PAGKAPASOK pa lang ni Andrea sa building ng Del Rio Medical Center ay agad na siyang sinalubong ng dalawang nurse. Pinapapunta siya sa ICU dahil isinugod daw roon ang pasyente niyang may brain aneurysm na ilang araw na rin niyang pinag-aaralan ang kondisyon. "100 joules. Charge. Clear!" Andrea shouted. Then she placed the defibrillator pads on the patient's chest. Dalawang beses pa niyang inulit ang ginawa pero walang nangyari. Sinubukan din niyang i-CPR pero wala na talaga, tuluyan na itong nag-flat line. "Come on..." aniya, habang patuloy na binibigyan ang pasyente ng CPR. "Doctor Del Rio, the patient has no pulse and heartbeat." Narinig niyang sabi ng isang nurse na nagpatigil sa kaniya. Nanlulumong napatitig na lang siya sa walang buhay niyang pasyente. Ilang segundo pa ay napan

