Chapter 13

1278 Words
Zarrion POV ''Hoy! Mitzu hindi pa ba tapos iyang ''baby'' mo. Ang tagal na yan ah baka bulok na naman yan hahaha!'' Pang-asar ko sa kanya. Kanina pa kasi siya kalikot nang kalikot sa bago niyang imbentong bulok na naman yata. ''Manahimik ka nga riyan Gun! Papansin ka eh ay!'' At saka siya ngumiti nang nakakaloko. Ano namang iniisip ng isip bata na 'to? ''Ah, siguro miss mo na ako 'no? Halika nga rito. Huwag ka na magtampo baby Gun.'' At saka naglahad ng kamay na parang handa akong yakapin. Aba't. ''Ulol!'' ''Huwag ka ng mag-inarte diyan. Miss narin naman kita eh. Pahug nga!'' Sabay lapit niya sa akin. ''Eh eto? Gusto mong ihug!'' ''Oy! Huwag ka naman ganyan.'' ''Eh, sa ito gusto kung ihug mo.'' ''Gun! Hoy, t-ama n-a tol!'' ''Baka.. ta-maan na.. ako!'' ''Pft! Hahah!'' Napatigil ako sa pagbaril sa gunggong na'to dahil sa tawang yun. ''Grabe, iyong m-ukha mo childish hahaha!'' ''Zack naman eh!'' ''Aray! Hahaha oo nga! Pati si Gun mukha namang ewan." Bwisit anong tinatawa naman ng dalawang 'to? Sobra kasi na halos magpagulong-gulong na sila sa sahig. At ang mas malala may hawak pang camera si Speed na parang natatae na. f**k! ''Baka gusto niyo rin to ah.'' Sabay tutok ko sa kanila pero parang wala lang naman kay Speed habang napatakip lang sa bibig si Zack at natatawa parin. Eh? ba't parang ang cute niya. Aissh! ano ba to? bading lang ang puts? ''I don't know that you have bromance relationship brad. By the way you look good together.'' f**k! Pati ba naman itong baliw na henyong 'to. May hawak pa kasi siyang video na proud na proud pang winawagayway sa mukha ko. Bwisit! ''Aish! Halika ka ritong isip bata ka!'' ''Hoy! Wala akong kasalanan Gun! Ipinakita ko lang ang pagmamahal ko sa iyo!'' ''Bumalik ka dito! Maleletson kita!' Zack POV ''Hahahahaha!'' Tawa namin napalingon ako kay henyo himala tumatawa rin pala 'to? ''Anong tinitingin niyo riyan? Bakit bawal bang tumawa?'' Umirap pa bading yata talaga to eh. MiGAY the genius ha? bagay. ''Tsk, hindi lang kami makapaniwala brad tumawa ka. Huwag kang magagalit brad ah pero ang pangit mo pala hahaha!" Natawa na rin ako sa sinabi ni Rence ang kulit din pala nito. Mali ang first impression ko sa kanya. ''You're just insecure cause you can't accept I'm more handsome than you!'' Sabay walk out niya. Hahaha nag-apir na lang kami ni Speed. Asar talo nga naman eh. Bigla naman siyang sumeryoso. Dalawa na lang kasi kami dito sa sala. Yung dalawang ewan kasi patuloy parin sa pagpapatayan baka nga may ilibing na kami bukas eh. ''Ano Zack? Okay ka lang ba talaga sa game of death?'' ''Oo naman diba lahat naman ng baguhan sasali dun saka maganda nga yun para maka experience naman ako ng sakit ng katawan.'' ''Hahaha, kakaiba ka talaga Zack pero ipinaaalala ko lang sayo malalakas ang mga kalaban mo dun. Marahil mga baguhan din sila katulad mo pero sa ''game of death'' hindi sigurado ang buhay mo kailangan maging ikaw ang pinakamalakas para manalo ka.'' ''Oo na! Oo na! Basta pagnamatay ako bigyan mo ako ng maayos na libing ha?'' ''Hahaha loko loko ka talaga.'' Sabay gulo niya sa buhok ko napangiti nalang ako bigla ko kasing namiss si Blake. Napatigil kami kasi may masamang hangin. ''Hey! Weak go now to your room and rest. Your training will start tomorrow.'' Napasimangot na lang ako sabay tayo andito na naman ang yelo na mukhang bampira. ''Bye Rence!'' Ngumiti naman siya sabay kaway sakin. Direderetso lang ako at hindi siya pinansin nang bigla nalang niya akong hinila. ''Be sure to rest. Ayoko nang lalampa-lampa bukas'' napatitig lang ako sa mga mata niya na parang nag-hihipnotismo sakin. May kakaiba rin sa mga mata niya na parang may bahid ng pag-aalala. Inalis ko na lang ang pagkakahawak niya sakin. ''Oo na po, Prime,'' walang ganang kong sabi saka dumiretso sa kwarto ko. s**t ano ba toh? ''Aish! Tumigil ka nga kanina ka pa eh. Nakakainis!'' Why I'm acting weird? Iyon lang naman ginawa niya eh. Bakit nagkakaganito na ako? FLASHBACK Pagkatapos ng mga nalaman ko sa misteryosong mini garden na yun. Kinuhanan ko na lang ng mga litrato saka ako nagpasyang umalis para bumalik na sa Silver House pero ang ewan ko kasi naligaw pa ako. Malay ko bang ang layo nang nilakad ko.Pagpasok ko palang sa Silver House. Nagsisigaw na yung childish baliw talaga. ''Zack, bakit mo naman ako iniwan? At saka saan ko pumunta? Bakit pawis na pawis ka?'' ''Hep hep! Ang dami mong tanong." "Eh kasi, sabihin mo na kasi sa akin saan ka pumunta?'' ''Hoy! Sinong kausap mo diyan Mitzu? Ay hi Zack! Mabuti nandito ka na,'' nakangiting salubong sa akin ni Zarrion parang namumutla pa eh. Pumasok na nga ako pero ingat na ingat naman sila sa akin. Bakit ganito kumilos ang mga lalaking to? Parang may hinaharangan? Hoy! Ano bang ginagawa niyo? Para kayong mga tanga.'' ''Bakit may putok ng baril?'' Ay! Wala lang iyon medyo galit kasi si Prime ewan doon.'' Medyo pinagpapawisan narin sila. Sobra kayang nakakatakot magalit si Dark? na nagiging ganito ang reaksyon nila. ''Machine! Where are you childish brat?!'' ''Prime! nandito na siya! sige na Zack pasok ka na may sasabihin lang si Dark'' pinagtulakan niya pa akong pumasok. Bwisit yun ah. Pagpasok ko, nakatalikod naman siya sakin. Sobrang haba ng mesa parang meeting place nga yata nila 'to pero nakakapagtaka lang medyo madilim tung kwarto. ''Your here." Eto na naman ang parang yelong boses niya mukha rin siyang galit. ''Sit." Umupo na lang ako. Bakit pa ako kinakabahan? ''Saan ka galing?'' ''Wala ka na doon.'' Marahas naman siyang lumingon sakin na kulang nalang kainin na ako. Anong problema nito? ''I'm the PRIME so I have the right to ask you. So better give me a good answer.'' ''Tssk, naglibot- libot lang ako. Sabihin mo na nga lang sakin kung anong kailangan mo.'' ''YOU." ''Anong sinasabi mo? Wala naman palang kwenta eh makaalis na ngalang'' tumayo na ko saka dumiretso sa pintuan. Pipihitin ko na sana ang seradura pero nagulat ako ng biglang may humatak sa akin. ''Anong?" Napalingon pa ko sa dating kinauupuan niya. Mga tatlong metro siguro ang layo niya sa akin kanina. Paano niya ako naabutan? ''Huwag mo kung tatalikuran! So now go back there and sit!'' ''Paano mo ko naa—butan?'' ''Tssk, too much question.'' Kahit naguguluhan ako umupo na lang ako sa tabi niya. ''In Fevnery every 5 years there's an event that we organize for the new one that have a capability to be the strongest in this University. We called it the ''game of death'' so as a new member of Silver Kings you need to join and be one of the participant." Game of death? Iyon iyong narinig kong pinag-uusapan kanina ng dalawang lalaking nakamaskara. ''You need to win it, you need to be the strongest because if you lose you'll die." ''Okay." Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako grabe naman kasi siya makatitig parang tinutunaw ako. ''Can I go now?'' Tumango naman siya. Yes! Sa wakas makakalabas na ako excited na akong palabas ng may basa akong natapakan. s**t! Madudulas ako napapikit na lang ako at hinihintay ang paglagapag ko sa semento pero may malakas na mga brasong humila sa akin. Pagmulat ng mga mata ko. s**t! Ang lapit ng mga mukha namin. Titig na titig ang mga asul niyang mga mata sa akin. ''Always be careful qwzxxcvzdwtyt'' Ano iyon? Hindi ko kasi narinig iyong huling sinabi niya. ''Thanks!'' Nasabi ko na lang at nagmamadaling lumabas. END OF FLASHBACK ''s**t! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS!'' Makatulog na nga lang mahaba habang training pa ang mangyayari sa akin bukas. Goodluck na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD