Nagpatuloy pa ang iilang gig ko bilang isang modelo ng iilang brands. Iyong mga brands na hindi pa masyadong kilala at gusto pang lumawak ang impluwensiya. Hindi man ganun ka laki ang bayad sa akin pero masaya ako dahil nakakatulong ako kay lola at nabibilhan ko siya ng mga gamot niya. "Masaya ako dahil sa wakas ay may nakakapansin na sa angkin mong' ganda Meseeyah. Kahit na alam na ng karamihan na noon paman talaga ay maganda ka na. Hindi mo ba tinatanong sa lola mo kung ano na nangyari sa mga magulang mo? Pwede ka naming' tulungan, hija." si sir George, isang araw habang vacant ang isang subject namin at sakto namang wala siyang klase. Dahil nga sa abala ako ay pilit akong umiiwas kay Moses at maging sa imbitasyon ni Roman sa akin. Inayos ko ang pagkakahanay ng mga test papers na c

