Super Saiyan

961 Words
"Car, ok ka lang?" Alalang-alalang tanong ni Charize sa kanya. Charity Denize de Jesus, 19 years old. BA Multimedia Arts. Bestfriend na niya since highschool. Sumama ito sa kanya sa CR pagtapos na pagtapos ng Psychology subject nila. Buti hindi nagalit ang prof nilang Psycho din dahil nalate siya ng dalawang minuto sa fifteen minutes na binigay nito. Ang hirap kayang magtanggal ng cornstarch sa damit. Yun nga ang wierd doon. hindi nagalit sa kanya. Siguro nagtataka "Ok lang." Sagot niya kay Char habang busy siya sa pag-pagpag ng tshirt. May natitira pa palang puting pulbo na di niya natangal kanina. Buti nalang at maayos nyang natapos ang reporting niya kay Sir Psycho at wala na rin itong tinanong kung ano pa. Ni hindi siya nasigawan na kinagulat ng mga kaklase niya. "Grabe talaga sila, kahit sino pinagtritripan." "Yaan mo na." sagot niya habang patuloy parin ang pagpagpag. Yung jacket naman niya ang pinagtutuunan niya nang pansin. Suede pa naman ang tela noon. Padala ng kuya niya sa ibang bansa. Fresh from the balikbayan box pa. Hala! Ayaw nang matanggal. Patay. "Anong hayaan na?" Naglabas si Charize nang malaking scotchtape sa bag. As in malaki. In-unroll nito ang malaking scotch tape at idinikit dikit ang malagkit na parte sa t-shirt niya. Wow effective. Natanggal ang mga puting pulbo at kumapit sa dikit nito. "Ayus yan ha." Aniya. Kahit kelan talaga, girls scout tong si Charize, naisip niya. "Anong ayos doon? Uulitin nila yan. Isumbong mo na sa guidance." Sabi nito. Ngumisi nalang siya. "Bakit ko naman gagawin yon?" That is so elementary Natigil ang pagkuskos ng scotch tape ang kaibigan niya. Namutla. Talaga naman putlain si Charize pero sa pagkakataong yun parang mahihimatay na ewan ang hitsura. "Ok ka l--" "P**tang**a naman Car!" Halos mabingi siya sa mura. Biglaan, nakatapat pa sa tenga niya. Minsan lang magmura si Char. Kapag super galit lang. Tulad ngayon. "Wag mo namang ulitin yung nangyari nung highschool! Muntik ka nang di grumaduate noon!" Singhal pa nito sa kanya sabay padyak. "Adik." Sabi niya sabay batok dito nang bahagya. "Wala naman akong balak ulitin ang trip ko nun," tuloy niya. Inagaw niya dito ang scotchtape at siya na ang nagtanggal ng mga cornstarch sa damit. Medyo natatanggal na iyon. "Level one palang naman yung ginawa niya. Hindi pa malala. Wag lang niya ulitin." "Hay naku girl, bahala ka," sabi nito. "Nag-aalala lang naman ako sayo. Buti nga at hindi naging issue yon nang makapasok ka dito. Buti at walang nakakaalam." Buti nga, naisip niya. Kaya rin siya dito sa St. Leonard University pumasok dahil alam niyang mas tahimik dito. Hindi pa siya kilala kaya hindi mauungkat ang nakaraan niya. Buti nga at walang naglalakas loob na i post sa social media. Cancel na siya, malamang. "Sayo muna yan scotch tape ko, may meeting ako with the staff. May inoorganize na naman yatang bagong pakulo yung student council natin." Sabi ni Charize sa kanya. "Ok." Tipid niyang sagot. Alam niyang busy ang kaibigan pero sinamahan parin siya. Sobrang busy, parang ito na nga yung kumikilos para sa lahat at-- "Pakshet!" Sigaw niya. Nagulat nalang siya ng hawakan siya nito sa balikat yugyugin nang malakas. "Just promise me! Wala kang masamang gagawin this time ha! Magpromise ka Carmelita!!! Magpromise ka!!!!" "Shet! Oo na! Oo na!" sigaw niya. Pakiramdam niya, nagyuyugyog na ang mundo niya. Ito talagang babaeng to parang timang! "I promissseeeee. Wala akong gagawing s**t!" At saka lang ito tumigil. Pakiramdam niya gusto niyang sumuka sa hilo. "Good. Basta wag kang bad, ha." Malambing ba paalala ng bestfriend niya. "Oo na nga!" Kung di lang sa pinagsamahan nila, naku! "A--anu ba?" Habol-hininga niyang sambit. "Umalis ka na, late ka na." "Ok sige na," sagot naman nito. Kinuha na nito ang bag at folder niya. Nag-flyingkiss pa ito saka lumabas ng CR. "See you later." Nagbuntong-hininga nalang siya. May pagka-bipolar talaga ang babaeng yon, naiisip niya. Naiwan na siya sa CR at nagpatuloy sa pagtatanggal ng cornstarch sa damit. Sa pangalawang taon nya sa kolehiyo nakatikim ng ganito Prank man o hindi. Masyadong childish. Akala pa naman niya magma-mature ang mga tao pagdating sa gantong edad. Pinagpag niya ang mga natirang pulbo. Pwede na siguro ito, naisip niya. Hindi nalang niya isusuot ang hoodie niya dahil mas pansin doon ang nanuot na kulay puti. Kinuha niya ang gamit at saka tuluyang lumabas ng CR pagkatapos. Pero nagulat nalang siya sa eksena sa labas. Nagkakagulo na naman ang mga tao. Nagtatakbuhan sa bulettin board. Lumapit siya sa mga ito para maki-usyoso.  Anong meron uli? "Hayan na si Miss White lady!" Narinig niyang sigaw isang estudyante. "Wohoooo! Yeah! Hahahahahah!" Halo-halong sigaw na ang sumunod. Karamihan puro tawanan. Anong meron talaga? Nang tumingin siya sa bulettin board, nakita niya ang isang bondpaper size na picture. Picture niya. Close up pa. Puno nang puting cornstarch. Mukha siyang espasol. Tang*nang yan! Nasa highchool pa ba siya para makaranas ng ganito? Ang childish talaga! Hinablot niya ang picture sa board. Natigil ang tawanan. Nakita siguro ng mga ito ang malakas na aura nang pagkabadtrip niya. Level 99 to the nth power. Malapit na mag-super saiyan. Napalitan ang maingay na tawanan ng mahihinang bulong. Maliban dun sa may bandang dulo. Sa grupo ng mga lalaki sa may likuran. Tawa parin ito nang tawa. Mga walang paki. Humakbang siya papuntang direksyon ng mga yon. Para namang nahati ang mga tao na parang Red Sea para padain siya.Umiilag na. "Excuse me," sabi niya kay Leo. Alam niyang ito ang mastermind ng lahat. Malamang, ito ang narinig niyang may pinakamalakas na tawa. "Bawal pong mag-post ng walang permit sa bulettin board," aniya sabay abot ng picture. "Mag-pasign po muna kayo sa student council." Sabay ngiti. Matamis na ngiti. Matamis na ngiti with beautiful eyes pa. Tumigil ang tawanan ng mga loko. Kinuha ni Leo ang picture habang nakatanga lang sa mukha niya. "O--Okay.." "Sige ha. May next class pa ako." Kumaway siya dito at tumalikod at naglakad papalayo. Lalong lumakas ang bulungan nang lahat. "Pre, may gusto ata sayo yan." Rinig niyang sabi ng isang kasama nito. Oo may gusto nga ako sa kanya. Gusto ko syang patayin. Level 2 ka na. Isa pa. Wala ka nang mukhang ilalabas sa campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD