"Lola~~" maligaya kong wika ng umupo sa tabi ni lola. Pagkalingon niya ay nanlaki ang kanyang mga mata. Imbes na sa pera tumingin ay sa pagmumukha ko siya tumingin. Nanginginig niyang hinaplos ang aking mukha. "Apo...Diyos ko po. Anong ginawa mo at mas lalo kang gumanda? Anong kolorete ito sa mata mo hija?" Humagikhik ako at mas lalong nilapit sa mukha niya ang pera. "Lola oh! Hindi mo ba ito nakikita?" Dumantay ang mga mata niya doon sa pera. "Saan mo nakuha iyan?" "Lola, hindi ko na po nasabi sainyo kasi nakalimutan ko rin po. May nag offer po sakin si Tiffany. Magmodel raw ako sa products niya at bibigyan niya ako ng pera kaya eto po." "Kaya ba ikaw may ganyan sa mukha apo ko? Patingin nga! May kulay rin ang pisngi mo! Ibig ba sabihin hija ay makikita kana ng lahat sa Tv?"

