Terrence POV
''Sa tingin mo Dark darating ba si Primo ngayon?''
''Don't know.'' Ang tipid talaga. Nagtataka na nga ako. Minsan pag si Zack ang kausap niya dumadaldal siya. Lumalampas siya sa 5 words.
''Speed, alam mo namang kahit dumating iyon. Hindi rin naman natin siya makikita.'' Oo nga tama. Minsan pala nag-iisip din ang taong 'to. Akala ko puro kayabangan lang laman ng utak niya.
''Oh, so you're already thinking huh, Gun?'' Nakangisi namang pang-asar ni Mr. Genius. Himala nagsalita ito ngayon.
''Anong tingin mo sa akin ha? Miguel Deeniel Ford walang utak?''
''I never said that.'' Hay ito na naman tayo. Minsan na nga lang mag-usap, mag-aaway pa. Mga ewan talaga tong dalawang 'to. Buti nalang wala yung childish kundi mas malala pa to.
Hay ang hirap talaga mapalibutan ng mga abnormal.
''Ah, kaya ka siguro nagsalita na rin kasi 'di mo na makayanan ang pagka-inggit mo sa kagwapohan ko 'no? Palibhasa ikaw utak lang wala namang face haha.''
''F*CK YOU! DREAM ON DUDE!''
BANG! BANG! BANG!
''STOP! OR I'll GONNA BLOW YOUR HEADS OFF!''
Oh oh lumampas sa 5 words. Ibig sabihin galit na talaga siya. Buti nalang magaling umiwas tung dalawang 'to kundi may paglalamayan ngayong gabi.
''Oy Dark hinay hinay naman!'' Takot din naman eh.
''SHUT UP!''
''Oh, it's like your having fun Silver kings?'' Napatahimik naman kaming tatlo. Pero as usual kampanteng nakaupo lang si Dark di man lang kakakitaan ng kaba.
''Yeah.'' Agad kaming nagbow maliban syempre kay alam niyo na.
''Long time no see Dark."
''Can you just tell me why you need to call us here?'' Mukhang naiinip na ang prinsipe.
''As always hot tempered my son I just want to say that there are many spy who entered here. And they are now worsening the mafia war.''
''I know.'' Sumeryoso naman kami. May mga nakapasok na spy dito? How could that happened? Ibig sabihin humihina na ang mga device dito.
''But how could that happened Primo? Fevnery is high technological." Aba't sumeryoso ang genius.
''Don't worry I just want to make them our prey and you must as act as the predator the ''Game of Death'' will start next month so ready your new comer he must join it.''
Si Zack? Bakit isasali na naman siya?
Zack POV
''Hoy childish bili ka nga ng pagkain gutom na ako.''
''Anong gusto mo Zack?''
''Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sabi ko ''PAGKAIN'' so ibig sabihin kahit anong klase basta nakakain.''
''Psst sungit!"
''May sinasabi ka?'' Nakataas kilay kong tanong. Hindi ko kasi masyadong narinig ang tagal naman kasi magising ng babaeng yun. Akala mo naman ulo ang nabaril eh.
''Wala ah.''
''Mabuti! Sige na tsupi! Bilis!'' Pagtataboy ko gutom na talaga ako. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko.
''Oo na po! Alagaan mo si cutie pie ah.''
''Oo na! oo na!'' Ang kulit talaga ng childish na yun. Nakakapagtaka lang na nakaya ng mga lalaking yun na pakisamahan siya. Tumingin na muna ako sa labas. Pinapanood ko lang ang paggalaw ng mga dahon.
''Hmm hmmm.'' Oy mukhang gising na ang sleeping beauty.
''Nasaan ako?'' Tsk, diba niya mahalatang nasa clinic siya. Oh baka naman nag-iimagine din itong nasa langit na.
''You're in the clinic.'' Agad naman siyang napalingon sa akin. Nanlaki pa ang mga mata niya at bahagya pang napaawang ang mga labi.
''Isara mo iyan, baka mapasukan ng langaw,'' ngingisi-ngising kong sabi namula naman siya. Grabe, I can't imagine na mag-eenjoy din pala akong maging lalaki. The way woman reacts to my charm.
''Z-a-ck, ikaw ba nagdala sa akin dito?''
''No, the monkey took you here.'' I simply said. Naguguluhan naman siyang tumingin sakin.
''YUHOOO! ZACK! I'M HERE!''
''Speaking of, nandito na ang unggoy." Napanganga na naman siya hahaha sige nganga pamore.
''Oh, hi cutie pie gising ka na pala.'' Ngiting-ngiti namang salubong nitong childish na'to sabay kaway pa.
''Akin na nga yan!'' Sabay haplot ko sa plastic ng pagkain gutom na'ko eh. Bahala siya kung makikipagchikahan pa siya kay Ms. Blush.
''Ahm, salamat pala sa pagdala sa akin dito.''
''Naku! Wala iyon saka si Zack naman talaga iyong bumuhat sa 'yo ako lang nag substitute." Loko 'to ah sinabi pa.
''Salamat Z—ack," nahihiyang sabi niya. Tumango nalang ako, alangan magsalita pa'ko puno pa naman ang bunganga ko.
''Okay lang, basta next time magdiet ka na raw." Sabay thumbs up pa niya. Tsk, nabigatan din pala siya.
''O—kay, salamat talaga!''
''No problem, btw Zack pinatatawag ka ni Dark.'' Napatigil naman ako sa pagkain. Ang seryoso kasi nang pagkakasabi niya, so ibig sabihin importante. Ano naman kaya iyon?
''Sige, tapusin ko lang 'to.''
''Cutie pie, okay lang ba kung iwan ka namin? meron naman iyong mga nurse eh. Sila nalang muna bahala sayo.'' Mukhang okay naman na siya parang kaya na nga niyang tumayo. Pretending to be weak ha?
''Okay lang." Tumayo na ako at lumabas bahala na yung childish na 'yun kung ayaw niya pang umalis.
''Zack! Hintay!'' Napalingon ako sa kanya pero agad ding akong nagtago para di niya ako makita kailangan ko munang maglibot-libot dito.
Ayaw ko munang dumiretso sa Silver house. Gusto ko munang tignan kung may mga palatandaan na makakapagturo sakin kung sino ang Prime na kailangan kong hanapin. I conclude that he/she is the leader of all the gangs here or maybe the one who owned Fevnery.
Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa garden ng University. Hindi ko pa 'to napupuntahan. Maraming mga bulaklak na nakatanim. Sobrang ganda pero nakakapagtaka wala man lang mga studyanteng pumupunta dito. So mysterious.
Agad akong napatago ng may marinig akong nag-uusap. Mahirap na baka correct ang conclusion kong bawal ang pumunta dito.
''Eagle, narinig kong nandito na ang Primo pinatawag niya daw ang mga Silver Kings.'' Primo? Iyon kaya 'yong target ko. Pareho silang nakatalikod sakin kaya di ko makita ang mukha nila.
''Sige Tiger, mabuti kung ganon nandito na pala siya''
''Anong plano mo?''
''Wala basta pagnagsimula na ang ''Game of death'' tawagin mo ang gang sasali tayo.''
Game of death?
''Mabuti naman matagal na kong inip na inip dito nangangati na ang mga kamao ko.'' At saka siya ngumisi doon ko nahalatang may mga mask pala sila.
''Halika na." Nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang papalayo.
Tiger & Eagle who are they?
Lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko saka ko nilibot tong garden. Malakas ang pakiramdam kong may makikita ako ditong makatutulong sa mission ko. Habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak na nakatanim. Naagaw ang atensyon ko ang isang puno sa di kalayuan may nakasulat na...
''WE WILL FIND YOU, AND YOU WILL FIND US.'' Halatang nakasulat sa dugo papalapit na ko dun ng may matapakan ako.
Teka lang ano to?
May natapakan kasi akong bato tapos pagyuko ko may nakaukit na white line sobrang haba parang nakapalibot sa buong garden. Mukhang kailangan kong umakyat sa puno para makita ko 'to nang mabuti. May tinatagong misteryo ang lugar na'to at kailangan ko yung alamin.
Pag-akyat ko sa puno saka ko nilibas ang glasses ko kung saan magpapakita na parang mapa. Napanganga nalang ako sa nakita ko. What the! anong klaseng lugar to?
Parang puzzle kasi ang nakikita ko kaya pala magkakalinya ang mga bulaklak na magkakapareho ng kulay: yellow, red, white. Ganito ang itsura niya hindi lang pala puting linya kundi marami pa. May hugis puso sa gitna na itinago sa mga kulay pulang bulaklak pero ang mas nakapagpanganga sakin ang dalawang linya ''white line'' at ''black line'' na gumuhit na parang mga ahas na pilit na lumalapit sa puso.
Bumaba na ako sa puno para lumapit sa mga pulang bulaklak. Sinilip ko ang lupa kung saan nakatanim ang mga ito. At tama nga isang malaking hugis puso pero may nakasulat sa gitna na...
''EL VI RA''
Someone POV
''We will not stop finding her."
''Yes, brother till I die."
''Me, also I'll make sure that I will not disappoint mom again.''