Jackie

3141 Words
Bago mag December nag add as friend si Jackie kay Sam. Nagpakilala sya kay Sam na bestfriends nga sila ni Carlos at unang beses nyang makipag add as friend sa girlfriend ni Carlos. Never nyang pinakialaman mga affairs ni Carlos, kahit ang pakikipagrelasyon nya kay Best Melissa. Hindi nya ito pinakialaman. Naging magka ibigan ang dalawa. May small business si Jackie at full support si Sam dito. “Alam mo Carlos, tingin ko me alam si Jackie tungkol sa inyo ng bes Mel mo.” “Wala, lahat sinekreto namin sa lahat lahat.” Hindi makatingin ng derecho si Carlos kay Sam. “May alam sya tungkol sa inyo, at tungkol kay Carla. Pero nangako kayo na hindi nyo na uulitin ginawa ninyo pero naulit muli. Tama ba ko?” “Alam mo Sam, si Jackie ang pinaka pinagkakatiwalaan namin na bestfriend. Yun mga panahong kinailangan namin ng taong umintindi sa amin, andun sya. Sya yung naging buffer sa relasyon namin. Sa totoo lang, hindi ko alam ano gagawin namin kung wala si Jackie. Sya yung tagapagtanggol, taga cover at parating umiintindi sa amin dalawa. Sa sitwasyon namin.” “Pero, ano talaga ang gustong mangyari ni Jackie?” “Gustong nyang magpatuloy si best Mel sa ano man nasimulan nya. At gusto nya na magpatuloy ako sa kung ano man meron ako.” “So, kaya two years after na nanganak si Melissa ke Carla, inilihim nyo kay Jackie relasyon nyo? Tama ba? Alam mo, niloloko nyo mga sarili nyo eh. Hindi actually si Jackie niloloko ninyo, sarili ninyo. Alam mo, si Melissa, nasa 40’s na sya dba? Ask ko lang, saan ang utak nya?” “Mahal, teka. Ano pinagsasabi mo?” “Kasi mahal, sya yung babae. Sya yun mas me edad, ang nag desisyon na iwan ka. Eh bat sya balik ng balik sayo now? At ikaw, paano ka makaka move on? Ano, stucked up buhay mo kasi andyan sya parati? Eh katawan lang nya ang puhunan nya, madaming babae sa mundo? Anong meron sa kanya? Ano pala yang kanya, gold?” “Mahal ko sya, mahal.” Sambit ni Carlos “Mahal mo sya? Eh, ano kami? Ako, ano reason ng existence ko sa buhay mo, Carlos Why am I here with you? I mean, bakit moko sinuyo?” Tumataas na boses ni Sam. “Sam, mahal. Mahal kita. Mahal na mahal. Minahal ko din sila. Si Mel, mahal ko din kasi sya yung first love ko. Ina sya ni Carla. Bestfriend ko sya. Madami kami pinagdaanan as bestfriends at ilang beses na din nya ako tinulungan. Nuon pa man, nare renew contract ko sa Aroma and Blends because of her. She did everything para tumagal ako, kami ni Jackie sa trabaho.” “Okay, andun na tayo, Carlos. She did everything in her power para tumagal kayo. Umasenso kaba? Tumagal ka as barista.” “No, Sam. Ni recommend nya ako para maging supervisor sa Metrowalk branch,at yun nga nangyari. Malaking tulong yun sa kin at sa pamilya ko. Natigilan saglit si Sam. Solid ang pondasyon nila ni Melissa at Carlos. At walang karapatan si Sam para manghusga. “Carlos, hindi mo ba naisip man lang na baka pinagsamantalahan ka lang ng best mo? Ginamit nya power nya bilang manager nyo para makuha ka nya? Power play. Nagkataon lang na lalake ka, babae sya. Pero as I see it, I think you were harassed. Alam mo bang pwede syang mademanda ng kumpanya that time at makasuhan kasi boss mo sya at tauhan ka nya?” May galit na namumuo sa puso ni Sam ng mga sandaling iyon. “I don’t think she harassed me, Sam. When we made love, parte yun ng relasyon namin. Yes, aware kami that time na bawal nga sa kumpanya lalo na’t iisang department pa kami kaya’t ingat na ingat kami nuon.” Nakatingin sya kay Sam. Gusto nyang unawain sya nito. “Ako, Carlos. Ano ako sa buhay mo? At si Melissa?” “Ikaw, ikaw ang pinakamamahal ko. Si Mel, andito pa rin sya sa puso ko. Hindi mawawala yun, ngunit kailangan naming patayin na relasyon namin bilang magkalaguyo. Hanggang magkaibigan nalang kami.” *********** “So, panakip butas lang pala ako, tragis! Walang pinagkaiba, ke malalake, ke mababae pag gago gago talaga.” Nakikipag inuman si Sam kay Weng, linggo ng hapon. Malapit lang bahay nila ni Weng sa Caniogan sa tinitirhan nya sa Malinao kaya’t nakakadalaw dalaw siya. “Pare pareho lang yan, tao. Pinagkaiba mga ari lang haha.” Derecho kung magsalita si Weng kaya’t gusto sya ni Sam kausap. Ayaw ni Sam ng nilalagay sya sa alanganin at higit sa lahat ayaw nya ang plastic. “Imagine, mahal pa pala nya yun ex nya, yung bestfriend nya kuno na dati nyang manager na kabit ngayon ng… hay ang gulo! Tas naanakan pa nya yun ha” Sumasakit na ulo ni Sam at hindi kayang pawiin ng tapang ng vodka. “Ha? Si Carlos? Naanakan nya yun? Alam ba ng partner ng babae?” Ang gulo naman nun. “Hindi ko sure, eh. Pero may ka live in na ang babae nung naanakan ni Carlos babaeng to. Malamang hindi nya alam ginagawa nila.” Explain ni Sam. “Alam mo ba ito? Itong hullaballoo na to, alam mo ba to?” Tanong ni Weng. “Ang alam ko ex nya pero hindi ko alam na best friends sila at naanakan nya. Blind ako, Weng.” “Hiwalayan mo na hangga’t maaga pa. Wag ka papagamit. As I see, ginagamit kalang nila para maitago relasyon nila. Ginagawa kalang nilang shield, naku. Hindi ka si Wonder Woman ha. Si Samantha ka, isang ordinaryong ESL Teacher ng Ortigas. Umiwas kana bago ka tuluyang malugmok. Ginagawa kalang nilang tanga, may relasyon parin mga yan. Lahat ng mga tao sa paligid nila ginagawa nilang tanga. Sayang pinag aralan mo.” ********** Tanga ba talaga ako? Imbes na sumakay ako ng tryke or mag jeep, nilakad ko ang Stella Maris papuntang kapasigan para mag isip. Paulit ulit kong tinanong sarili ko kung bakit ko hinayaan na gawin sa akin ng mga taong ito ang mga bagay na hindi ko gusto. Kung tutuusin, mga estranghero sila sa buhay ko ngunit pinabayaan ko na mahulog ako sa kumunoy. Pagod ako na dumating sa apartment. Napahiga ako sa kama habang nagtatrabaho pinsan ko. Work from home sya, Virtual Assistant kaya buong araw babad sa harap ng computer. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami or ano ba itong pinasukan ko. “Enjoyin mo nalang, Sam. Charge to experience baga. Kung kayo, kayo. Kung hindi, di hindi. Ganun lang yun. Mature kana. Alam mo na ginagawa mo.” Yun payo ng pinsan ko. Sige nga, tingnan natin hanggang saan talaga ito. ********** Si Jaqueline Hocson o Jackie sa mga kaibigan nila ay supervisor sa Aroma and Blends. Dalaga ito at wala ng balak pang mag asawa. Masaya na syang alagaan ang tatay nya at mga pamangkin. Malaki bahay nila sa Pasig kaya’t silang apat na magkakapatid pati dalawang pamangkin nya sa sumunod sa kanya na babae na nag asawa na ay duon na din tumira kasama ng tatay nila. Ulila na sila sa ina simula ng ipinanganak si Jepoy kaya siya na ang tumayong ina para sa mga kapatid. Retired government worker tatay nya kaya't kahit papaano ay nakakaluwag luwag silang mag anak. Personal trainor sya ni Carlos nuong nagsisimula pa lamang ito. Personal na nirekomenda ni Jackie si Carlos kay Melissa para maging barista sa ilang buwan nya na pagtatrabaho sa kumpanya bilang janitor. Kinakitaan kasi ito ng interes at kasipagan sa trabaho. Naging barista si Carlos at nung bago sya mag isang taon sa kumpanya ay naging Supervisor ito sa Metrowalk branch kasama si Melissa at naiwan si Jackie sa Emerald. Hawak pa din ni Melissa ang Emerald branch ngunit hindi na alam ni Jackie mga nangyayari sa kanila. Isang umaga na hinanap nya si Melissa at sabi ni Felix ay wala ito. “Pumunta ng Bulacan si Ma’am Mel. Wala din si Carlos, sinamahan nya si boss sa Bulacan.” Nuong una ay wala lang sa kanya pagka’t nakaugalian na talaga ni Carlos ang sumama kay Mel pag nauwing Bulacan ito. “Natutuwa kasi ako nasi ang dami kong nakikita. Nakakalibang sumakay ng bus.” Sambit ni Carlos. Ngayon kasi medyo nakaka abala na kasi sa trabaho pagka’t parehas silang may posisyon at hindi nila sinasagot text nila. Wala siguro signal. Napapadalas na kasi. Isang beses na dumalaw sya sa Metrowalk para magpa sign kay Melissa ay namataan nya na bumaba ng motor ni Carlos si Melissa sa may Parc Chateu. Nagtaka sya pagka’t alam nyang day off ni Carlos nang araw na iyun at bakit nakasakay si Melissa? Tatawagin na sana nya ang dalawa ng buksan ni Melissa ang helmet ni Carlos at halikan ito sa labi. Nanlamig buong katawan ni Jackie sa nakita. Si Bernard pa partner nya nuon at nang sumama si Melissa ay Anton, buong akala nya ay tapos na silang dalawa. Nuong pumunta sila magbarkada sa Batangas ng ayain sila ni Anton ilang buwan na natapos kontrata nya sa Aroma and Blends ay nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Melissa. Hindi siya makatulog nuon at namataan niyang pumasok si Melissa sa kwarto ni Carlos at John. Si John ang bago nilang na hire na pumalit kay Carlos sa Emerald Branch. Nang umagang iyun ay aligaga si Mel kahit may mga katulong sya ay ikot sya ng ikot. Parang walang nangyari sa kanilang dalawa. Palabiro si Anton kaya mga kasama namin ay tawa ng tawa, maliban kay Jackie, Carlos at si John. Hinatid sila ng sasakyan pauwi din ng Maynila nuon at ng nasa Maynila na sila ay kinausap ni Jackie si John. “Tapatin mo ako, John. May nakita kaba kagabi?” “Yes, mam Jackie. Si mam Melissa at si sir Carlos.” Yumuko si John. “Wala kang nakita John.” Bago matapos ang anim na buwan na kontrata ni John ay nag resign ito. Pumunta ng Korea. ************ Ilang taon kong itinago ang sikreto nila at saksi ako sa pagiging babaero at tomador ni Carlos. May isa pa akong napansin na ugali nito, naging sinungaling na ito. Taon 2009 nang tumawag sa akin si Alma, asawa ni Felix at kasama ko sa trabaho. Galit na galit ito at gusto nang isumpa si Melissa at Carlos sa ginawa nila sa isang pagtitipon sa bahay nila. “Mga hayup na mga taong yan. Akala ko si mam Melissa kagalang galang. Kung umasta sya parating sya ang api, sya ang kawawa, sya ang martyr yun pala sya ang hayup. Sa mismong pamamahay ko pa. At si Carlos hindi din nya pinigilan sarili nya.” Halatang nanggigigil sa galit si Alma pero pinatapos ko muna ang paglilitanya nya hanggang matapos sya. “Baka mga lasing sila kaya ganun, Alma. Kapwa nakalimut sa sarili.” Hindi ko alam kung tama ba pinagsasabi ko. Hindi ko alam paano sila pagtakpan para hindi masira pagkakaibigan namin. “Boss Jackie, matatanda na sila. Si Mam Melissa nasa 35 or 36 na. Bata pa ba yun para maging iresponsable sa action nya? Para intindihin na nakalimut dahil nalasing? Sumama na siya sa ibang lalake at iniwan niya pamilya niya tapos ngayon si Carlos, bunso natin si Carlos, boss Jackie, Diba? SI mam Melissa napakataas ng respeto ko sa babaeng yan at siya ang pinakamatanda sa grupo natin hindi ba dapat siya ang gumagabay sa atin? Lalo na ke Carlos? Eh siya pa nga mismo ang pumasok sa kwarto para galawin ng lalake. Mapapa anak ako ng wala sa panahon. At si Carlos, kabuwanan na ni Jasmin tapos kung ano pinag gagagawa? Kahit gaano kalasing ng tao, kung may respeto ka sa babae, hinding hindi mo magagawang patulan ang babae. Mandididiri sya dahil kung tutuusin parang tiyahin na niya si mam Melissa. Ang nangyari kasi parang pinagsamantalahan siya ng babae, nagpasamantala din siya.” Nanginginig si Alma sa tindi ng emosyon. Nasira kasi party niya sa ginawang scene ng dalawa. Wala talagang makakaintindi pagka’t pinalabas ni Melissa na isa syang martyr na babae na ginawa ang lahat kahit mapalayu sa pamilya para umayos buhay nila pinansyal. Maayos naman ang trabaho ni Bernard sa gobyerno bilang guro pero sadyang kulang daw sabi ni Melissa. Gumawa siya ng kuwento na nambabae si Bernard at hindi kasundo ni Melissa ang mga magulang nito. Totoo, hindi nga talaga gusto ng mga magulang ni Bernard si Melissa ngunit nirespeto nila kagustuhan ng anak alang alang sa apo nilang si Cindy. Si Melissa din ang dahilan kung bakit hindi sila makasal kasal. Ayaw ni Melissa na matali. Pangarap niyang makapunta ng Maynila at magtrabaho dito. “Gusto kong tumakas, Jackie. Gusto kong takasan pamilya ko. Mahal ko pamilya ko pero hindi ako makahinga. Nasasakal ako. Gusto ko ganitong buhay lamang. Malayo sa kanila at malaya.” Sadyang naiiba nga si Melissa nuon pa man. Dati syang saleslady sa isang kilalang department store sa Maynila at nakarelasyon nya ang may ari ng agency na nagrecommend sa kanya sa department store kaya’t naging Supervisor sya ng housekeeping. Kalaunan ay na iskandalo siya pagka’t nahuli sila ng isang janitor sa employees’ lounge habang may meeting. Muntik na syang mademanda ng HR. Tinanggal siya sa trabaho at nasira records nya sa lahat ng department stores. Magkakilala na kami nuon at nasa mall branch pa ako naka assign. Nirecommend ng agency ang Aroma and Blends at nagustuhan nila si Melissa. Patuloy na ginagamit ni Melissa katawan nya kaya’t naging manager sya ng Aroma and Blends Ortigas Branch. Sinama nya ako.Nang mag asawa si Boss Louie ay nagdesisyon ang Aroma and Blends na hindi na mag tie up sa mga manpower agencies kundi mag direct hire na under sa supervision ni Ms. Marietta Banaag-Zuluaga, ang asawa ng may ari ng café na naging saglitang karelasyon ni Carlos para paghigantihan si Melissa. Napakaraming nangyari at ako, ako ang bukod tanging pumipigil sa mga taong gusto ng sumabog sapagka’t ayokong mawala sila lahat sa buhay ko. Bukod sa pamilya ko, sila ang nagpapaligaya sa buhay ko at nagbibigay ng kulay sa mundo ko. ********* Hindi na ako nasorpresa nuong sabihin sa akin ni Melissa na buntis sya at may duda syang si Carlos and ama. Nagbunga na din ang kataksilan niya sa kanyang mga kinakasama. Nalaman ko din na hindi lang pala unang beses nagbuntis si Melissa kay Carlos. Pangatlo na niya ito at binalak na nyang ituloy. Yung dalawang magkasunod ay panahon ni Bernard. Ito sa panahon ni Anton. “Anong balak mo ngayon Mel?” “Itutuloy ko ang bata. Walang makakaalam nito kundi ikaw at ako lang. Si Anton gusto din nyang magkaanak kami, eh. Ito na ang pagkakataon.” “Pano mo nalaman Mel na kay Carlos ang bata? Eh dalawa sila sa buhay mo?” “Jackie kasi hindi ako nagbuntis kay Anton sa loob ng dalawang taon. `Kay Carlos to positibo ako. Please wag mo ipagsabi kahit kanino lalo na kay Carlos. Hindi nya dapat malaman tungkol sa pinagbubuntis ko.” Nagtago si Melissa sa lahat pwera sa akin. Hindi ko sinasabi kay Carlos anong nagyari kay Mel. Gusto na nyang puntahan sa Batangas pero pinigilan ko. Sinabi ko sa kanya na mag concentrate sa anak nya at sa plano nya. Lumipad sya ng Japan na hindi alam na naging ama na naman sya ng taong iyun. Nuong nagtagpo silang muli ni Melissa sa isang restaurant, buong akala ko okay na lahat alang alang sa bata. Pati ako, tinawag ko na rin na best si Mel para maging dismolado sa ibang nakakakilala sa amin. Bukod tanging ako lamang ang lehitimong nakakaalam sa mga nangyayari sa kanila. Sumumpa silang dalawa sa harap ko na hinding hindi na nila uulitin ang ganong relasyon alang alang sa katahimikan ng mga buhay nila, pamilya at mga kaibigan namin. “Picture tayo.” Kinunan ko kaming tatlo at pinost ko sa sss. D best of three. Akala ko magiging okay na lahat. Hindi ko akalain na pati sa akin, magtatago at maglilihim silang dalawa. Ngayon, buong mundo at pati anak nila ay niloloko nila masunod lamang ang tawag ng laman. Tuloy ang ikot ng mundo, tuloy sila sa mga nakasanayan nila. Si best, patuloy ang marangya nyang buhay at si friend, tuloy ang pagiging playboy. Kahit sino pinaparausan pero pag andito si best, drop lahat. Naka focus lang si friend ke best, at ako natuto na din akong magkunwaring hindi ko alam at hindi ko napapansin. Magkunwaring okay lang lahat para bumalanse lang ang mundo. Ilang beses ng pati bahay namin at kwarto ko ang ginamit nilang dalawa na parausan. “Ate, alam mo bang nagtalik na naman ang dalawa sa kwarto mo? Bakit hindi mo masaway?Diba may asawa si ate Melissa? Baka kasi makita sila ni tatay magalit yun, o di kaya ng mga bata. Wag naman sana nila gawing motel bahay natin, tsk!” Hindi ko masisi si Joan na mapika. Ako man, habang tinitingnan ko ang basang parte ng bedsheet, naasar na din. Ni hindi man lang nilinisan. Ni hindi man lang nagkaroon ng hiya na linisan ang bakas ng kanilang kahayukan. Ayokong magtanim ng galit sa kanila at ayokong masira pagkakaibigan namin. Nuong lumabas ang viral video nilang dalawa nuong summer 2019, sa bahay sana namin sila magpapalipas ng gabi ngunit hindi puwede dahil madami mga kamag anak sa bahay nuon kaya nangyari ang iskandalong iyun. Nuong namatay si tatay nuong Agosto ng 2019 ay muling sa bahay namin nakitulog si best Melissa pagkatapos ng libing pagkat hindi na siya tanggap sa bahay ng kanyang mga kapatid. Sinabihan ko si friend Carlos na umuwi dahil kamamatay lang ni tatay at gustong magpahinga ng pamilya. Sabi nya oo. Hindi ko na alam mga nangyari ngunit nang umagang iyun ay nasa hapag kainin namin silang dalawa. "Morning friend!" "Ba't andito ka? Di ba sabi ko umuwi ka kagabi dahil kamamatay lang ni tatay?" Mukhang napahiya si Carlos kaya't binawi ni best Melissa. "Dito na sya natulog sa sala mo best kasi nagkalasingan kami. Kinakantyawan ko nga si best Carlos baka ma inlove siya kay Jino ninyo kasi gumuguwapo sya habang lumalaki, eh. Alam mo naman si best natin may kalambutan." Pilit ang halakhak ni best ngunit ni isa sa amin ay walang natawa. Ganyan si best, gumagawa ng kwento at mga excuses mapagtakpan lang dumi niya. Ayokong kamuhian sya pero nawawalan na talaga ako ng respeto. Sa mismong araw ng pagkalibing ni tatay tahimik silang nagtalik sa mismong kuwarto ng mga magulang ko. Si Samantha, I really hope na mabago niya ang takbo ng mundo ni Carlos. Nang sa gayon, hindi na din maghabol si Melissa. Mahal ko silang dalawa, mahal ko anak nila. I valued our friendship. Sana ma save ito ni Sam. Sana strong enough siya na buwagin ng tuluyan ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD