bc

The Bully and the Beast

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
revenge
opposites attract
badboy
badgirl
kickass heroine
drama
comedy
sweet
bxg
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Tumahimik ang buhay ni Car noong tumuntong siya sa college.

Akala niya mature na tao na ang mga makakasalamuha niya. And then someone pulled the trigger.

Ang storya ng cornstarch, ng pototoy, ng pustahan... at ng babaeng laging nakaitim.

chap-preview
Free preview
The Bully and the Beast
Carrie Lumakad siya sa gitna ng hallway. Tulad nang dati, wala siyang pakialam sa mga mga suplyap ng mga tao sa kanya. Oversize na black tshirt na may black hoodie pa ang suot. Isama na rin ang makapal na black rimmed glasses nya. Di naman siya nagluluksa o maitim ang budhi niya. Hindi madumihim ang itim. Madali pang isuot. Di nawawala sa uso. Weird sa paningin ng iba, pero praktikal sa kanya. Napansin niyang nagbubulungan ang mga tao sa paligid. Napakunot siya ng noo. "Anong meron?" Bulong niya. Gusto sana niyang itanong sa mga nakakasalubong pero one minute nalang late na siya sa Psychology subject niya. Terror pa naman yung prof dun. Parang nangangain nang buhay. Tinuloy nalang niyang maglakad, hindi nalang iyon pinansin. Hindi naman siguro ganoon kaimportante. "Ayan na siya, ayan na siya." Dinig niya sa isang babae nang papalapit na siya. Nursing ang course base sa uniform. May mga kasama pa. Malayo yung building ng mga yon pero andito sa building nila. Ano ba talagang meron? Lumakad parin siya pero mas binilisan niya sa pagkakataong yon. Nawiwindang siya sa mga kinikilos ng mga nasa paligid. May patagong at pasimpleng naglalabas ng phone. May kunwaring nakatingin sa ibang direksyon pero paminsan-minsang nakalingon sa kanya. Nakakaba. May mangyayari yata. Nagkibit-balikat siya. Mas mahalaga yung klase niya sa mga yon. Tinuloy niya ang lakad.  And then poof! Walang naging coco crunch. Sumabog lang naman ang mapuputing pulbos sa paligid. Nahulog galing sa itaas. Sa may kisame. G*go lang. Prank ba ito? Narinig niya ang mga malalakas na halagpakan ng mga nasa paligid bago pa siya makapag-react. Malakas na tawanan ng mga lalaki at matitinis na hagikgik ng mga babae. Nakalabas na ang mga phone at nakatutok na sa kanya. "Ayan....bagay naman palang magputi." Sabi nung isang babae. Andrea Grace Macalintal. 2nd year. BS Accountancy. Vlogger pero 904 followers lang. Harmless. Napangiwi siya. Prank nga. Hindi naman nakakatuwa. "Yan ang bagay sa freak." Isa pang babae. Chelsea Williams. Interior Design. Di nya malaman kung anong year. Wala naman halos itong naiipasa sa subjects niya. Parang andito lang sa campus para mag fashion show. Queen Bee at certified influencer. Kilala niya ang mga profile ng karamihan sa mga estudyante dito sa university. Nag-research na siya bago palang siyang mag-enroll at alam niya kung sino-sino ang hindi niya pwedeng banggain. Hindi nga lang niya inaasahan na may ganito pang mangyayari. Napailing siya. Alam niyang hindi-hindi nang mga yon ipost sa social media. Mawawalan ng followers. Pero panigurado, tampulan na siya ng pambubully sa mga susunod na araw. Target na siya kung sino mang may pakana noon. "Bro! Sakto lagay mo," dinig niyang sigaw ng isa sabay tawa. Angelo Balaguer. BS Engineering. Varsity. Basketball. "Galing mo Leo!" Ang pinakamalakas na tawa sa lahat. Leopoldo Punongbayan. BSIT. Varsity. Basketball. Sabi na. Ito ang may pakana ng lahat. Kilala ito sa mga kalokohan niya sa loob at labas ng school. Alam niyang malakas ang kapit nito sa taas kaya ayan, kahit anong trip napapalampas. Ilan na rin naman ang nabibiktima nito. Lalo na yung mga kawawang freshmen na tulad niya. Kaso siya? Siya talaga? Hindi effective ang pagiging tahimik. Oo nga't medyo stand out ang pagsusuot niya ang itim, pero isa rin iyon sa dahilan kung bakit di siya madalas lapitan ng mga tao. Kaya nga bakit? Huminga siya nang malalim. Di siya natinag sa kinatatayuan. Ang dami paring nakatingin sa kanya na naghihintay ng kung anong mang reaksyon. Pero anong akala nila, maglulupasay siya at mag-iiyak sa pag nahiya? Para sa isang balot ng cornstarch na tumapon sa kanya? Hell no. "What's the meaning of this!" Lumabas si Prof. Psycho sa room. Ilang hakbang nalang yon sa kinatatayuan niya. Nakapasok na sana siya. Sayang attendance. Nagpulasan ang mga iba pang estudyante paalis at siya nalang ang naiwan sa hallway. "Miss Carmelita Esguerra! Ano ito!" Dumadagundong ang malakas na boses ng matandang proffesor sa tenga niya. Bagay na bagay talaga ang subject. Lahat halos ng mga estudyante takot masigawan ng super terror na prof dahil sa lakas ng intensity. "Harina, Sir." Malumanay niyang sambit sa Proffesor. Tumingin lang siya dito nang matuwid. Blangko ang ekspresyon. Tinanggal nya ang salamin niya at pinagpag ang mga puting pulbos na dumikit dito. Pinunasan at sinuot uli. "Or constrarch. Maaligasgas po." Napatigil ito sa kanya. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukhang nagugulumihanan na. "You're excuse for fifteen minutes, then." Sambuit lang nito. Medyo humina ang boses. Halata yung pagtataka. "Be back on my class and be ready for your report, Miss Esguerra" Pumasok na si Prof sa room. Sumilip siya sa loob at nakita niya ang halo-halong reaksyon ng mga kaka-klase niya. May mga nakanganga sa gulat. Sa pagkatakot yung iba. Maliit lang ang bilang ng block nila kaya karamihan dito, alam ang reputasyon niya doon sa dating eskwelahan niya. Lalo ang best friend nya na si Charize. Napatakip pa ito nang bibig. Ngumiti lang siya dito bago umalis. "They are so dead..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Favorite Subject

read
218.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook