NAKATITIG lang si Andrea sa dalawang taong nasa loob ng elevator. Particularly sa taong hindi niya inaasahan na makikita niya rito. Sa sobrang pagkabigla ay nakalimutan na niya na kailangan niyang makatakas mula kay Dr. Villa. But at the same time, sobra-sobra ang relieve na nararamdaman niya. Kaya hindi niya napigilan na muli ay sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. "Hija..." sambit ng lolo Alexander niya. May pag-aalala sa boses nito. Pero hindi naman maalis ang mga mata niya sa kasama nito. Si Theon. Ni ang kumurap ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya na kapag kumurap siya ay mawawala ang mga ito sa harap niya. Na ilusyon lang niya itong lahat. Na narito ang lolo Alexander niya kasama si Theon Montreal. Nakita niya ang pagkalukot ng noo ni Theon na nakatitig pa rin sa kaniy

