Chaos ISANG malakas na suntok ang aking natamo mula kay Zeke. Bumagsak ako sa sahig. Nalalasahan ko ang dugo sa aking bibig dahil sa ginawa niya. Ganoon man ay hindi ako nanlaban. Nanatili akong nakaupo sa sahig habang nakayuko ang aking ulo. Pinipigilan nina Eula at Dmitry si Zeke na lapitan pa ako habang sina Rage at Hades ay tinangka akong tulungang makatayo pero hindi ko tinanggap ang kanilang mga nakalahad na kamay. Sinalo ko ang galit ni Zeke dahil gusto ko rin talagang makaramdam ng sakit. Para na akong namamanhid kanina pa at kung kaya ko lang ay ako ang susuntok sa sarili ko. Nagagalit si Zeke dahil mas pinili kong i-prioritize ang kaligtasan ng anak ko kaysa kay Tatiana. Siguro ay ikinabigla niya iyon, dahil umaasa siyang pipiliin ko si Tatiana. He was in the same situation

