Eksena
Cheremia p.o.v
im backkk
Yes naman, masigla na ako ulit. Kaya ko ng tumambling ng mga libing limang ulit.
At ngayong nakabalik na ako, may dalawa akong goal ngayon una, makita yung mga Nabugbug ni zin at tignan ang kalagayan nila. Pangalawa, lumamon. Syempre yun kaylangan kalusugan ang unahin diba.
O well, mag sisimula na ang klase pero wala pa si xion. Si zin at aleja nandito na. Mukang malala nga yata ang nangyari Kay xion at wala pa sya.
*psst*
Tingin sa kanan
*psst*
Tingin sa kaliwa
"Huy ano ba! Kanina pa kita sinisitsitan eh"tumingin ako sa unahan, nandon pala.
Sorry naman akala ko butiki eh.
"Anong butiki. Ikaw talagang Babae ka namumuno ka na saakin"pabulong nyang sabi.
"Eh?"
Nasabi ko ba yun ng malakas?. Akala ko sa isip ko lang.
"He he sorry naman. Ano ba yun?"
"Yung deal natin. Isang linggo na mula ng sinimulan natin yun pero wala paring nangyayari. Kung Ganyan lang din pala eh Mas mabuti pang burahin mo nalang yung litrato ko para matapos na ang lahat" mahabang lintana nya.
"Utut mo ako pa iisahan mo ah"sabi ko"sa wala pa akong maisip na pwedeng ipagawa sayo eh, saka Hindi ba dapat maging masaya kasi wala pa akong ipinapagawa sayo"
"Anong maging masaya, akala mo Hindi ko Alam na iniipon mo lang lahat ng idea mo at sabay sabay mo yung ipapagawa sakin sa Napili mong araw."salubong ang kilay nya habang sinasabi yun.
HALA PANO NYA YUN NALAMAN. Tatalino talaga, hirap isahan.
"Hindi ah. Ganon ba ako kasama sa paningin mo?"sinigurado Kong cute ako habang sinasabi yun para magmuka akong inosente.
"Oo"
Mahabang katahimikan ang namagitan saming dalawa. Yung feeling na may dumaan na anghel.
GAGONG TO AH. HINDI MANLANG NADALA SA PAG PAPACUTE KO.
*Pfft*
Tinignan ko ng masama si aleja dahil nakita ko na nagpipigil sya ng tawa, habang si zin naman at pigil ang ngiti.
Mga kaibigan ko ba talaga ang dalawang to. Bakit di nila ako ipagtanggol. Mga taksil. T^T
Tsk
Sinimangutan ko sya at nakita ko rin ang pigil nyang ngiti sa reaksyon ko. Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa dumating na ng teacher namin kasunod si xion na naka benda ang braso.
Nakita ko rin ang pasimpleng sulyap nya Kay zin na nakasimangot na ulit.
Hindi parin siguro makalimutan yung nangyari.
Well kung ako yun Baka ganun din ang gawin ko.
Kaso ang problema HINDI AKO EH.
Umupo sya sa tabi ni zin kasi dun naman talaga sya nakaupo diba, pero dahil dun biglang tumahimik ang lahat.
As in lahat. Nalang nagsasalita maski yung teacher namin hindi nagsasalita , pareparehas silang nagpapakiramdaman.
*ehem*
Timikhim ako ng malakas. As in malakas at mukang nagising nun ang lahat dahil nagkanya kanya na ulit sila ng ginagawa tapos nagsimula naring mag turo ang teacher namin.
Tsk intregera din si ma'am.
*******LUNCH BREAK
natapos ang tatlong subject namin ng matiwasay at ngayon nandito na kami sa canteen at nagsisimula ng lumamon. Oo lumamon may problema ba kayo dun.
Wala diba, kaya shut up nalang.
So yun ng habang lumalamon kami nila aleja at zin bigla nanamang tumahimik ang buong camteen , at isa lang ang ibig aabihin nyan.
May mangyayaring eksena.
At mukang kami ang parte ng eksena dahil biglang may tumigil na pares nang paa sa tabi ng mesa namin.
Sabay sabay kami nila aleja na magtaas ng muka.
Nagulat akong makitang si xion yun.
Patay na. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh..
Mukang nag backfire kay zin ang ginawa nya.
"A-ano y-yun?" Uutal utal na tanong ko.
Eh bakit ba, sa kinakabahan ako eh.
"Let's talk" seryosong sabi nya habang nakatingin Kay zin.
"Okay" sabi ni zin at pinagpatuloy ang pagkain"talk"
"I mean let's talk in private"
"Yoko nga may atraso ako sayo diba mamaya kung ano pang gawin mo"
Palipat lipat ang tingin ko Kay zin at xion kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple pagtaas ng sulok ng labi ni xion.
"Okay then, let's talk here"
Umayos sya ng tayo"I'm sorry for touching your--"hindi nya natukoy ang sasabihin nya ng buglang itinutok ni zin ang tinidor sa may leeg nya.
Kita ang pag kabigla ni xion sa ginawa ni zin habang kami ni aleja ay patuloy lang sa pagkain habbang nanonood sakanila.
"Don't you dare"matalim na sabi ni zin.
Kahit na nakakatakot ang sabi ni zin dun natatawa lang kami ni aleja kasi Alam naming nahihiya lang sya.
Hirap talaga pag hindi showey.
"Okay okay, Hindi ko na itutuloy. I'm here to say sorry, I really didn't mean it to happen"
"Tsk"
Umupo ulit si zin at pinagpatuloy ang pagkain..
Nabigla making tatlo ng bigla nalang umupo si xion sa tabi ni zin.
"Ah xion makikitable ka?" May pag aalangang tanong ni aleja.
Gusto na ba talagang mamatay ng lalakimg to?
Tsk tsk condolence nalang sayo tol.
"Yes, nagsorry naman na ako sakanya kaya makikitable ma ulit ako sainyo"malapad ang ngiting sabi nya na parang walang nangyari.
"Siguro nga nag sorry na ka pero--
Hindi ko natuloy ang sinasabi k ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko.
Pag tingin ko si ugliam yun..
"Anong trip mo?"tanong ko.
"Makikitable"
"Bakit dito dun ka sa mga babae mo dali tsupe"pag tataboy ko.
"Bakit sya pwedeng makitable ako Hindi eh"sabi nya habbang nakaturo Kay xion na inosenteng nakatingin saamin.
"Eh bakit mo kinukumpara sarili mo sakanya eh mag kaiba kayo"
"Oo nga no. Ako gwapo sya hindi, Tama?"
"Hindi ah sya ang gwapo ikaw ang ugly" hirit ko.
"Whatever. Kaya lang naman ako nakikitable kasi dahil sa deal natin. Baka makatyempo ako at magawan ko ng paraan ang letseng picture nayun"nakakunot nuong sabi nya.
Hihirit sa na ako ulit ng makita ko si aleja na nakanguso.
"Problems mo?"
Tanong ko
"Wala"pabalang na sabi nya at nagpatuloy sa pagkain.
Anong nangyari dun?