#01

897 Words
Meet mia Cheremia p.o.v   “mamaaaaaaaaaaaa"sigaw ko,halos mamaos na ako dahil sa sigaw na yun ah. “ara-aray,ano ba anak,bakit ka ba sumisigaw ? Alam mo nang nag luluto ako eh" madapa dapa si mama nang tinawag ko sya. Sino ba kasing hindi matataranta kung tawagin ka ng ganun, pero wala akong pake yung id ko malalate na akooo “ma yung id ko nakita mo? Malalate na ako. Baka masaraduhan ako ng pinto nito” ibinato ko lahat ng laman ng drawer ko kaya di na ako mag tataka kung parang dinayo ng magnanakaw ang kwarto ko. Palipat lipat ako nang lugar ,pati pinaka sulok ng kwarto ko ginulagod ko na wala parin. Yung buhok kong ilang minuto kong sinuklay buhaghag nanaman to ah nakakastress id palang yan. “hayss ikaw talagang bata ka napaka burara mo,”hindi ko pinansin ang sinabi ni mama dahil bc ako sa pag bubulabog sa bahay ng mga daga nag babakasakaling sila ang may sala,lagot sila saakin kung sakali. “ito ba”nakuha ni mama ang atensyon ko ng marinig ko syang nag salita. “whaaaa yan nga ma san mo nakita”tinakbo ko ang pagitan namin at hinablot ang id na hawak ni mama. Isinuot ko yun agad saka tumalikod, at ngayon bag naman ng hahanapin ko sa makalat na kwartong to. “dito sa divider mo sa may underwear mo” Kasusuot ko lang ang bag ko ng sabihin nya yun,tumungo agad ang mga magaganda kong mata sa drawer kung saan nakalagay ang mga underwear ko, pinanlisikan ko sila ng tingin mag tutuos tayo mamaya. Napatingin ako sa may orasan,s**t late na talaga ako. Hinalikan ko si mama sa pisngi at nag paalam na ako. Pag labas ko sa bahay nag hintay na ako ng tricycle na masasakyan. Nang makakita pinara ko agad yun malapit lapit lang naman yung school sa bahay, 10 pesos nga lang pamasahe eh. Pag karating ko sa school, tinakbo ko na ang pathway at hallway papuntang room. Pag dating ko dun nag papasalamat ako dahil may 15 mins pa bago dumating ang guro namin. Pag pasok ko sa loob narinig kong nag palakpakan ang mga classmate ko, syempre dahil dyosa ako kumaway naman ako ah Nag lava walk pa ako papunta sa may salamin. Syempre kaylangan kong mag ayos dyosa ako eh. “huy mia salamin talaga ang deretsyo ah,atsaka 15 mins  before time grabe ah ang aga mo”sabi ng papansin kong kaklase. At dahil di ako snober humarap ako sakanya with matching lipad lipad buhok pa. “syempre dyosa eh kaya kaylangan mag ayos, at dahil dyosa ako kaylangan grand entrace”nakangiti kong sabi. Nang maayos ko na ang maganda kong sarili umupo na ako sa upuan. Sakto namang pumasok yung adviser namin “class did you know that the bla bla bla is like bla bla bla, bla bla---"ladies and gentelmen puro bla bla bla nalang po ang naintindihan ko. Hirap talaga kapag sci.teacher mo sa unang klase nakakabobo. Ano bang pinagsasabi ng moanang to. Bakit moana? Yun ay dahil sa buhok nyang kulot na buhaghag. Basta yun. Lumipat ang atensyon ko mula sa teacher kong di ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi papunta sa naglalandian kong kaklase sa harap ko. Grabe tong dalawang to d na nahiya saakin. Nasa likod lang kaya nila. “ano babe wag mo akong kilitiin baka mahuli tayo”bulong ni girl. Classmate ko sya pero di ko alam name nya. Yun ay dahil di ako nakikipag usap sa mga pangit. Nakakita naman ako ang flash sa tabi ko,napalingot ako dun at nakita ko si zin at aleja na natatarantang pinatay yung flash ng kamera nila. “huy anong ginagawa nyo”tanong ko sakanilang dalawa na bc sa pag tingin sa paligid kung may nakakita. Natatawa nalang tuloy ako.“shh wag ka maingay baka may makarinig”suway saakin ni zin. “eto ang ginagawa namin”bulong naman ni aleja sabay lapit ng phone nya sa muka ko. Nakita ko sa phone yung pic nung dalawang malandi sa harap ko , ang nakakabigla nakahawak ang kamay ni boy sa legs ni girl malapit sa lagusan ng hinaharap. Putek na dalawa to sa room pa ginawa ang ganyang bagay. Umayos na ako ng upo at tinignan lang sila. Ilang minuto akong ganun ng may mag excuse na teacher kakausapin daw si moana. Pag labas ni moana tinaas ko ang dalawa kong paa sabay sipa sa upuan nung dalawa. Ayun una muka. “WHAT THE F*CK”sigaw nung lalaki,kala mo gwapo pangit naman. Tumayo sya sa harapan ko sabay hila sa braso ko patayo“ano bang problema mo ah?" Nginisian ko lang sabay suntok sa sikmura nya, napaluhod sya dahil sa ginawa ko. Syempre mapapaluhod sya. Natrain ata ako. Lumapit naman agad ang gf nya sakanya, “sa susunod kasi wag kayong mag lalandian sa harap ko nakakadiri kaya” Sinamaan ako ng tingin nung lalaki,kaya sinamaan ko rin sya ng tingin. Nakita ko sa peripheral view ko na tapos na mag usap si moana at yung isang teacher kaya umayos ako ng tayo, Sya namang tayo ni kuyang galit na galit. Kwinelyuhan nya ako at inambahan ng suntok ng marinig sa buong silid ang sigaw  ni tandang moana. “MR ENRIQUEZ TO THE FACULTY NOW!" "Wha---" "To.The. faculty.now"madiin na sabi ni moana. At ako naman-- Syempre nagpaawa effect ako, yung pang best actress. Sinamaan ako ng tinin ni lalaki at walang nagawa kung hindi lumabas ng room at pumuntang faculty. Lamapit pa muna saakin si moana at kinamusta kung ok lang ako bago sya sumunod na lumabas. Pag alis ni moana nag umpisa ng nagtawanan ang mga kaklase ko. Alam kong kanina pa nila yun pinipigilan,umupo na ako sa upuan ko pati yung babae kanina na nakayuko lang. Napahiya eh. “nice one"sabi ni aleja at naki apir saakin ganun din si Zin. Ngumisi naman ako bagay lang sakanya yun. ------------------------ A/n-first chap. Done. Don't forget to vote thank you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD