(Flashback) Galaxy's POV: "I'm done of you, Galaxy Mayward! Hindi ko lubos akalaing lalaki kang ganito! Get out of the car at pumasok ka na sa loob!" galit na sigaw sa akin ni dad. "Dad, ayaw ko! You can't abandon me like this! Anak mo pa rin ako! Mag-aalala si mom!" umiiyak kong sigaw habang hinahampas sa braso si dad. "I can't Galaxy, get out of the car. Lumabas ka na bago pa ako mawalan ng pasensya," madiing sabi ni dad at tumingin sa una. Tumigil naman ako sa paghampas sa kaniya at pinunasan ang aking luha. I'm taking sessions pero hindi raw iyon nagiging ganoon kaepektibo. They are sick of me. Hindi na nila ako kaya at gusto na akong ipasok ni dad sa asylum. I know na umaayos na ako but I still can't control my emotions sometimes. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng

