Lagnat
Cheremia p.o.v
Isang linggo.
Isang linggo na mula nung nagyaring usapan namin ni ugliam sa may canteen. Mula nun Hindi ko na sya nakita, eh Pano naman kasi ang maganda na ako at dinapuan ng sakit.
Kaya ayaw ko naglalapit sa Pangit eh, mukang may virus na nakakapit sa lalaking yun at lumipat sakin ng mag usap kami.
*AAAACHOO*
Suminghot ako pero walang sipon. Sadyang makati lang ang I long ko. Kainis.
Dami ko ng na miss na lesson. Ayoko pa man din nun.
Talaga ba?
Ah Basta ayokong nahuhuli Baka bumaba ang grades ko iilan na nga lang ang laman ng utak ko tapos Hindi pa madadagdagan Baka kalawanin to.
*Achooo*
*sniff*
Ang kati talaga..
Nakarinig ako dalawang katok sa pinto ng kwarto ko.
Alangan namang bintana diba?
Okay nagsisismula nanaman ako.
"Pasok"sabi ko. Umupo ako sa kama at binalot ang kumot sa sarili ko. Eh bakit ba nilalamig ako eh, feeling ko tuloy may katabi akong multo kaya sobra akong lamigin.
"Miang nandito sila zin at aleja. Papasukin ko nalang dito sa kwarto mo neh"sabi ni mama na nakasilip lang sa may pinto.
"Sige lang ma, daka wag nyo nga akong tinatawag na miang. Ang ganda ganda ko--aste ang ganda ng pangalan na binigay nyo saakin tapos miang ang tawag nyo"mahabang linahan ko.
"Dami mong sinabi"tugon lang ni mama at umalis na.
Tignan nyo yun. Nanay ko ba talaga yun. At Ewan.
Bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko , unang pumasok si aleja nakasunod sakanya si zin.
Dumiretso si aleja sa tabi ko at idinampi ang likod ng palad sa noo ko." Hmm medyo mataas pa."tanong nyo, at inalis ang mag kakadampi ng palad nya. Nakita ko si zin na sinarado naman ang pinto at nagsimulang mangalkal ng basura-- i mean ng kung ano sa bag nya hehe.
"Ano girl keri pa?"tanong ni aleja"keri pa, Hindi naman sa ikamamatay ko to---achooo"
"Whoa carefull Baka mahawaan mo kami"sabi ni zin. Tinignan ko lang sya"ikaw na nga dinadalaw manghahawa ka pa. Hayan oh"inabot nya saakin ang isang notebook"kakahiya naman sayo, nandyan lahat ang lecture ng mga namiss mong lesson"sabi nya at pumunta sa may sofa ng kwarto ko at dun humiga. Nilagyan nya ng earphone ang tenga nyo siguro para nalang mangistorbo sakanya.
Nagulat ako sa inasal ngayon ni zin kaya tinignan ko ng makahulugan si aleja. Nginitian nya ako saka sinenyasan ng lumapit.
Lumapit naman ako sakanya at dun nya binulong saakin "red days nya kasi tapos hihihi"himagikgik muna sya. Yung tawang parang kinikilig na Ewan Basta ganun.
Kaya tinignan ko nya ng masama,Hindi muna kasi tapusin yung sinasabi bago humagikgik.
"Pasensya na eto na kasi diba page red days nya laging galit ang babaeng Yan"panimula nya tumango naman ako dahil ganun talaga sya.
Pero bakit ganun sya kanina. Kasi page red days ni zin Hindi sya nag sasalita as in. Kung normal days nya maririnig mo pa ang Bose's nya page red days Hindi talaga. Pero kakaiba ngayon eh. Daming ng sinabi nya kanina diba.
"Oh tapos?"
"Tapos kanina sa school--" Hindi na naman nya natapos yung sasabihin nya kasi pigil syang humiyaw kaya yun nabatukan ko, pag di ako nakapag pigil sasabunutan ko to.
"He he sorry "sabi nya at ng peace sign" eto na talga pasensya na Hindi ko kasi napigilan eh lalo na pag naaalala ko."turan nya.
Tinanguan ko lang sya kasi nafefeel ko na na atching ako pero ayaw. Kati sa I long.
"Ah naalala ko"inilabas nya ang phone nya"ipapakita ko nalang sayo kaysa sabihin ko,Baka Hindi ko matapos kung magkwekwento ako eh he he"katwiran nya at hinarap sakin ang phone nya iplinay nya yung video at dun ko nakita si xion na may kausap na isang lalaki sa may locker area.
Mukang Hindi maganda ang pinaguusapan nila kasi kita ko ng pagkasimanhot at pagkadisgusto sa muna ni xion, Hindi ko naman makita yung isang lalaki kasi nakatalikod sya sa kamera.
"Ano bang ipagmamayabang mo? Wala din naman diba kaya wag kang umasta na parang nakakataas ka" sabi ni kuyang nakatalikod.
" yes I Admit, as of now wala pa akong maipagmamalaki. Pero do hamak na Mas Matino ako sayo. "Sabi ni xion gamit ang seryosong boses at nagsimulang maglakad paalis.
Nakita Kong pumasok sa eksena si zin. Anong ginagawa nya dun.
"Omg" narinig ko ang Bose's ni aleja.
Kita Kong natulak ng lalaking nakatalikod si zin, eh pano ba naman dumaan ba daw sa gitna ng dalawa. Na out of balance sya saktong pagharap ni xion and then---
What did I just saw?
O my "GOOOOOODDDDDD" sigaw ko dahil sa kilig o tuwa or Ewan na feeling na nararamdaman ko.
Eh Pano ba naman kasi dun sa video hung matutumba na si zin saktong harap ni xion, tinangka nya saluhin si zin pero huli na kaya sabay silang natumaba.. Pero ang nakakatawang part dun eh.
NAKAHAWAK SI XION SA MALALAKING BUNDOK NI ZIN HABANG NAKAPAIBABAW SI ZIN SAKANYA.
TEANA YUN ANG HINDI KO KINAYA.
Napatingin si zin sa gawi namin siguro na rinig nya yung sigaw ko" ehh God Hindi ko makuha tong part na to. Ano na to aleja he he"palusot ko dahil ang sama ng tingin nya. Bumalik sya sa pag kakapikit nv mata . ako naman niyogyog yog yog ko si aleja dahil sa kilig at in is. Kasi dala ako dun para makita ng live.
"Diba nakakakilig. Nunv nakita ko yun kanina na natulala ako, Hindi ko kasi in expect maski yung kasagutan ni xion natulala din. Lahat ng taong nakakita natahimik sa nagyari, yung parang ipinaprocess pa ng utak namin yung nangyari. Nagising lang kaming lahat nf makita naming bumaksak ulit ang katawan ni xion sa sahig pati kasagutan nya nawalan ng Malay eh Pano ba naman kinarate nya. Ayon infirmary ang bagsak nung dalawa"mahabang sabi ni aleja.
*achoo"
Ayun lumabas ding yung atching ko. "Ayos lang ba yung dalawa?"tanong ko kasi Baka Malay nyo napuruhan nya diba
"He he yun na nga, Hindi"sabi nya.
"Bakit?"
"Si xion nabali yung braso kasi siguro naikot ng sobra hung ibinalibag sya ni zin, yung kasagutan naman nya nabalian ng isang rib kasi napalakas ang suntok nya sa dibdib"alanganing sakot nya.
Biglang umikot ang paningin ko at parang nahilo ako bigla.
Lalong sumakit ulo ko dahil sa sinabi ni aleja.
She over did it. Masyodo ang ginawa ni zin, pero Hindi ko sya masisisi kasi bukod sa Hindi katanggao tanggao yung nangyari sakanya, red days pa nya.
Haysss ang babaeng yun talaga.
"Nihihilo ako tulog muna ako" sabi ko Kay aleja. Dahil dun nagpaalam na sya tinawag nya si zin at umalis na. Balak lang pala nilang ibigay yung lecture na binigay ni zin kanina pero dahil dakilang mapagmasid ang Lola nyo napadaldal kami.
Hayss hindi ko Alam kung kanino ako maaawa, Kay zin o dun sa dalawang lalaki.
Sana naman hindi magtanim ng galit yung dalawa Kay zin.
Nagtalukbong ako ng kumot.
Bahala na.