Kabanata ___: Sa Gitna ng Abala, May Tahimik na Pagnanasa "Hoy, baka naman matunaw na si Sidney! Kanina mo pa siya tinititigan," natatawang puna ni Mel habang bahagyang itinaas ang kilay at tinapik sa braso si Drake. Mula pa kanina’y nagsasalita na si Mel, pero hindi man lang sumasagot si Drake. Tila ba nakababad sa sariling mundo. Ang tingin nito'y nakatuon lamang sa iisang direksyon—kay Sidney, ang dalagang masigasig na nag-aasikaso sa mga pasyente. Naka-scrub suit ito na bahagyang gusot sa dami ng ginawa, subalit hindi nito kayang tabunan ang natural nitong ganda. Sa bawat hakbang at pagkilos ng dalaga, may kakaibang ningning na sumisilay sa mga mata ni Drake. Nagsimula na ang medical mission bago pa sumikat ang araw, at gaya ng inaasahan, dagsa ang mga taga-isla. Bata, matanda, may

