunwari at kasinungalingan. Mga kapatid ko, lumalayo na sa akin. Ang dalawa kong kuya, si ate Christina at ngayon si Epi. Hindi tanggap ni Epi si Carla pagka’t nakikita nya sa mga mata, kilay at ilong ni Carla si Carlos. Mahirap at masakit yun sa dibdib ko bilang ina. Papaano na si Carla pagdating ng panahon? Ang usapin nila patungkol sa teacher na yun sa Ortigas ay kahit papaano nagpagaan ng mood ng umagang iyon sa hapag kainan. Gusto kong sumabog ngunit pinili kong manahimik. Pagkatapos naming kumain ay biglang nagpaalam si Carlos. “Sasamahan ko muna si ate, mamamalengke daw kami.” Hinawakan nya kamay ni Jackie. “Condolence sa inyo, kung saan man si tatay ngayon alam ko masaya na siya kasama si nanay. Friend, patawarin mo ako, kami. Hinding hindi na ito mauulit.”  “Friend, nahihirapan man akong intindihin pero sana nga huwag mo ng ulitin. Ikaw mismo ang umiwas, friend. Hindi yun dapat na ginagawa sa isang kaibigan. Ang kaibigan ay parang kapatid. Hindi natin ginagawa yun sa kapatid natin, dba?” Nakatungo si Carlos at ako man, nahihirapan lunukin ang pagkain.  “Ano daw? Bakit pala ate Joan?” Usisa ni Jino. “Sshh huwag ka nga sige tanong jan Jino.” Naiirita na si Joan sa kakulitan ng kapatid. “Nagtatanong nga lang ang tao, eh.” “Sige na friend, baka hinihintay ka na ng ate mo.” Tinapik ako ni Carlos sa balikat na para bang walang nangyari sa amin kaninang madaling araw. Pinilit kong maging maayos at normal sa harap ng magkapatid habang nag uusap usap. Sinusulyapan ko ang cellphone ko, hinihintay kong mag chat sya sa akin. Tumunog cellphone ni Jackie. “Nasa bahay na daw nila si Carlos. Nangungumusta ate nya sa atin.” Tiningnan ko cellphone ko, wala akong na receive na kahit ano galing sa kanya. Nasa bus na ako pabalik ng Batangas at iyun ang unang pagkakataon na umuwi ako ng luhaan dahil  kay Carlos. Madaming pahirap sa kalooban ang aking naranasan ngunit ito ang pinakamatindi pagka’t kahit pa nagsiping kami ng gabing iyun, alam kong unti unti nang nawawala pag ibig nya sa akin at napupunta na sa iba. May ibang babae na ang nagbibigay ng kaligayahan sa puso ni Carlos na dati rati ay ako. Pag ako ang umuuwi, halos mabaliw siya nuon sa kaka contact sa akin kahit nasa bus na ako. Ngayon, kahit simpleng kamusta wala na. At ako na ngayon ang nagdadalamhati. Sana hindi maging sila. Sana ako parin ang mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD