Liam
Cheremia p.o.v
"Huy mia grabe yung exsena na ginawa mo kanina,gaga ka talaga"tatawang sabi ni zin
"Oh bakit ayaw mo nun live"sagot ko naman sa kanya.Atsaka Mas maganda ng live na action kaysa live na porno diba.jowk
Break time na kaya nandito kami sa cafeteria, alangan nalang sa cr diba?okay nagigingcorny na ako.change topic.
"Guys guys look si liam yun diba?"sabi ni aleja habang may tinituro na lalaki,pero sa Daming ng tao dito sa cafeteria Hindi ko Alam kung San sakanila ang tinuturo nya.
"Sinong liam?"tanong ko nalang Baka kasi maduling pa ako kung hahanapin ko ang timuturo nya.
"Si Enriquez"simple sagot ni zin
"Sinong Enriquez?"
Sabay namin natumingin sa akin yung dalawa with their are-you-serious-that-you-dont-know-him-look.
Eh bakit ba sa Hindi ko kilala kung sino si Enriquez eh.
"Hay ano pa bang aasahan ko sayo,"sabi ni zin"si liam o enriquez nasinasabi namin ay yung sinu---"
"Hoy Viernes nandito kalang palang babae ka Hindi pa ako nakakabawi sayo"Hindi natapos ni zin ang iba pa nyang sasabihin dahil may sumingit sakanya,at kung sinusuwerte nga naman yung sinuntok ko kanina sa room yung malading may balak gumawa ng live na porno,naalala nyo.
Kinalabit ako ni aleja kasi sya yung katabi ko while zin naman ang NASA harapan ko.
"Sya si liam"bulong nya saakin.
"Ahh"sya pala yun
"So Hindi mo pa pala ako kilala."sabat nanaman nya
"Sorry naman Hindi kasi ako interesado sa mga Pangit"casual Kong sabi,narinig ko namin ang pag pipigil ng tawa nung dalawa Kong kasama.
"Somusobra ka na ha!"kwenelyuhan nya ako kaya nag ka face to face kami. Pangit talaga. Tinuhod ko ang kaligayahan nya kaya nabitawan nya ako.
"Sumusobra Karin. Sino ka para kwelyuhan ako ha,baho pa hininga mo Pangit"pag kasabi ko nun kinuha ko agad ang mga gamit ko at sinenyasan ko si zin at aleja na umalis na kaya sabay sabay kami tumakbo palabas ng cafeteria.
"HUMANDA KA TALAGA SAKIN VIERNESSS"
kakilabot naman nun mukang nagalit ko ng sobra sobra yung Pangit na yun ah hahaha.
"Teka bat pala tayo tumatakbo"-zin
"Ewan?tumakbo kasi si mia kaya napatakbo narin ako"-aleja
"Baliw nag fu-fun ran tayo Hindi nya ba alam"sabi ko nalang dahil Hindi ko rin Alam kung bakit ako tumakbo basta sabi ng instinct ko tumakbo daw ako kaya ginawako,di ko naman akalain na sasabay sila saakin.
Dahil sa sinabi ko sabay akong binatukan nung dalawa.
"Gaga ka talaga"sabi ni zin.
Teka nakakadalawang gaga na to ah upakan ko kaya to, de jowk lang lab ko to eh.
Huminto na kami sa pag takbo at napunta kami dito sa may mini park ng school humanap kami ng isang puno na malaki para dun kami sa ilalim magpahinga.
"Hoo napagod ako dun ah"sabi ni aleja habang humihinga ng malalim
"Tsk"sabi naman ni zin na hinihingal din,napakasungit talaga nito minsan.
Minsan lang naman pag nasa harap ng maraming tao.
At dun ko lang narealize na marami palang tao dito sa may mini park. Bat ba dito kami nahinto Hindi nanaman makakausap ng Marino si zin nito eh.
Nakita Kong may kinuha syang libro sa bag nya at nagsimula syang magbasa,hinayaan ko nalang sya kasi Alam ko naman na ang dahilan kung bakit sya Ganyan.
"Huy mia"tawag sakin ni aleja
"Bakit?"
"Sa tingin mo babalikan ka talaga ni loam?" Tanong nya sa akin na may halong pagaalala.
"Siguro"sabi ko nalang.
"Wag ka pakampante,kahit na malakas ka at kaya mong protektahan ang sarili mo may tendency parin na may mangyaring masama sayo kaya mag ingat ka palagi mia"sabi ni zin habang nakatingin parin sanlibro nya.
Napangiti naman ako kasi Alam Kong nagaalala sila saken.
"Ah basta kapag binalikan ka ng Pangit na yun at nagtawag sya ng mga kasama nya tawagan mo lang kami ni zin para may resbak ka"sabi ni aleja habang pinapapytok ang mga daliri nya eh was epek naman kasi wala naman tumunog kahit isa.
"Alam ko naman yun eh atsaka mayabang lang naman yun kasi babae ako,kung lalaki ako di lalapit sakin yun"pagmamayabang ko.
"Kung lalaki ka do kita lalapitan"sabi ni zin habang NASA libro parin ang mata nya.
"Eh zin naman ehh joke lang naman yun eh"sabi ko naman kasi kung totoo ngang naging lalaki ako Hindi nga nya ako lalapitan,ganun sya talaga Ewan ko ba Hindi naman sya manhater o ano pero bukod sa kapatid nya lalaki wala na sya iba pang lalaking kinausap.
"Tsk"sabi lang nya.sinara nya ang libro nya at tumayo." Tara na magsisimula na ang klase ayokong malate."dagdag nya at nagsimula na maglakad.
Tumayo narin kami ni aleja at sumunod sakanya.
"Wait mo naman kami"sabi ni aleja habang hinahabol si zin. Nang mahabol nya inakbayan nya ito"huy mia bilis"
"Anjan na"sigaw ko at humabol sakanila.
"Teka anong bang susunod natingsubject?"tanong ni aleja .
Napahinto naman sa pag lalakad si zin ng ilang sigundo pag katapos at umikot sya at naglakad ulit pabalik sa pinagsilungan namin kanina.
"Hoy zin San punta mo may klase pa tayo diba"sigaw ni aleja dahil medyo malayo na sya samin.
"Philippine Politics lang yun boring"sabi ni zin habang patuloy na naglalakad .
"Hay babaeng yun talaga bat ba ayaw nya ng Philippine politics di naman boring yun eh"bulong ni aleja.
"Tatanong ka pa kung bakit, eh Alam naman naman nating dalawa na kung ano ang dahilan"sabi ko naman sa kanya.
"Bagay."sagot nya
"Teka kung di papasok si zin Hindi narin ako no alangan naman mamaya tanungin pa saakin si zin eh"sabi ni aleja
"Teka kung di kayo papasok do narin ako papasok"sabi ko naman. Sabay kami pumunta Kay zin na nakaupo na sa ilalim ng puno at nagbabasa.
Tumingala sya at tumingin samin dalawa ni aleja ng ilang Segundo pagkatapos at binalik din nya ang tingin sa librong binabasa nya.
"Tagal nyong sumunod ah. Nalate kayo ng dalawang Segundo sa oras na inaasahan ko"sabi nya.
Umupo na si aleja sa right side ni zin kaya umupo nalang ako sa left side ni zin.
"Ilang Segundo ba ang inaasahan mo?"tanong ni aleja.
Itinaas naman ni zin ang kamay nya at tatlong daliri ang nandun."tatlo"sagot nya
"Teka ganun talaga ang inaasahan mo?"tanong ko at tumango lang sya.
"Pano kung Hindi kami sumunod ha?"dagdag ko pa.
Isinara nya ang librong binabasa nya at ipinatong yun sa lap nya then tumingin sya saakin."Imposible yun"simpleng sagot nya.
Kaya napatawa si aleja.
"Tama sya mia impossible nyang Hindi tayo sumunod"sabi nya habang patuloy na tumatawa.
Bagay Tama nga naman sila. Imposibleng Hindi kami sumunod ni aleja dahil isa sa mga rules naming makakaibigan ay kalokohan ng isa kalokohan ng lahat. Oh diba ang galing.
A/n-yung basa po sa Aleja at (A-li-ya) inartehan ko lang ang spelling. Then dun sa surname ni mia na Viernes ay byernes palitan nyo lang ng v yung b.