Ang kalungkutan sa puso ni Carlos

2067 Words
September 2, 2019, Monday. Nag promise si Sam ke Carlos na sa motor nya sasakay sya today. Actually nakalimutan na ni Sam mukha nya kasi puro kalokohan mga pics na pinapadala sa kanya sa messenger. Basta naalala nya naka Honda wave sya na motor at blue ang kulay. Naalala din nya malaki built in ni Carlos, looks nya me itsura pero mukang hindi mapagkakatiwalaan. Mukang manyakis pero dahil makulit di pagbigyan. Now kung dangerous talaga tung taong to di iwasan. Lunes, katatapos lang ng ulan nun nang pumunta si Sam sa terminal. Marami naglalaro sa isip ni Sam that time. Somehow wala sya kumpyansa pero sa kung anong dahilan tila may nag uudyok sa kanya na tumuloy sa usapan nila. Nevertheless nagdala pa rin sya ng ice pick. Nakita nya agad si Carlos. Kumakain ito ng pansit habang nakatingin sa cellphone. Lumapit sya dito, “Excuse me Carlos. Good morning.” Nginitian nya to. “Ma’am, kayo na pala yan. Sandali lang po inum muna ko tubig.” Natataranta ang tukmol sabay kuha ng helmet para kay Sam. Nang mapalapit sya ke Sam, naamoy agad niya ang pabango ni Carlos. Hindi nya alam ano ito pero bagay sa lalake. Amoy bagong ligo. Gwapo pala sya. Moreno, di gaanong matangkad at me dimple. Ang ganda ng ngiti. Nakapink na blouse si Sam at nag cardigan. Naka dark pants sya at doll shoes. Feeling nya mukha syang gurang. “Ang ganda nyo naman ngayon, ma’am. Sing ganda nyo ang talulot ng gumamela sa pagka ganda gandang umaga.” Pambobola ni Carlos. Ngiti nalang ang tugon ni Sam kahit mejo naiirita na sya sa kapreskohan ni Carlos. All went well habang binabaybay nila ang C5 papuntang Valle Verde. Makwento si Carlos. Kinwento nya Ate at Kuya nya at nanay nila. Tubong Manila pero sa Pasig na sila lumaki. Along Urbano Velasco bahay nila sa may Ferrer Compund. Napakalapit lang ng tirahan nila pareho. Ulila sa ama si Carlos at mga kapatid nya may kani kanila nang pamilya ngunit nakatira pa rin sa kanila. Sya nalang ang hindi pa nag aasawa ngunit hindi rin nya ipinagkaila na napakarami ng babaeng dumaan sa buhay nya. “Madami napo dumaan sa buhay ko ma’am. Karamihan sa kanila lust lang. Konti lang sa kanila nagpatibok ng puso ko. Ang totoo nyan ma’am, isa lang po talaga. Kaso hindi ako pinili.” Awww kawawa naman ni kuya. Bigo natatawa si Sam sa kadramahan ni kuya. Mga ganitong style ng mga lalake talaga para makakuha ng simpatiya. Sige nga, sakyan natin. Tingnan natin san to papunta.  “Eh, san na sya kuya? Bat ka nya iniwan? Siguro bad boy ka kaya nagalit sayo at iniwan ka.” “Hindi po ako bad boy ma’am. Sumama po sya sa mayaman.” Hindi na ako tumugon. Obviously hurting pa nga si kuya. Saan nga naman ang hustisya? Sa edad na 33 mukhang ang dami nyang hang ups sa buhay. “Sunduin kita uli mamaya, ma’am.” Sabi ko huwag na. Unahin nya mga customer nya at hindi pwedeng ililibre nya ako parati. Nakakahiya na. “Ma’am, kaligayahan kopo na makasama ka kahit sandaling panahon lang. Gusto ko lang po ng may kausap.” Personal counsellor ata kailangan ng tukmol na to at hindi customer, pero sige. Sasakay ako sa kanya, makikinig ako sa mga drama nya sa buhay. Win-win situation.  “Sige kuya, payag ako.” “Wag mo na po ako tawaging kuya, Carlos nalang.”  “Same here. Sam narin itawag mo sakin”. September 3, 2019 Tuesday, maganda ang sikat ng araw. Nasa kanto na si Carlos at naghihintay ke Sam. Me bitbit itong baunan. “Ma’am, I mean Sam, almusal mo. Mahilig kaba sa tocilog?” Nagulat si Sam, bat me mga ganun? “ Naman Carlos. Nag abala kapa. Sa academy na kasi ako nag aalmusal.” “Sam, baka po kasi magutom kayo. Mahirap po mag trabaho ng walang almusal.” Mejo reluctant na tinanggap ni Sam ang offer pero me kasabihan to refuse an offer is an insult. “ Salamat ng marami Carlos. Eh, ikaw?” “Okay, lang ako Sam. Nag almusal napo ako.” Makwento si Carlos, walang boring moments sa kanya. Kinwento nya kabataan nya, dati nyang trabaho, passion nya sa painting at sa musika. At higit sa lahat, babae.“Alam nyo po ba yung Bagong Ilog sa bungad ng Rotonda?” Tanong sakin ni Carlos. “Oo, nadadaanan ko yan pag pa uwi” Tugon ko. “Dun po kasi dating nakatira ex ko. Dati hinahatid ko sya sa Bagong Ilog after work. Barista pa ako ng Aroma and Blend cafe nuon sa Metrowalk. Katrabaho ko sya. Single mother sya.” Single mom, tsk komplikado, isip ni Sam. “Kasama ba nya anak nya sa Bagong Ilog?” Tanong ko. “Hindi po. Nasa Malolos Bulacan po nakatira. Kasama ng papa ng bata.  Lingguhan po umuwi ng Bulacan ex gf ko nuon para makasama sila?” Mukang malasado ata utak ng taong to isip isip ko. Pumapatol sya sa babaeng pamilyado? “Ah, ganun po ba. So ano nangyari? Nagpakasal sila ng papa ng anak nya kaya ka iniwan?” Natatawa akong tugon sa kanya. “Hindi Sam. Sumama sya sa ibang lalake. Sumama sya sa mayaman.” Gusto ko nang malaglag sa kinauupuan ko. “Tapos ikaw inlove sa ganung klaseng babae? Kelan ba to? Last year? Two years ago?” Tanong na sunod sunod ni Sam.  “Thirteen years ago na Sam. Thirteen years ago.” ***** “Ano ba naman yang mga nagko confide sayo girl? Nakaka windang at ano ba naman yang Tocilog nayan. Pahingi nga.” Mas malakas pa lumamon sakin tong bading nato. Si Teacher Reggie, graduate ng UP and gay. Very gay din personality nya. Sya yung taong kahit nasa mid 20s lang pero me disposisyon sa buhay. “Girl, make sure lang na hindi ka ma fall dito sa guy nato ha. Mukhang madami pa sya hanash.” “Cher Rej, d naman ako ganun kabilis ma fall haha. Hindi sya ang ideal ng isang babae.” Natatawang tugon ko ke T. Reggie. ***** “Tahimik ka ata Carlos.” Pauwi na kami nun. Sinundo nya ako infront sa building namin kaso stucked up kami sa traffic. “Gusto mo kwentuhan kita, Sam?” Tanong nya sakin “Sige. Kwentuhan moko ng experience mo as Barista. Nagkakape din ako minsan sa Metrowalk dati pero usually sa gabi. After ng shift ko nuon pag Friday, Banchetto nights.” Sagot ko “Gusto mo kape muna tayo? Not necessarily sa Aroma and Blend cafe. Stop muna tayo jan sa Pares Kapehan and convenience store sa may Rotonda. Masarap Kape Barako nila.” Yaya ni Carlos “Brewed?” Tugon ko. Napawi antok at boredom ko. “Oo, brewed. Di mo pa na try?” Tanong niya uli. “Hindi pa eh. Puro siopao, C2 apple at bayad ng bills ang reason ako pumapasok ng Pares Kapehan.” Tugon ko.  “Haha! Pag natikman mo kape nila, I’m sure babalik balikan mo.”    Walastik! Ang sarap nga. Mapait na masarap. Napansin ko hindi naglalagay ng creamer si Carlos pero nagba brown sugar sya. “Nagki creamer ka pala.” Nakangiti sya sakin habang iniinom kape nya. “ Sweet siguro personality mo. Ako kasi hindi nagki creamer. Gusto ko yung mapait pero matamis. Parang buhay.” Eto na naman tayo. Napaka madrama nitong bago kong friend. Isip isp ni Sam. “Ang pagtitimpla kasi ng kape parang pag aalaga ng isang minamahal. Dapat binabalanse. Maraming klaseng kape. Me Latte, Macchiato, Espresso, Moccachino, Brewed, Cappucino, etc. Depende yun sa taste ng isang tao. Iisa lang ang pag proseso ng karamihan except Brewed at Americano. May sarili silang blend. Mahilig kaba sa brewed?” Tanong ni Carlos. “Oo, brewed at amerikano. Parang ikaw, mahilig din ako sa bittersweet. Pero naglalagay ako ng konting creamer para mas masaya.” Tugon ko. “Sam, kamusta naman lovelife mo?” “Sa totoo lang Carlos, wala akong lovelife since college. Puro ako flings. Ayoko ng commitment. Wala ako karanasan sa lalake.” Mejo nahihiya kong reply.  “ Interesting. Are you a les?” Derechang tanong ni Carlos. “Sort of, I guess.” Mejo awkward kong tugon at napangiti. “Eh ikaw? Kwento mo naman sakin makulay mong mundo. Nakailang gfs kana ba?”  “ Twenty five.” Gulat ako sa sagot. “Twenty five? Pano yun? Naaalala mo pa ba sila?” “Lahat naman sila Sam special sa puso ko. Lahat sila naging bahagi ng buhay ko. Pero iisa lamang ang bukod tangi. Hindi sya napabilang sa 25 women. Sya ang first and only ko.” Tinitigan ko si Carlos. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Tinanong ko sya, “pwede ko bang malaman name nya?” “Melissa. Melissa Constantino-Santiago.” Nung hinatid na nya ako sa bahay dun ko napagtanto. Hindi na kailangan ng psychiatrist para malaman kung sino talaga mahal nya. Right then, I’ve realized that he doesn’t have any interest in me. He just wanted somebody to talk with. I guess I will be fine.        ***** He sent messages that night. Sabi nya sa kanya matutulog mga pamangkin nyang puro lalake dahil wedding anniversary ng panganay nyang kapatid na babae. He told me about his love for music, he loves acoustics which is weird kasi parehas kami.  “Acoustic kasi ay isang musika ng kaluluwa. Meron syang certain longing na hindi kayang I express ng ibang music genre. Ang musika kasi Sam para itong pakikipagtalik. Iba ibang tao, iba ibang approach. Me hard, me soft,me wild me pa romantic. Nasa iyo kung paano ang tira mo sa kanya. Music is like lovemaking. It is one way of expressing your passion towards the other. Gising kapa ba, Sam?” Gising na gising si Sam. Mejo naninindig lang balahibo nya sa mga sinasabi ng binata. Anong sorcery meron tong taong to? “Yeah, I’m still here. Nag mejas lang ako. Malamig kasi.” Ayaw magpahalata ni Sam na nagugulat sya sa personality ng taong to. “Haha, okay Sam. I have to sleep now. Before I go, I will share to you this song. The title is “Firefighter”. It was sung by Cigarettes after s*x band. Good night.” I said goodnight to him. Pati fave band mahalay. I began listening to the song while watching the rain outside my window. I think he’s seducing me, or, is he?   September 4, 2019 “Firefighter, Carlos mejo mabigat ang dating ng song. Parang gusto kong uminom ng Red Horse haha. Pero I love their songs, I mean Cigarettes after s*x band. Sila pala kumanta ng song na ‘Nothing’s gonna hurt you’.” I told him that sunny morning. Maganda ang gising ko that day. I don’t know and I don’t want to admit it pero I was slowly drawn to this man. Iba ang approach nya. Hindi garapal. He looked at me and smiled. Me twinkle sa kanyang mga mata while he was putting my helmet on. “Magaganda songs nila. Yung time na sobrang down ako pinapakinggan ko songs nila. Shall we go now? Oh,before I forget,” binigyan nya ako ng tatlong pulang rosas. “Sensya na sa palengke ko lang nabili. Wala kasi flowershops dito satin.” Napapakamot sa ulo si Carlos habang nag e explain. Tinignan ni Sam ang mga pulang rosas. Hindi nya ma explain ang naramdaman nya nung mga panahong yun. Me namumuong takot sa puso nya that moment. Hindi nya alam how to guard herself. “Tara na” Nakangiting tingin sa kanya ni Carlos. Nasa may simbahan na sila ng Pasig ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong muna sila sa isang pasilungan sa tapat ng simbahan dahil hindi nila kakayanin ang bagsak nito. Basa ang buhok at mukha ni Sam kaya kumuha si Carlos ng panyo. Pinunasan nya mukha ni Sam.  “Gusto kitang alagaan Sam. Pwedeng akin ka nalang?” Napatda si Sam. Somehow ini expect na nya na mangyari to na scenario pero ang mararamdaman nya ang hindi sya prepared. Why on earth is she affected with this man? “Carlos ayoko ng ganyang biro,ha.” Tumalikod si Carlos. Kinuha ang kapote at sinuot ke Sam. Nagsuot din sya ng sariling kapote. “Tumila na ang ulan. Tara na baka ma late ka pa.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD