Sa loob ng ilang buwan kong inalagaan si Anton ay para bang nakakulong na naman ako uli at sa pagkakataong ito ay, mas nasasakal ako sapagkat kailanman hindi ko minahal si Anton. Nandidiri ako pag lumalapat labi niya sa katawan ko. Umiiwas akong halikan niya mga labi ko ngunit wala akong magawa. Napilitan akong sumama sa kanya sapagkat hiniwalayan na ako ni Bernard nang magsumbong si Cindy sa nakita niya. Lasing kami ni Carlos ng gabing iyun at tinabihan niya ako. Kahit pa may mga unan sa tabi ko at nasa likuran ko si Carlos ay hindi ko maitago sa anak ko mga nangyayari ng mga sandaling iyun. Nasa kabilang higaan si Cindy nuon katapat lang ng higaan ko at kahit pa patay ang ilaw, naaaninag niya kami. Kahit pa pilit naming huwag gumawa ng kahit anong ingay, hindi maiwasan. Mahirap pigilan. Gusto ni Carlos umuwi nuon o di kaya sa sala nalang matulog ngunit iba ang dating sa akin ng may ibang taong nakamasid habang nagniniig kami. Mas exciting, mas matindi ang sensation. Naulit iyun sa mismong bahay ni Anton nuong bumisita sila sa amin at nakita ni John mga ginawa namin at nuong nasa Paco kami sa bahay ng kaibigan ni Carlos. Sobrang sarap ng nadama ko nuon habang nakamasid ako sa mga kaibigan niya na hinihimas nila mga sandata nila hanggang hindi na makapagpigil ang isa. Hindi ko ma imagine kung silang lahat ng gabing iyun, kakayanin ko ba? Gusto kong ulitin yun, hindi ko pa nagagawa ang ako lamang ang babae at isa si Carlos sa mga kaniig ko. Winakli ko sa isipan agad iyun. Hindi yun dapat na nangyari, hindi dapat duon sa Paco. Sana sa mas pribadong lugar.
Ilang buwan din akong nagtiis na hindi pumunta ng Manila dahil sa pagkakasakit ni Anton. Pumayag lamang siyang makalabas ako ng buwan ng Hulyo pagka’t naglambing si Carla na pumuntang Enchanted Kingdom at pumunta din ng Batangas ang nakababata kong kapatid na binata si Jeffrey. Si Epi nag drive sa amin kasama ang ilang kaibigan ni Carla at mga nanay nila. Ibang iba ang buhay ko sa piling ni Anton. Sa simula lang masaya yung wala pa si Carla at marami pa syang pera. Ngayon, nanay na nanay na ako at parang ulirang maybahay. Hindi ako ganito sa piling ni Bernard kahit na ipinanganak ko na si Cindy. Bahay, eskwelahan at palengke o di kaya ay sa grocery lang ako ngayon. Puro alaga sa bata, alaga kay Anton, maglinis ng bahay, magluto, monthly check up ni Anton sa hospital at sa therapist, hindi ako makahinga sa monotony ng buhay. Pakiramdam ko ang tanda ko na. Amoy geriatric ang bahay. Kaya ng pumayag si Anton na mag EK kami ni Carla, tuwang tuwa ako lalo na at andun si Epi. Masayang masaya si Carla dahil kasama nya mga kalaro nya at unang pasyal pa lamang nya nuon sa EK. Masayang masaya din ako para kay Carla. Kinakitaan ng kabibohan ang bata parang kanyang ama. Hindi lamang sila magkamukha, magkaparehas din sila ng ugali. Tinitingnan ko mga kuko at paa ni Carla pati mga daliri, Carlos na Carlos. Sobrang tuwa ko at kuhang kuha nya ang kanyang ama. Kahit papaano ay hindi ako gaanong nangungulila kay Carlos dahil kay Carla.
Si Epi sinamahan niya ako sa Batangas ng halos isang buwan kaya’t kahit papaano ay nawala ng bahagya kalungkutan ko. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong tungkol sa nangyari sa bahay ni ate Christina at ang tungkol sa viral video. Hindi din nya tinanong ang kahit ano patungkol kay Carlos kahit alam kong may hinala syang anak ni Carlos si Carla. Close sila ni Carlos pagka’t may mga panahong duon kami sa bahay nina nanay kami umaakyat nuon. Magkasing edad din sila ni Carlos kaya’t magkaparehas sila ng gusto. Sa tatlo kong anak, kay Carla sya hindi malapit. Siguro kasi dito sa Batangas siya ipinanganak at lumaki.
“Ate, ingatan mo lagi sarili mo.” Papunta ng Maynila si Epi nuon para asikasuhin papeles nya dahil sasakay na sya ng barko. “Dadaan ako dito bago ako sumakay sa cruise liner.”
“Tito pasalubong ko ha.” Nilambing sya ni Carla ngunit tiningnan lamang nya ito.
“Kuya pagaling po kayo, ate”. Papasok na sana si Epi sa kanyang sasakyan ngunit pinigilan ko sya.
“Epi, pamangkin mo. Naglalambing.” Tiningnan ko mga mata ni Epi. Malamig mga ito.
“Dalawa lang pamangkin ko sayo, ate. Si Miko at si Cindy lang.” Tuluyan ng tumalikod ito. Himihikbi si Carla kaya’t inamo ko ito.
“Mommy galit ba sa akin si tito Epi?”
“Hindi sya galit sayo, Carla. Mahal ka nun. Ganyan lang talaga ugali nya pero mahal ka nun.” Pilit kong pinapaintindi kay Carla na hindi naman galit tito nya sa kanya. Alam kong sa akin galit ang kapatid ko. Pinapasok ko na si Carla kasama ang yaya niya.
“Ipasok mo na ako Nenet.” Naka wheel chair pa din si Anton. Alam ko ang nasa isip at puso nya. Alam ko ano iniisip nya. Walang sinasabi si Anton pero alam ko mga iniisip nya. At kahit si Anton, parang ang layo na nya kay Carla. Mabait pa din sya kay Carla at hindi nya pinapagalitan ngunit hindi na siya ganun kalambing.
Naalala ko nuon, bago pa nangyari ang iskandalong iyun, parating naglalaro sila ni Anton at Carla ng boardgames, nagte table tennis sila, at tuwing linggo matapos magsimba, nagbibisikleta silang dalawa. Sobrang mahal ni Anton si Carla, sobrang ibinigay niya atensyon nya dito hanggang sa mapatunayan nyang hindi nga nya anak si Carla at nangyari ang isang bagay na nagpabago ng buhay namin. Napapikit na lamang ako. Kung tutuusin, ako ang may kasalanan sa lahat. Kung hindi ko inaya si Carlos na sumama sa amin ni ate, kung hindi ko sya inayang makipag inuman, kung sana hindi na naman kami naging mapusok, hindi mangyayari ito. Ngayon si Anton, andito pero parang wala. Napakalayo, napakatahimik, walang emosyon. Inayos ko mga gamot at pagkain ni Anton.
“Mommy ako nalang magbigay kay daddy.” Gusto ko sanang pigilan si Carla ngunit kinuha na niya ang tray at inihatid sa loob ng kuwarto. Medyo kinabahan ako. Maya maya ay lumabas ang anak ko bitbit ang tray.
“Ayaw daw kumain muna ni daddy. Busog daw po sya.”
“Sige anak, ako nalang magdadala nyan mamaya. Baka busog pa si daddy. Maglaro ka nalang muna duon.” Naaawa na ako sa anak ko. Pati sya nadadamay. Siguro kailangan na namin tapusin kung ano man namamagitan sa amin. Isa pa hindi hindi ko kailanman sinabing mahal ko siya. Oo, mahal ko sya, mahal na mahal ngunit hindi pwede.
***********
Agosto 25, Nakatanggap ako ng mensahe sa messenger patugkol sa tatay ni Jackie. Inatake ito sa puso nang umagang iyun at namayapa. Nakiusap ako kay Anton na damayan si Jackie.
“Sige, kelan ka pupunta duon?” Nabigla ako. Hindi ko akalain na papayagan niya ako.
“Bukas, Anton. Gusto ko makita si tatay kahit sa huling hantungan”. Tatay na din kasi tawag ko sa tatay ni Jackie.
“Sige, condolence mo na lang ako kamo sa pamilya Hocson.” Sagot ni Anton.
“Maraming salamat, Anton.” Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ko ng mga panahong iyun. Sa wakas, maiibsan na ang lungkot na aking nadarama.
“Best, kamusta?” Tinabihan ako ni Carlos sa funeral home.
“Ang ganda naman ng shoes mo.” Iyun lamang nasambit niya. Matapos malibing tatay ni Jackie ay nakiusap ako kung puwede sa kanila ako makitulog.
“Pero best, hindi kaba pede kina ate Christina?” Nag aalangan si Jackie na duon matulog si Best niya pagkat alam niya ang mangyayari at ayaw sana gawn nila uli sa bahay nila lalo na at kakalibing lang ng tatay niya.
“Hindi puwede Jackie. Hindi na kasi kami nag uusap magkapatid simula nuon.”Explain ko kay Jackie.
O, sige best. No problem. Friend, pagkatapos nito umuwi ka ha. Ayoko dito ka matulog. Umuwi ka, kamamatay lamang ni tatay.” Kulang nalang sabihin nyang igalang nyo ang bahay ng namayapa ngunt hindi nya yun ginawa.
Nuong gabing iyun, muli kaming nagtalik ni Carlos. Sumilip si Joan at rinig ko ang pagtatalo ng magkpatid pero hindi pinansin yun. Muli kong makaniig si Carlos at yun ang mahalaga.