Nagtagal ng limang oras ang biyahe papunta sa kanilang probinsya, hindi mapaliwanag ang kanilang nararamdaman ngayon lalo na si Bikoy, kung pwede lang na paliparin niya ang sasakyan o kung kaya lang sana niyang mag teleport gagawin niya. Magdidilim na ng marating ang distinasyon na kanilang puntirya.
Hindi pa naaayos ni Rome ang pagpaparada ay pinilit na siyang pahintuin ni Vincent. Agad siyang lumabas ng kotse at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa pasukan ng bahay ng kanilang yumaong lola. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at nagkagulatan sila ni Vincent.
“Walang hiya ka!” walang sabi sabing sinuntok ni Victor ang kanyang kakambal, hindi nakaiwas si Vincent sa suntok ng kanyang kapatid at kaagad na nawalan ng balanse. Sinigundahan pa ng suntok ni Victor ang kapatid, pinilit ni Vincent na sumalag pero tumama pa ulit ito sa kanyang mukha.
Sinipa ni Vincent si Victor sa sikmura na agad namang ikinaatras nito. Susugod pa ulit si Victor nang biglaang inawat siya ni Rome, humahangos pa ito galing sa pagtakbo mula sa pinaradahan ng kotse pero magkagayunpaman malakas at mahigpit na pagyakap ang ginawa niya sa kapatid para lang mapatigil ito sa pag atake. Ito narin sana ang pagkakataon ni Vincent para makabawi pero dumating din si Lucas at inawat si Vincent. Parehas nanlilisik ang kanilang mga mata samantalang ang kanilang ina ay iyak na ng iyak.
“NASAAN ANG ASAWA KO??!!!!!”malakas na sigaw ang pinakawalan ni Victor sa kanyang kakambal. Pero nanatiling nanlilisik ang mga mata ni Vincent sa kanya na kung ikukumpara pa sa isang hayop ay mabangis na black panther na mag ha hunt ng kanyang bibiktimahin para maging pagkaing bubusog sa kanyang kalamnan.
Nanggigigil man si Victor, inisip niya muna kung ano na ang lagay ng kanyang asawa, kaya dali dali niyang pinakalas ang mga braso ni Rome na nakayakap sa kanya at agad na tumakbo papunta sa mga kwarto, inisa isa niya ito at sa wakas ay nakita niya ang asawang natutulog, nakaposas ito at tanging suot pang ilalim lang na damit ang kanyang suot. Agad ding sumunod sina Loraine, Lucas at Happy dahil narin sa kanilang pag aalala kay Charmaine samantalang si Rome ay naiwan kasama si Vincent.
“Charmaine!! Charmaine… nandito na ako…” pang gigising ni Victor. Unti unting iminulat ni Charmaine ang mga mata pero natakot ito at itinulak si Victor, dahil inakala niyang ito ay si Vincent.
“Ako to Charmaine si Bikoy... Nandito na ako, wag ka nang matakot.”
Nakumpirma nga ni Charmaine na nagsasabi siya ng totoo dahil maliban sa tinitigan niya ito at wangis nga ni Victor ang mukha, ay nakita din niya sina Lucas, Loraine at Happy na nasa likod ni Victor.
Napaiyak si Charmaine sa sobrang tuwa na makitang nandito na sina Bikoy para iligtas siya sa pananakot ni Vincent.
“Bikoyyy…” agad nagyakap ang mag asawa, Sobra ang paghikbi ni Charmaine.
“pshhh..Don’t worry baby… nandito na ako” pagpapahinahon ni Victor sa asawa.
Tinanggal ni Lucas ang coat niya para ipasuot kay Charmaine nanatiling nakaposas ang babae at habang nakikita ito ni Victor ay lalo lang kumukulo ang dugo niya. Tumayo na siya para puntahan ang kakambal at kunin ang susi ng posas, pero hindi na kinailangan pa dahil nasa labas na ng pintuan ng kwarto si Vincent at nasa likuran naman niya si Rome.
Ngumisi si Vincent at pinakita ang susi ng posas.
“Ito ba ang hanap mo?” pang aasar ni Vincent kay Bikoy.Mas lalo pang umalab ang galit niya sa kapatid, kaya tinakbo niya ito at kinuwelyuhan. Pilit inaawat ni Rome ang mga kapatid niya maging si Lucas at Happy ay hinihila si Victor pero hindi nila matanggal ang kamay nito, sobrang higpit ng pagkakakapit ng mga kamay ni Victor sa kwelyo ng damit ni Vincent. Pero parang wala lang ito kay Vincent dahil imbes na magalit ay tumatawa pa siya. Tawa ng nang-aasar.
“Walang hiya ka Vincent! Bakit mo ginawa ito kay Charmaine!?” gigil na sabi ni Victor.
“bakit? Ano bang masama kung isama ko dito ang asawa ko?”saad naman ni Vincent habang ngumingisi.
“Anong asawa mong pinagsasabi mo ha! Nababaliw ka na!”
“bakit? Hindi ba? Asawa ko naman talaga siya diba?”
“SIRA ULO KA!!!!!” agad na sinuntok ulit ni Victor si Vincent. Inawat agad ito nina Rome at Lucas , pinilit silang paglayuin. Galit na galit si Victor samantalang si Vincent ay pinunasan lang ang kaunting dugo na nasa bibig tsaka tumawa.
“Vincent! Ano bang problema mo!? Bakit mo ba ginagawa to ha?” naki alam na si Rome at siya na ang kumausap.
“bakit ko ginagawa to? BAKIT HINDI MO TANUNGIN YANG MAGALING MONG KAPATID!!!”
Natahimik silang lahat sa pag sigaw na iyon ni Vincent. Kahit si Victor ay iniisip kung anong ginawa niya? Nahalata ni Vincent na parang nag iisip si Victor kung ano ba ang iniibig niyang sabihin kaya napangisi ng masama si Vincent.
“Ano? Bikoy? Wala kang maalala kung anong nagawa mo sakin? Pwes ipapaalala ko sayo!
Flashback
Vincent’s POV
Siyam na taong gulang palang kami noon ni Bikoy ng utusan kami ni lola na kumuha ng panggatong sa kakahuyan. Sa totoo lang magkaiba kami ng pag uugali ni Bikoy, magkabaliktad kami sa lahat ng aspito kahit na magkamukha kami. Bibo kasi siyang bata at masayahin samantalang ako naman ay seryoso sa buhay pero nakikisama din naman ako sa ibang bata para makipaglaro. Medyo may kalayuan ang kakahuyan sa aming bahay at tsaka maliblib rin sa lugar na ito, pero sanay na kami dito kasi lagi naman kaming nangunguha ng pang gatong dito at pati narin mga ligaw na prutas.
Habang namumulot kami ng panggatong, may tatlong kabataang lalaki na nasa tantsa ko ay nasa edad labing tatlo hanggang labing lima ang bigla nalang lumapit sa amin at sa mga tinginan nila alam kong may masama silang balak.
“Sino sa inyo si Bikoy?” tanong ng isa sa kanila. Hindi nagsasalita si Bikoy kaya ako ang kumausap.
“Sino kayo? At ano bang kailangan niyo?”
“sasabihin niyo lang kung sino si Bikoy! Tapos!”
“At bakit naman namin sasabihin ha?” matapang kong sagot sa kanya.
“aba ayos ka ah ang tapang mo ah! Siguro ikaw si Bikoy no! Ano? Siya nga ba ha bata?! magsalita ka!” ang tinatanong nila ngayon ay si Bikoy na, pero halos malusaw ako sa sinabi ni Bikoy.
“Ah ei o-Oo siya nga.” Pagsisinungaling niya.
“Anong sinasabi mo jan Bi—”
“o-Ou siya nga si B-Bikoy”nanginginig na paguulit pa niya ng akma kong tatawagin ang pangalan niya.
“Kung ganun makaka alis ka na” utos ng isa sa kanila kay Bikoy.
“Ei kung dalawa silang pagtripan natin?”
“huwag... Kung sino ang may atraso siya lang ang dapat. Kaya kung hindi ka pa tatakbo sa pagbilang ko ng tatlo kasama ka sa babanatan namin”
Hindi pa man nakakapagbilang ay agad kumaripas ng takbo si Bikoy. Hindi ko natawag ang pangalan niya dahil agad agad sinuntok ako ng isa sa kanila. Kilala ko ang sarili ko wala akong inaatrasan na kahit sino, kahit malaki pa sakin, lumalaban talaga ako. Tatlo sila ngayong nilalabanan ko pero sa edad ko na siyam ay mabilis akong napagod. Sobrang lakas nilang tatlo, hinawakan ako ng dalawa sa kanila sa aking mga kamay tapos ay pinagsusuntok ako ng isa sa kanila.
“Ang Tapang mo ha! Itong sayo!!!!”
Sabay sapak pa sa isa ko pang pisnge. Halos magdilim ang paningin ko sa mga suntok at sapak na inabot ko pero pinipilit ko paring lumaban. Nang manghina ako, ay hinila nila ako sa mas liblib pa na parte ng kakahuyan.
“Akala ko ba bakla to? Ei kahit maliit, ang lakas sumuntok eh” sabi ng isa sakanila sa kanyang mga kasama.
“Oh alam niyo na ang gagawin”
Lahat ng tapang ko biglang nawala nang pinipilit nila akong hubaran. Doon na ko pinagsakluban ng takot!
“bitawan niyo ako!!!!! Anong ginagawa niyo!!!!”
“Ito ang parusa mo sa ginawa mong p********l ng ilang ulit sa kapatid ko!! Wag kang mag alala tiyak naman naming magugustuhan mo ito”
Pinipilit kong lumaban, matapang akong tao, pero naglaho ang tapang na yon.. umiiyak na ako at sinisigaw na ang pangalan ni lola! lola tulungan mo ako!!!! pero tumigil sila sa gagawin sana nilang panghahalay sa akin nang may narinig kaming boses ng isang bata.
“HOY!!!! ANONG GINAGAWA NIYO SA KANYA!” tumigil ang mga kabataang gustong gumahasa sa akin.
“sino ka namang pakialamerang bata ka! Umalis ka na dito kung ayaw mong masaktan!” sabi ng isa sa mga masamang kabataan.
Biglang tumili yung batang babae ng sobrang lakas, sa sobrang tinis ng boses kahit ako parang mabibinge.
“TATAAAAYYYYYYYYY!!!!!!!!!” dahil sa sigaw ng bata nagtakbuhan ang mga kabataang gustong gumawa ng masama sa akin.
Nilapitan ako ng batang babae at tinulungang umupo, sobrang dami kong sugat, dugo at pasa sa katawan dahil sa pagkakabugbog nila sa akin. Tinulungan din ako ng batang babae na masuot ko ulit ang mga damit kong hinubad ng mga kabataang iyon.
“teka, ako gagamut sa sugat mo doctor ako ei. Jan ka lang ha” mabilis na umalis ang batang babae at pagbalik may dala dalang cotton at mga gamot. Ang problema lang sa batang iyon kapag pumipiglas ako dahil sa sakit ay nagagalit siya at pinanlalakihan ako ng mga mata.
“Ayan gagaling ka na! Ang sama ng mga batang yun! Hmp!”
“Anong ginagawa mo dito? Nasaan yung tatay mo?” tanong ko sa bata kasi wala naman yung tatay niya.
“nasa bahay si tatay, kasi inaayos ang mga gamit namin. Aalis na kasi kami pupunta kaming maynila! Kaya naghahanap ako dito ng mga mangga para dalhin. Kasi kakainin ko yun sa daan! Hmmmm- sige na kailangan ko ng umalis. Wag ka nang papasuntok sa mga yun ha. Aalis na kasi ako, wala ka nang doctor”.
End of flashback
—
“Naaalala mo pa ba ang pangtatraydor mo sa akin sa kakahuyan Bikoy?!” biglang nagbago ang ekspresyon ni Bikoy,
“Matagal na yun Vincent, ang akala ko ba napatawad mo na ako—”
“NAPATAWAD! Sino ang nagsabi sayong napatawad na kita Ha! Ei hindi ka nga humingi sa akin ng tawad tapos papatawarin kita! Porket nakita mo na maayos akong nakauwi at may mga gamot na ang sugat ko ay ok na ha?........ Anong ginawa mo???? Binigyan mo ako ng tinapay tapos ngumiti ka! Masaya ka pa sa ginawa mo? Masaya ka pa sa nangyari sakin ha? Matapos mong makita na paluin ako ni lola dahil sa hindi ako nagsasalita kung saan ko nakuha yun mga sugat at pasa ko. May ginawa ka ba??? WALA!!!! KA-SI ISA KANG MA LA KING DUWAG!!......... Inantay ko ang paghinge mo sakin ng tawad BIKOY! Pero hindi mo talaga ginawa. Napakawalang kwenta mo!!......Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kahit matagal na yun, hindi parin mawala sa isip ko. Paulit ulit! Pa ulit ulit kong naaalala at kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan ang ginawa sakin ng mga yun lalong lalo ka na Bikoy! Kahit sa pagtulog ko, naaalala ko parin, pinili kong pumunta sa korea para hindi ko na maalala pa yun dahil pag nakikita kita, alam mo ba kung anong gusto kong gawin sayo? GUSTO KITANG SAKALIN!!... Ang akala ko makakalimot na ako ei, pero mas lalo lang lumala, lalo na ng nalaman kong magpapakasal ka! Magiging masaya ka samantalang ako nagdurusa sa nakaraang yun ha! ........Inagaw mo ang pagkatao ko diba? Kaya inaagaw ko rin sayo ang pagkatao mo. Ginusto mo to diba?”
binubuhos na ngayon ni Vincent ang labis na sama ng loob na kinimkim niya sa loob ng mahabang panahon. Umiiyak narin sina Loraine at Charmaine ngayon , maging si Rome at Happy ay hindi makapaniwalang may nangyari palang ganito sa kambal.
“Vincent t-tama na p-please” umiiyak na pag aawat ng kanilang ina na si Happy.
“Nakita mo na ba ma ha? Kung ano ang kayang gawin ng PABORITO mong anak para lang masalba niya ang sarili niya? Ei hindi nga niya ako binalikan o humingi man lang ng tulong! ..... Alam mo Bikoy, sa totoo lang ha noong mga oras na yun, kung sasaktan ka nila, gagawin ko ang lahat ng kaya ko para ma protektahan ka! Kasi MAGKAPATID tayo! Kahit hindi ko sila kayanin wala akong pake, basta matulungan kalang! Kahit buhay ko pa nga ang maging kapalit ei. Pero sa ginawa mo! para mo akong sinaksak ng paulit ulit dahil hanggang ngayon hindi ako makalimut!.”
“Vincent—”
“WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA VINCENT, DAHIL AKO SI BIKOY!!!!”
“TAMA NA! TAMA NA!!!!! ano ba?! !!!!TUMAHIMIK NA KAYONG DALA—” nahimatay ang kanilang ina na si Happy matapos awatin ang kambal at dahil narin sa ka iiyak niya, kaya naman nagkagulo ang lahat. Buti nalang ay madali siyang nasalo ng asawa niyang si Lucas at binuhat papunta sa kama. Agad naman siyang tiningnan ni Rome, kahit pa psychiatrist ang kanyang expertise ay alam niya ang first aid sa mga ganitong kaso. Matapos niyang suriin ay napanatag na ang kanilang loob dahil sa labis lang na pagod kung bakit siya nahimatay..
“Maya maya ay bubuti din ang kalagayan niya” malungkot na saad ni Rome.