Chaos NAPAHAGOD ako sa aking buhok matapos kong dalhin sa ospital si Tatiana. Sinubukan ko na huwag siyang iwanan kahit nang ipinapasok na siya sa emergency room. Pinigilan lang ako ng mga doktor. “Kami na ang bahala rito,” sabi ni Ced, kapatid ni Hades. Hindi ko inaasahan na duty siya ngayon, pero bago siya umalis, I did what I didn’t usually do. Napatigil si Ced nang hawakan ko ang braso niya. Tumingin siya sa akin na tila ba nagtataka. “Mercedes, please save my wife and my baby. Please, do everything to save them.” Sandaling natulala si Ced sa akin. Siguro ay dahil hindi siya sanay na makita akong ganito. Huminga siya nang malalim at tumango sa akin. “We will do our best, Chaos.” Tinapik niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago sumunod sa loob ng silid kung saan ipinasok

