VICTOR'S POV
"Bikoy makinig ka sakin, makipag ayos ka na sa asawa mo. Umuwi ka na, naniniwala akong wala siyang kasalanan. Kaya mag usap na kayo."
Katawagan ko ngayon si kuya Rome, Hanggang ngayon kasi hindi pa ako umuuwi. Nag check in lang ako sa isang hotel para makapag laylo. Hindi na din ako gaanong galit ngayon, Kaya may tama naman si kuya Rome. Naisip ko na rin na umuwi na at kausapin ang asawa ko.
"opo kuya binabalak ko na rin yan" sagot ko sa kanya.
"Maige kung ganun, Nag aantay na siya. Sana magkasundo na kayo"
Nang matapos ang usapan namin ay nag ayos na ako at nagmaneho na pauwi. Iniisip ko kung ano ang magiging lagay sa paghaharap namin ni Charmaine. Nakarating ako sa aming tahanan.
"ang mam niyo nasan na?" tanong ko sa mga maids namin.
"Kahapon pa po hindi umuuwi si mam, ang sabi niya sa amin may pupuntahan siya. Pero hindi namin alam kung saan siya pumunta" sagot ng katulong.
Kahapon pa siya wala dito? Pag ulit ko sa sagot ng katulong sa aking isipan. Tinawagan ko ang phone niya pero out of coverage kaya naman Tinawagan ko ang mga kaibigan niya. Pero sila man ay sinabing hindi pa nila nakakasama si Charmaine. Kaya naman si Loraine ang tinawagan ko.
"Loraine, si Charmaine nandiyan ba sa inyo?"
"Wala, hindi naman siya nagpunta dito. Bakit may problema ba?"
nakatira parin si Loraine sa mga magulang niya. Ayaw daw niya tumira sa apartment na binigay sa kanya ng daddy niya kasi gusto niyang makasama ang mga magulang niya. Bunso si Loraine kaya sobrang lapit niya sa daddy at mommy niya kahit ngayong matanda na nga siya bini-baby parin ng magulang niya.
"hindi pa kasi siya umuuwi ei simula kahapon. Pwede bang alamin mo Raine kung umuwi siya sa State? Pero sana wag mo ipaalam sa iba. Sekreto mo lang"
"hmm ok sige Bikoy. Pero bakit kailangan pang isekreto? Nag away ba kayo?"
"tsaka ko nalang iexplain sa iyo. Gawin mo muna yung pakiusap ko."
"Ok sige"
"Salamat Raine."
Ibinaba ko na ang cellphone at agad akong umalis papunta kay kuya Rome. Wala akong ibang makausap dahil hinahantay ko pa ang tawag ni Loraine. Sana naman nasa mabuting kalagayan ang asawa ko.
-
"o ano? Nagkausap na ba kayo ni Charmaine?" bungad sa akin na salita ni kuya noong pinagbuksan niya ako ng pinto. Nasa apartment niya kami ngayon.
"wala siya sa bahay kuya, tinawagan ko ang mga kaibigan niya pero wala daw siya doon. Kaya inaantay ko ang tawag ni Loraine pinapa confirm ko kasi sa kanya kung umuwi si Charmaine sa State. Lagi kasi nun dala ang mga i.d niya at passport kaya baka biglang umuwi yun"
"baka hindi naman, may pinuntahan lang siguro yun"
"Wala namang ibang kakilala yun dito kuya maliban sa mga kaibigan niya"
Maya maya pa ay nag ring ang aking cellphone .. si Loraine tumatawag, agad agad kong sinagot.
"Hello Loraine, anong balita?"
"tinanong ko ang mga malapit kong kaibigan sa mga paliparan na pwede niyang sakyan papuntang state pero hindi daw siya nag book sa mga yun. Pero para mas makompirma inutusan ko ang isa sa mga kaklase ni Charmaine na kaibigan ko rin na tanungin kung nandun siya sa bahay nila, ginawa ko yun para hindi makahalata dahil yun ang request mo pero wala daw siya dun. Ano ba talagang nangyayari?"
"Nag away kami ni Charmaine kamakailan lang. Wala siya sa bahay kaya nagtanong tanong na ako sa mga kaibigan niya. May iba pa ba siyang mga kaibigan o kakilala na pwede niyang tirhan?"
"kena kuya Lucas? Tinanong mo na ba sila? Walang ibang kakilala yun dito kasi lumaki yun sa state. Kaya baka nandun yun ngayon sa kapatid ko."
"Maaari, pupunta ako sa kanila ngayon."
"sige, papunta rin ako ngayon dun ei. Dahil may kailangan akong papermahan sa kanya. Magkita tayo dun"
"Sige Bye" pagpapa alam ko tsaka binaba ang phone.
"anong sabi ni Loraine?" tanong ni kuya Rome.
"hindi daw bumyahe si Charmaine, kaya pupunta ako ngayon kina mama baka sakaling nandun siya"
"sige sasama ako"
Agad agad bumayahe kami ni kuya papunta sa mansyon nina mama at tito Lucas. Pagdating namin ay sumalubong sa amin sina Loraine, mama at tito Lucas nandun din ang mga kapatid namin, anak ni mama kay tito Lucas.
"anak, wala dito si Charmaine. Nag away daw kayo sabi ni Loraine. Bakit anong problema?" bungad sa akin ni mama. Nanlumo ako ng sobra dahil sa sinabi nilang wala dito ang asawa ko.
"they fight because of Vincent mama" sumbong ni kuya Rome.
"ano?! Bakit nasali si Vincent?" pagkagulat ang nabakas sa mukha ng mag asawa maging si Loraine. Kinuwento ni Kuya Rome ang mga nangyari, maging ang paguusap nila ni Charmaine at ang pakikipagusap din niya sa kakambal kong si Vincent.
Ou Tama! May point si kuya.. sa ugali ni Vincent kaya niyang gawin iyon, pero bakit? Bakit niya gagawin yun?
"nasaan si Vincent?" seryosong tanong ni mama kay kuya Rome.
"I even try to call him before we came here. But he didn't response. Lagi naman siyang ganun. Nag riring lang pero hindi sinasagot."
"Wait Rome, matagal mo ng alam ito, but you didn't tell it to us? Or kay tita Happy and kuya Lucas nalang? Bakit kailangan mangyari yun?" pagalit na tanong ni Loraine kay Kuya Rome.
"Because I want to solve this on their own. At ayaw kong mas lalong lumayo sa amin si Vincent kung ipapa abot pa to kina mama dahil pinaninindigan niya na siya ang biktima. Mali ba yun?" Sagot ni kuya Rome.
"tawagan mo ulit si Vincent, Rome, baka may alam siya kung nasaan ang pamangkin ko" pakiusap na utos ni tito Lucas. Hinayaan lang namin na tawagan ulit ni kuya ang phone ni Vincent.
"Hello! KUYA ROME!" may sumagot na sa kabilang linya. Pero halatang hindi si Vincent ang kausap ngayon ni kuya base sa expression ni kuya Rome.
"who's this?"
"Si Charmaine to kuya!.."
"Charmaine?!" napatingin si kuya sa akin. Kaya ni loud speaker niya. Lahat kami ay agad na pumalibot sa cellphone.
"bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Vincent? Ako to si Bikoy!" hindi na si kuya ang kumausap kay Charmaine kundi ako na.
"B-Bikoy!!! TULUNGAN niyo ako. Kinidnap ako ni Vincent! Nahulog lang niya ang cellphone niya. Kaya pinilit kong abutin dahil kanina pa nag riring. Bilisan niyo please help me!" pagmamakaawa at iyak ni Charmaine sa kabilang linya ng telepono. Nagulantang kaming lahat sa sinabi ni Charmaine.
"Nasaan ka ngayon?!"
"I-I don't know, ikinulong niya ako dito sa kwarto at ipinosas niya ako. Pero nakikita ko ang labas. P-Parang walang ibang bahay na malapit kasi mapuno at saka sinabi sakin ni Vincent na malayo daw dito. Bilisan niyo Bikoy! Natatakot ako kay Vincent" muling pag iyak ni Charmaine. Pero namatay ang tawag.
"Charmaine!" Sigaw ko sa cellphone. Muling kinontak ni Kuya Rome ang number ni Vincent pero nag riring nalang hindi na sinasagot.
"AHHHH!!!! Bakit ba hindi ako naniwala kay Charmaine!! Vincent humanda ka sa akin!!!!" gigil na gigil kong pagtangis.
"Saan kaya niya dinala si Charmaine?" pag aalalang tanong ni Loraine.
"Ang sabi niya malayong lugar, at mapuno. Naiisip ko na kung nasaan sila pero sana nandun nga sila" sabi ni kuya Rome.
"saan anak?" tanong ni mama
"sa probinsya. Sa bahay ni lola. Pina renovate niya yun at ginawang sound proof ang bahay. Kaya walang makakarinig kay Charmaine kahit na sumigaw pa siya. Ou malayo sa sambayanan pero nadadaanan padin yun ng mga tao." Pagkasabi nito ni kuya Rome ay Agad agad nagpasya kaming bumyahe papuntang probinsya. Ipinaiwan nina mama at tito Lucas ang mga anak nila sa mga katiwala ng mansyon dahil gusto din nilang sumama, gustong makausap ni mama si Vincent at nag alala rin si tito Lucas para kay Charmaine at mama, ganun din sina Loraine at kuya Rome ay sumama rin.
'Vincent! Ngayon tayo magtutuos' mga salitang nasa isip ko.
CHARMAINE'S POV
Nahulog ni Vincent ang cellphone niya habang inaasar ako, hindi niya ito napansin dahil ginagawan ko ng paraan. Sinasakyan ko lang ang pang aasar niya sa akin, kaya ng umalis siya ay hindi niya napansing wala na sa kanya ang phone. Sakto namang pag alis niya, may tumatawag. Medyo malayo to sakin kaya natagalan ang pag abot ko. Ginamit ko ang pahabang unan na kung tawagin ay hotdog na unan para lang maabot ang cellphone! Sa wakas naabot ko din. AHHHH! MAY PASSWORD! Paano to? Anong password nito?
'Rome calling' bigla nalang nag appear ang pangalan ni kuya Rome habang iniisip ko kung anong pwedeng password ni Vincent. Swerte ko, tumatawag si kuya Rome kaya agad ko itong sinagot.
Nakausap ko din si Bikoy at nagawa kong humingi ng tulong sa kanila. Pero habang naguusap kami may biglang kumalabog sa labas ng kwarto kaya agad kong pinatay ang cellphone at hinagis bandang pintuan para hindi siya makahalata. Pag pasok ni Vincent ay muling tumunog ang cellphone..
"Nahulog ko pala to dito. Napakakulit naman nitong kuya ko oh" ngumisi siya at tinignan ako ng masama tsaka siya lumabas ulit.
Bikoy, bilisan niyo gusto ko ng makawala dito...