Kabanata 17

1242 Words
Charmaine’s POV “huwag! Hmmmmm hmmmm hmmmmm.” Nawala ang aking ulirat dahil sa panyong ipinangtakip sa aking ilong, sobrang lakas ng amoy at kahit pinilit kong lumaban ay hindi ko rin kaya. Sobrang lakas ng taong ito. Kabababa ko lang ng aking sasakyan kaya nandito ako ngayon sa parking lot. Tanghaling tapat kaya walang gaanong tao rito, naglalakad na ako papuntang store ng biglang may dumaan na van at sa isang iglap lang may mga lumabas na mga nakabonnet na lalaki. Tatakbo pa sana ako pabalik ng aking sasakyan pero mabilis ang mga ito. Kinabig kaagad ako ng isa sa kanila at tinakpan ng nakakahilong panyo ang ilong ko. Pag gising ko, tumambad sa akin ang napakadaming litrato ko na nakadikit sa ceiling at sa mga pader. Anong nangyayari? Bakit puros picture ko ang mga nandito, tatayo na sana ako pero nakaposas ang isa kung kamay sa headboard ng kama. Kinakabahan ako, tinignan ko agad ang sarili ko at tanging pang ilalim ko lang na cycling at sando bra ang nakita ko wala na ang top dress ko.. Nasaan na ako? “TULONG!!!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!! PAKAWALAN NIYO KO DITO!!!” hindi ko alam kong sapat na ba ang pag sigaw ko na yun para may makarinig sa akin. Inulit ko pa ang pag sigaw. Ang puso ko para ng nagkakarera sa kaba. Natigil ako ng may biglang magbukas ng pinto at unti unting pumasok ang isang tao… “VINCENT!!!” “yown! Gising na ang baby ko! Gutom na ba ang baby ko? Masyadong mahaba ang binayahe mo kaya alam kong gutom ka na—” “WALANG HIYA KA! Pakawalan mo ako dito walang hiya ka!” “T T T T T… wag kang mag alala papakawalan kita jan balang araw, kapag natanggap mo na, na ako na ang magiging asawa mo. Ok?” “Anong pinagsasabi mo? Baliw ka! Asawa hah! Kahit pa ikaw nalang lalaki sa mundong hayop ka hindi kita gugustuhing maging asawa!” “Owww bakit naman baby ko? Magkakambal kami ni Bikoy at sobrang laki ng pagkakahawig namin. Pero kung tutuusin mas gwapo ako kaysa sa kanya. Kaya naman kalokohan na kahit ako nalang ang lalaki sa mundo ay hindi mo ako gugustuhin. Sa sobrang gwapo ko nga,, babae na mismo ang naghuhubad sa harap ko” “pwes ibahin mo ko WALANG HIYA KA! Hindi ko papatulan ang katulad mo! Napakasama mo! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!” “Nagaaksaya ka lang ng boses baby ko. Walang makakarinig sayo dito. Maliban sa malayo sa sambayanan, may sound proof itong kwarto mo. Ayos ba ? Tignan mo ang ginawa ko sa kwarto mo baby ko. Hindi mo ba nagustuhan? Puros pictures mo! Surprise! Hahaha.” “Bakit mo ba ginagawa to? Vincent ha!” “ahhh yung mga picture ba ? Surprise nga diba! Sabi ko noong kinasal ka, bibigyan ko kayo ng regalo ni Bikoy diba? Malilate nga lang.. at ito ! Ito ang gift ko sayo. At kay Bikoy naman, ang gift ko sa kanya ay yung mapasa akin ka. Ahhhhhh ang sweet ko diba? Naiinlove ka na ba?” Wala akong masabi sa hayop na to! Galit na galit talaga ako sa kanya! “awtch baby ko, wag ka namang ganyan makatingin sa akin. Parang gusto mo na akong kainin niyan ei” pang aasar pa niya sa akin. “Ah! May painting ako dito, ipipinta kita. Wait lang!” Nasisiraan na talaga siya! Kinuha niya ang mga gagamitin niya sa pagpipinta at umupo na sa harap nito para umpisahan! Nakakakilabot ang ginagawa niya! “ayan na baby pinipinta na kita, mukhang hindi mo kasi nagustuhan ang surprise ko sayong mga pictures mo. Alam mo ba magaling ako sa pagpipinta.. lahat ng talent ng kakambal ko walang wala sa talent ko” “nagtanong ba ako?” “nagpapa-impress kasi ako sayo baby.” “ako, hindi na ako nakikipagbiruan sayo Vincent! Pakawalan mo na ako!” “jan ka lang! WAG KANG GUMALAW!” natakot ako sa pagsigaw niya. Halos manlisik ang mga mata niya sakin dahil sa galit. Nagalit ba siya dahil gumalaw ako? Para siyang sinasapian ng masamang espiritu. “Isa pang galaw mo, malilintikan ka sa akin! Sinisira mo ang obra ko!” natahimik ako sa mga sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Hindi na ako gumalaw baka ano pang gawin niya. Lihim akong nagdadadasal ngayon na sana mahanap ako nina Bikoy at makaalis na ako dito. Ngawit na ngawit na ako, kada gagalaw ako nagagalit si Vincent. Binabato niya ako ng mga scratch papers. Bweset! Galit na galit na talaga ako! Paano ba ako makakawala dito. Maya maya pa ay natapos na siya at lumawak na ang pag ngiti niya. “I’m done! Tignan mo kung gaano ka kaganda ang painting ko. Siguro mahal to pag nabinta.” pinakita niya sakin ang ginawa niya, at totoo nga na may talento siya sa pag pipinta, kuhang kuha niya ang detalye ng mukha ko pati ang katawan ko, pero hindi niya iginuhit ang pagkakaposas ko sa headboard ng kama. Pero kahit pa sobrang ganda niyan! Pag nakuha ko yang pininta niya, ihahampas ko talaga yan sa ulo niya. “hindi yan mabibinta kasi flat chested yung model mo. Maghanap ka nalang ng ibang ipipinta mo!” banas na banas Na talaga ako! kaya pati katawan ko inasar ko na rin. ano ba yun? “wag mo naman laitin yung sarili mo baby, hmmmm wait lang” Iniwan niya ang pininta niya at lumabas! Kung saan man siya pupunta wala akong pake! Maya maya bumalik si Vincent may dalang kutsilyo tapos ang sama ng tingin sa akin. “b-bakit ka may dalang k-kutsilyo? Anong gagawin mo sa kin!” Pero ngumisi lang siya at napakasama ng awra niya. Papatayin niya ba ako? Gamit yang kutsilyo? “Vincent! Wag mong g-gagawin yan! M-maawa ka” umiiyak na ako ngayon dahil sa takot. Naglakad siya palapit sa akin. Sinasadya niyang bagalan para mas lalo akong takutin. Biglang sumeryoso ang mukha niya ng mismong nasa harapan ko na siya. “minamaliit mo kasi ang sarili mo dahil sa flat chested ka diba? Kaya naisip kong tanggalin nalang natin yang dib dib mo para mas maganda.” “w-wag mong gagawin yan!” hinihila ko ang kamay kong nakaposas baka sakaling makawala ako. Iyak na ako ng iyak dahil sa takot. Itinaas niya ang kutsilyo niya at hinawakan niya ang isa kung kamay gamit ng isa niyang kamay. Pumipiglas ako sakanya. “Wag mong gagawin yan! Maawa ka sakin Vincent!” pagmamakaawa ko habang umiiyak. Maya maya bigla siyang tumawa “Hahahahahaha hahahahaha hahahahaha” tawa na parang nababaliw na. Sa sobrang sakit na ng tiyan niya sa kakatawa ay napasandal pa siya sa pader hawak hawak ang kanyang tiyan. Samantalang ako hindi parin nawawala ang kaba dahil sa ginawa niya. “Grabe! Hahaha hayst! HUUU! Hahaha nakakatawa ka talaga Hahahaha aray ko po! Hahaha” nagsasalita siya pero hindi parin niya mapigilang matawa. Maya maya pa ay sumeryoso na siya at ngumiti. “Gutom na ako, kaya alam kong gutom ka na din. Magluluto na pala ako, kaya jan ka na muna ha?” Ngumisi siya tapos ay inilagay niya ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa habang hawak ng isa pa ang kutsilyo at pumipito siyang naglakad palabas ng kwarto. Hindi parin tumitigil ang pag tulo ng luha ko. “BIKOY… tulungan mo ako” anang na lamang ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD