Galaxy's POV: Nakabalik na kami ni Nitron sa Pinas at naging masaya ang bakasyon namin sa Japan. Opisyal na rin kaming magkasintahang dalawa. Hindi ko lubos akalaing ang naging first crush ko noon, first love, first kiss, at first chugchug ay boyfriend ko na ngayon! "What should I wear? A black tuxedo or a navy blue suit?" tanong sa akin ni Nitron. Natawa naman ako at niyakap siya. Niyakap naman ako pabalik ni Nitron. Hay, ang sarap ng buhay kapag ganito. Walang problema at sobrang saya. Kasama ko pa siya sa tabi ko lagi. Wala na yata akong mahihiling pa. "Bakit parang naglalambing ka yata?" malambing na tanong ni Nitron at binuhat ako. "Wala lang, masama ba? Ang gwapo-gwapo ng future asawa ko eh. Dapat araw-araw nilalambing para mahal na mahal din ako araw-araw at forever," banat

