#03

1164 Words
Skip Cherimia p.o.v Tuluyan na nga kaming Hindi pumasok sa Philippine politics namin pero Hindi naman kami natatakot dahil tamad naman mag check ng attendance yun teacher namin dun eh, saka matalino naman si zin kaya madali lang sakanya na makasunod na lesson kahit Hindi sya pumasok. Oo si zin ang matalino. Hindi ako o si Aleja, mundo si zin. Pano ba naman book geek Yan eh. Yung kwarto nga nya Mas mukang library kaya kwarto. Kung hindi mo pa makikita na may kama fun hindi mo pa mapagkakamalan na kwarto yun eh. Kaya ayaw ko pumapasok sa kwarto nya nakakahilo. Nagpalipas kami ng oras dito sa may mini park. Si zin ayun nagbabasa nanaman ng novel book. Ako naman saka si aleja at naglalaro ng bato bato  pick. Kung sino ang talo papaluin ng plastic bottle sa ulo. Syempre yung walang laman alangan naman sakit kaya yun. Wala kasi magawa kaya nung may nakita kaming istudyante na naglalakad na may hawak na plastic bottle ayun hiningi nalang namin sayang eh. "Bato bato pick"sabay naming sabi ni aleja. Parehas kaming bato kaya inulit namin. "Bato bato pick" "Bato bato pick" "Bato bato pick" Nakakatatlong ulit na kami pero hanging ngayon wala paring nananalo. Siguro binabasa into ang utak ko para hindi sya mapukpuk no. Tsk ngayon sisiguraduhin ko na mananalo na ako ngayon. "Bato bato pick" sabay ulit naming sabi. At tumigil ang mundo-- Nang ako ay ma--- "Yeyyyy panalo akoooo yahooooo"pagsasaya ni aleja. Tama nanalo sya. Bwisit na to hindi man lang ako pinatapos sa pagkanta. Kinuha na nya ang plastic bottle, kunwaring nyang dinuraan ang kamay nya at pinagkiskis. Yuck. Kahit kunwari lang yun kadiri parin. "Game?"tanong nya sakin. Umayos naman ako ng upo. "Oo na,gawin mo na"sabi ko naman sakanya "Okay. 1 2 3---" Ipapalo na sana nya saakin yung plastic bottle ng may narinig kaming sumigaw. "MS. DUMARES! MS. VIERNES! AT MS. MARTINEZ! ANONG GINAGAWA NYO DITO SA MINI PARK NGAYONG MAY KLASE KAYO!" Sabay sabay kaming lumingon dahil dun sa narinig namin. Shit nakita kami ng principal. Napalingon ako run sa kasama nya at kung minamalas nga naman ang taong to. Hulaan nyo kung sino. Sino pa ba EDI si Pangit. At nagsumbong pa talaga tong gung gong nato. Humanda ka talaga sakin. "The three of you to my office now!"maatoridad na sabi ni Mrs. Mabunga. "Yes ma'am"sabay sabay naming saving tatlo. Tumayo na kami at nagayos ng sarili pag katapos ay sumunod na kami sakanya. Madadaan na namin si ugliam (pinagsamang ugly at liam)ng makita namin syang ngumisi. Anong nginingisi mo Jan ha Pangit? Bigwasan kita eh. "Simula palang Yan viernes. Mas malala pa ang susunod"bulong nya ng magkatapat na kami. "Oh come on! I'm not scared. Ganto ka pala makipaglaro ha? Sige maglaro tayo humanda ka ugliam dahil gaganti ako"this time ako naman ang ngumisi na nagpawala ng ngisi sa muna nya. Hah! Kala mo ha. Humanda ka talaga tatamaan ka sakin bwisit ka. Ilang minuto din kaming naglalakad hanggang makarating kami sa principal office. Dumiretyo so Mrs. Mabunga sa may table nya at sinenyasan kamjng maupo sa visitors chair. Apat ang visitors chair dito. Dalawa sa kanan at dalawa rin sa kabila. Magkatabi kami na zin na umupo sa may right side at umupo naman si aleja sa left side. "I'm very disappointed right now. I can believe that the three of you will do such thing! You know kaya kong i-tolerate ang pagiging siga mo dito sa school Ms. Viernes dahil kahit na ganun ka hindi kanaman nawawala sa top at napapasa mo ng above average ang mga score sa quizzes ang exam mo ganun din sayo Ms.Dumares( Aleja ). Pero ang pinaka nakaka disappointing pa lalo at ikaw Ms. Martinez."turo nya Kay Zin. Napatingin naman kami ni aleja Kay zin na nakayuko lang. "I can believe na magagawa mong mag cutting classes. You're the top 1 in every thing. At hindi lang yun ikaw pa ang unika hija ni Mr. Martinez. I can't tolerate this action so I'm going to call you're parents or guardians so they will know what the three of you doing. And also para sila narin ang bahalang magparusa sa inyong tatlo" Hinawakan na ni Mrs. Mabunga ang telepono pero sabay kami ni Aleja na pinatong ang dalawang kamay namin sa kamay nya. So Bali limang kamay ang nakapatong sa ibabaw ng telepono. "Ma'am kayo nalang ang mag parusa saamin"sabi ko. s**t hindi pwede na tumawag sya sa parents namin. Actually ayos lang saakin dahil kakaiba ang takbo ng utak ng nanay ko. Gusto nyang maexperience ko lahat ng bagay na pwedeng ma experience habang bata pa daw ako kaya Baka matuwa pa sya  pag nalaman nya na nag cutting class ako. Sa kaso naman ni Aleja, wala ang parents nya sa kanila dahil umalis sila kahapon para sa business meeting sa Singapore kaya maid lang ang matatawagan ni Mrs. Mabunga. Pero kasi Kay Zin kami Mas nag aalala. Siguradong page nalaman to ng daddy nya lagot nanaman sya. "Oo nga ma'am ikaw nalang ang mag parusa saamin gagawin namin lahat"sabi naman ni aleja. Napatingin ako Kay aleja ng marinig ko ang lahat. Mukang naramdaman nya na nakatingin ako kaya napatingin din sya saakin. Binigyan ko sya ng bakit-mo-sinabi-yun-look dahil Baka kung ano ang maisipan ng matandang to at ipagawa nga saamin ang lahat. Binigyan nya ang ako ng makisabay-ka-nalang-look dahil dun wala na akong nagawa. Napipilitang tumango nalang ako Kay Mrs. Mabunga. Pero hindi nya kami pinakinggan. Inalis nya ang kamay namin ni aleja na nakapatong sa kamay nya at umiling"my decision is final Ms. Viernes, Ms.Dumares. So please sit down kung ayaw nung dagdagan ko ang atraso nyo" Agad kaming napaupo ni aleja dahil Baka totohanin nya ngang gawin yun. Nagsimula na syang mag dial ng number. Una nyang tinawagan at ang mama ko. At katulad ng inaasahan hindi sya nagalit o kung ano man. Pano ko nalaman? Dahil nakita kong kumunot ang noo ni Mrs. Mabunga-nga. Oo yun na tawag ko sakanya dahil narealize ko na mabunganga naman talaga sya. So yun nakita Kong kumunot ang noo nya at tumingin sya saakin na may pagtataka ang mata at parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya sa kausap nya. Sunod naman ay ang bahay nila aleja at katulad din ng inaasahan yaya nila ang sumagot. Sinabi ni Mrs. Mabunga-nga na pakipaalam nalang sa magulang ni aleja ang nangyari pero impossible yun dahil kasabwat namin si manang saanumang kalokohan na among pinaggagawa kaya hindi kami magaalala. Ngayon ang Kay Zin naman ang sunod. Tumingin ako sakanya,nakqyuko parin sya ngayon. Napatingin ako sa kamay nya at nakita Kong ang higpit nanghawak nya sa palda nya. Patunay na kinakabahan sya at natatakot pero kung titignan mo ang muka nya napaka kalmado nun kaya hindi halata. Binaba na ni Mrs. Mabunga-nga ang telepono hudyat na tapos na syang makipagusap. Tumingin sya Kay Zin "papunta na dito ang daddy mo Ms. Martinez kaya dito na muna kayo" sabi ni Mrs. Mabunga-nga. Nakita Kong nanlakinng kaonti ang mata ni Zin at nanginig ang kamy nya kaya pinatong ko ang kamay ko dito. Napatingin sya sakin at nginitian ko lang sya para iparamdam sakanya na ayos lang ang lahat. Tumingin naman sya Kay aleja at ganun din ang ginawa ni aleja sa kanya. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang makarinig kami ng katok sa pinto. "Excuse me I'm Kevin Martinez and I'm Charlotte's father"Pag papakilala ni Tito keV Kay Mrs. Mabunga-nga. Shit eto na lagot na talaga. A/n- pa vote pleaaasseee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD