Ang alibi ni Mrs. Santiago

2076 Words
Nag viral ang video nung mga panahong iyon. Panay kantyaw sakin mga katropa ko sa habal sa Pasig at puring puri sila sa husay ko at tagal. Tumawag mga kapatid ni Melissa at pinagmumura ako. Ginawa nilang mag asawa lahat para hindi malaman ni Carla. Halos maubos lahat ng naipundar nila at ari arian para mahinto ang pagkalat nito. Malaki din ginastos nila sa pagpapagamot ni Anton. Nag retire sya ng wala sa oras para makakuha ng lump sum. Supportive ang first family ni Anton kaya’t kahit papaano naka survive sila. For two months lie low kami ni Melissa in all forms of communication. Habang wala kaming communication, abala naman ako sa pagmamasid sa babaeng inangasan ko nung summer. Napansin ko ang malaking resemblance nila ni Melissa. Mukhang tahimik sya pero may pagka aligaga. Hindi sya pala cellphone. Sandali lang nya ichi check tapos nakatuon na pansin nya sa kalsada. Araw araw ko na nakikita si customer sa pilahan bandang 9 am to 9:15 am. Dumating sa puntong medyo nagseselos na ako pag iba ang nagpapasakay sa kanya. Bakit ba kasi ganun? Hindi ako ang nakaka timing sa kanya. Third week of July pinagbigyan ako ng kumpare kong si Mike na pasakayin si customer. Alam nya kasing crush ko tong si customer. Nakita ko ang ganda ng ngiti nya ke Mike, halatang kilala na nya at mukang suki nya. Nginitian din sya ni Mike chaka tinuro ako. Nagbago mukha nya parang nakalunok ng luya.   “Kuya, sa kanya po ako sasakay? Hindi sayo?” parang nag aalangan sya na tinanong si Mike.  “Yes, mam sa kanya po. Wag po kayong mag alala. Mabait po yan at gentleman. Aalagaan po kayo nyan mam. Kumpare ko po yan at binata pa po.” Kumpletong explanation ni Mike.  “Kuya dko po hinihingi bio data nya. Sabi kasi nung barker kayo daw po ang turn na maghahatid sakin.” Insist ni customer.  “Mam kasi po pinatawag kasi ako ni misis. Me pinapaayos sakin sa bahay kaya sya nalang po mam. Wag kayo mag alala. You’re in good hands po sa kumpare ko.” Ngiting hudas na nginitian nya si customer. Mukhang wala choice si mam.  “Kuya, alam nyo po ba papuntang Garnet street sa Ortigas? Yun kahilera ng Strata 2000 buiding?”  Tinatanong ako ni mam pero para akong lutang. Si Mike ang sumagot para sa akin. Napakamot nalang ako ng ulo.  “Yes, mam. Alam na alam po nya yang lugar nayan.” Tiningnan ako ni mam.  “Kuya, kaya moba ihatid ako duon in twenty minutes?” This time, narinig ko na boses ko.  “Yes, mam. Kaya ko po.”  ****** October 2019 Lunes nang may mag text sa akin. Hindi ko kilala ang number. Si Melissa. Tatawag daw sya sakin. Nag usap kami. Inanyayahan kami ng mag asawa na pumunta sa lugar nila sa Lemery Batangas. Nang araw na iyun hindi ko nasundo si Sam. Ni chat or text hindi ko nagawa. Nakiusap ako ke Jackie na samahan ako kaya’t nag leave sya sa work that time. Sinundo kami ng younger brother  ni Anton sa tapat ng Robinson’s Galleria. Sa byahe palang kabado na ako. Hindi kami nag iimikan ni Jackie. Kapwa nagpapakiramdaman. Mga one hour nalang nasa Lemery na kami nang basagin ni Jackie ang katahimikan. “Ok lang yan friend. Kaya mo yan. Harapin mo si Anton, pakatatag ka.” Advice ni Jackie habang umiinom ng coke. Ayaw kong sumagot. Pagdating namin sa kanila pinagbuksan ako ng pintuan ni Melissa. Magtatanghalian na ng dumating kami ni Jackie. Naghanda ng pananghalian si Melissa. Inanyayahan nya kami na sa kanila na kumain. Nasa dining table na kami at naglalapag ng pagkain ang katulong nila ng lumabas ng kwarto si Anton na naka wheel chair at tinutulak ni Mel. Wala si Carla nasa school at didirecho sya sa bahay ng tita nya pansamantala. Tahimik kaming kumain apat.Matapos nuon ay nagsalita si Anton. “Alam mo Carlos, ayaw kong murahin ka sa harap ng hapag kainan at sa loob ng pamamahay ko. Kahit ganito ang ginawa mo sa akin, tao parin kitang ituturing dahil hindi ako katulad mo. Isa kang kahihiyan, alam moba yun? Binastos mo ako at binaboy mo asawa ko. Habang nanahimik ako dito sa loob ng bahay nilalagyan mo na pala ng iput ulo ko. Akala ko magkaibigan lang kayo matalik at pinaniwala nyo pa ako na bakla ka, yun pala para masunod kamunduhan nyo? Hindi kapa nakuntento inanakan mo pa sya? Anong klaseng lalake ka? Tao kaba? Masahol kapa sa hayup. Carlos.”  Napatiim bagang nalang ako. Gusto kong ipagtanggol sarili ko ngunit hindi ko magawa. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya bilang lalake, bilang tao. Pagkatapos mananghalian ay nagka kwentuhan konti. Hindi masyado ako nagsasalita. Sila lang ni Jackie, Mel at Anton nag uusap. Bandang alas tres ng matapos silang mag usap. Bago kami umuwi, lumuhod ako sa harap ni Anton. Humingi ng tawad. Nasa puso ko, gusto kong patawarin nya ako, para sa anak ko, para as sarili ko.  “Anton, patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan. Hindi ko napigilan matukso. I assure you, hindi ko na kayo gagambalain pa at si Carla, ay anak mo. Hindi sya kailanman magiging akin.” Nakatungo ang ulo ko habang humihingi ng tawad. Napahagulgol ng iyak si Jackie. Walang reaction galing kay Mel.  “Mahirap magpatawad, Carlos lalo pa’t pinagkatiwalaan kita. Mabait akong tao at isang Kristyano. Pero ang ginawa mo sa akin Carlos…. niyurakan mo pagkalalake ko. Harapan mo akong binastos!  Para kang  asong kalye! For Carla’s sake kakalimutan ko ginawa mo sa akin at sa asawa ko. Ngunit, kailanman, hindi ka ama ni Carla. Ako ang ama nya, hindi ikaw.” Parang nakikiusap na sambit ni Anton.  “Lahat po gagawin ko para sa anak. Kung pati karapatan ko bilang ama ay itatakwil ko ay gagawin ko. Para sa kanya.” Tumutulo luha ko habang nakayuko pa rin sa paanan ni Anton.  ***** Maghahating gabi na ng dumating ako sa bahay. Pagbukas ko ng cellphone ko ay nag ring agad ito. Si Melissa. Nakikiusap na huwag ko syang iwan. Sabi ko sa kanya hindi ko maipapangako. Gusto kung tuparin ang panagako ko kay Anton. Sinabi nyang iiwan nya si Anton pagdating ng panahon. “Hindi ba kayo pa ni Mary Anne?” Tanong ni Melissa. “Hiwalay na kami Mel. Naghiwalay kami nung Makita nyang yun video.” Sagot ko. “Hindi ba may nililigawan ka na customer mo? Nabanggit sakin ni Jackie mukang seryoso ka sa babaeng to. Maganda ba sya? Single mom din?”  Sunod sunod na tanong ni Mel. “Neither Mel. Dalaga sya. Nagtatrabaho sya sa Ortigas” Sagot ko kay Mel. Nahuhulaan ko na ano plano nya at hindi nga ako nagkamali.  “Pwede mo syang gamiting front para mapaniwala natin sila lahat na me girlfriend kana at para hindi na tayo gambalain. Lie low muna tayo. Walang makakaalam tulad ng dati para makalimutan nilang naging tayo.” Pakikiusap ni Mel.  “Mel, alam mong hindi nila makakalimutan yun. Nakatatak na yun sa utak nila. Ang isang napakalaking kasalanan ay mahirap kalimutan. Kahit pa ano ang estado ninyo ni Anton, fact remains partner ka niya dahil hiwalay sya sa asawa nya at pinili ka nya. Dba ikaw din? Pinili mo sya at hindi ako? Hindi ba parausan mo lang ako? Chaka diba you made it clear, walang tayo?” Me galit sa tinig ko habang pinapamukha ko sa kanya kung ano talaga papel ko sa buhay nya.  “Carlos, you have to understand. We’re doing this for Carla. Ayaw natin pareho masira future nya kaya sana a little consideration naman.  At kung hindi man kita pinili nuon is because gusto ko lang dugtungan buhay ko. Hindi ko kaya financially ipa opera ang tumor ko. At si Cindy, pinaaral sya ni Anton. Si Carla? Ayaw ko mawala ka sa akin pero si Anton lang makakabigay sa kanya ng mga bagay na hindi natin maibigay sa kanya. Kung tutuusin, nakikisilong lamang kami ni Carla sa pamamahay ni Anton. Kumakapit ako sa patalim para sa amin ng anak mo.” Magkahalong poot at pagmamahal ang nadarama ko that moment for her. I wanted to hug her and strangle her at the same time.  “Ano ba talaga tayo,  Melissa? Ano ba papel ko talaga sa buhay mo? Melissa, mahal mo ba ako?.” Hindi sumagot si Melissa. In off ko na cellphone ko without saying goodbye. *******  That night nag chat ako ke Sam, “I’m sorry hindi kita nasundo kanina. Me importanteng bagay ako na inasikaso. Nasaan ka now?” Medyo kinakabahan ako habang nagcha chat sa kanya.  “Uy, Carlos. Nasa bahay na ako. Worried nga ako kasi chinachat kita message sent lang. Kamusta na? Okay lang kahit hindi mo ako nahatid. Si Mike naghatid sakin chaka nag book ako sa carpool.” Haba ng explanation nya. Detalyado.  “Sam, na miss kita sobra. Pwede ba kita sunduin bukas?” Tanong ko sa kanya. “Sure Carlos. Wait kita.” Kahit hindi ko sya nakikita, alam ko nakangiti sya. Habang nakahiga ako, I made up my mind. Babaguhin ko ang mundo ko kay Sam. Hindi ko gagawin sa kanya mga bagay na ginawa ko sa ibang babae. This time it’s for real. ****** “Carlos, ba’t napaka tahimik mo?” pang uusisa sakin ni Sam habang nakahinto kami sa harap ng simbahan ng Immaculada Concepcion .  “Di ba kahapon wala ako? Sensya na hindi man lang kita naabisuhan. Pumunta kami ng friend ko sa Batangas para makipag usap sa ex ko at sa hubby nya. Nagkaayos na kami. Tatapusin na namin relasyon namin. Though nag usap na kami nung dati pa na tapusin na ugnayan namin, kailangan ko pa rin harapin si Anton.”  “Yan ba yung ex mo na kinukwento mo sakin? Yung nakatira jan sa Bagong Ilog?” Tanong ni Sam.  “Oo, Sam. Kaso kahit pa friends nalang kami, me nangyayari pa rin sa amin. Matagal na naming ginagawa to. Parang hindi kumpleto pagkikita naming dalawa pag hindi kami nagtatalik kaya anjan parati yung isang friend namin. Hindi namin alam ano gagawin naming dalawa pag kami lang. Nahahantong parati sa hindi dapat.” Nakikita ko sa side mirror ang mukha ni Sam. Hindi sya naka fullface helmet kaya kitang kita ko expression nya. Hindi ko nagustuhan yun. Kinabahan ako ng konti.  “Tapatin mo ako Carlos, mahal mo pa rin ba si Ex until now?” Tumango ako. Ayoko magsinungaling sa kanya.  “For thirteen years, siya lang minahal mo? Ganun ka ka loyal? Ka faithful?” Halata sa boses ni Sam ang kirot.  “Oo, Sam. Ganun ko sya kamahal.”  “Pero hindi siya faithful sayo, dba?” Hindi ko na gusto ang tono ng boses ni Sam.  “Me rason siya Sam. Para sa kanya at sa anak niya kaya niya ginawa yun. Naiintindihan ko siya.” Sagot ko.  “Kung gayon, napaka swerte naman niya, nakatagpo sya nga lalakeng tulad mo na kahit illogical ang reason nya, kahit napaka unfair, tanggap pa rin sya. Kaso, hindi niya appreciate.” Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa workplace niya. Chinat ko sya nung gabing yun ngunit hindi na sya sumasagot. Kinabahan na ako at pilit ko syang tawagan ngunit unattended na phone nya. That moment nagpapanic na ako at gusto ko nang sumigaw. Ayokong mawala siya. Not her. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. *******  Nang mga sandali ding iyon, umiiyak din si Sam. Kung mahal pa ng lalakeng ito dati nyang kasintahan, ano ang papel nya? Ano pa puwang nya sa buhay nila at kahit pa iba na ang buhay ng babae, hindi parin siya ang mahal ni Carlos. If that’s the case, what for pa? Mas mabuti na siguro ang ganito. Tapusin na hangga’t maaga pa, hangga’t hindi pa gaano kalalim ang nadarama nya para kay Carlos. Mas maigi pa sigurong umiwas siya. The following day nasa labas na ng gate ng apartment nila si Carlos. Halatang walang tulog ito. Mugto mga mata.  “Sam, please huwag mo akong iwasan.” Hindi na umimik pa si Sam. Sumakay na sya sa motor ni Carlos. Habang binabaybay nila ang C5, binuksan ni Carlos ang Spotify sa kanyang cellphone at pini play nya ang awitin ng Truefaith, “Muntik ng maabot ang langit.” Tahimik silang dalawa. Tanging t***k ng puso nila ang maririnig na tila sumasayaw sa saliw ng musika   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD