“Ang kulit mo ROME! Hindi mo ba talaga ako titigilan? Dalawang araw ka ng tumatawag. Hindi ka ba nagsasawa?!”
naiinis na si Vincent sa kakatawag ni Rome, kaya ngayon nga ay kinakausap nanaman niya ang cellphone na kanina pa tumutunog dahil sa kakatawag ni Rome. Hindi naman niya mapatay ang cellphone dahil may mga biglaang tumatawag na kliyente. Merun din kasi siyang sariling business sa korea aside sa pagiging COO ng kompanya ni Lucas, maliit lang ang business niya, isang restaurant lang pero may class. sikat ito at talagang dinadayo pa dahil narin sa mga dekalidad na foods na sini-serve nila sa mga customers. masisipag din ang mga tauhan at magaling din ang taong nakuha niya para mag manage nun kaya nga binabalak na niya magkaroon pa ng isa pang branch.
Dahil napipikon narin siya sa kakatawag ng kanyang kapatid ay sinagot na niya ang cellphone.
“yes kuya! Napatawag ang kapatid ko.” relax lang ang boses niya at ang tono parang masaya pero deep inside gusto niyang bulyawan ang kapatid. at sabihing "TAWAG KA NG TAWAG! ANG KULIT MO!"
“nasaan ka? Kailangan natin mag usap.” paghahanap sa kanya ni Rome. sa boses ng kanyang kuya ay parang galit ito.
“Haissst naguumpisa na siyang makialam” sa isip isip niya, dahil kilala niya ang kanyang kapatid na ubod ng pake-alamero.
“ahh kasi kuya may pinuntahan kasi ako ei. Ano bang sasabihin mo? Dito mo nalang sabihin” gaya ng kanina parang relax lang ang boses niya na kunwari gustong gustong kausap ang kapatid pero ang totoo naiirita na talaga siya.
“ayaw ko! Nasaan ka ? Sa personal tayo mag usap”
“Bakit ba? Dito nalang. Ano bang pinagkaiba nito sa personal?”
“kasi alam kong papatayan mo lang ako ng cellphone. Kaya gusto ko sa personal tayo mag usap”
"may ginagawa kasi ako ngayon kuya, kailangan ko tapusin tong ginagawa ko." pagsisinungaling ni Vincent pero hindi naniniwala si Rome sa kanyang kapatid.
"iwanan mo muna yang ginagawa mo dahil kailangan kitang makausap. naiintindihan mo ba ako?" ngayon totoong galit na talaga ang boses ni Rome. kapag ganito na ang kanilang nakakatandang kapatid ay sinusunod na nila. kahit inis na siya ay pinapakita pa rin naman niya ang respito dito gaya ng pagsunod sa utos kung simple lang naman ang inuutos nito at kung tingin niya ay kaya niyang gawin.
“ahhhh oo na sige na sige na . Pupuntahan kita jan sa clinic mo” tinatamad na saad ni Vincent.
“ngayon ka na pumunta. Ipapacancel ko lahat ng appointment ko. Siguraduhin mong pupunta ka kasi kung hindi hahanapin kita kahit saang lumpalok ka pa naroon”. Parang Boss na pagkakautos ni Rome sa kapatid niya.
“ou na sige na pupunta na nga ei.. happy?” sabay patay ni Vincent ng cellphone niya. Nanggigigil na hawak ni Vincent ang kanyang phone.
“pag nakialam si Rome, mahihirapan na akong gawin ang susunod kong hakbang, pero sige kakausapin kita kung yan ang gusto mo. Tapos pag alam ko na ang nasa utak mo tsaka ako magbabago ng plano”..
matapos sabihin ito sa sarili ay mas lalong sumama ang kanyang mga tingin.
-
“buti naman nagpakita ka at hindi mo ko ininjan” sabi ni Rome kay Vincent, ngayon nga ay nasa Clinic silang dalawa, Nakaupo sa sala ng klinika at magkaharap na nag-uusap.
“syempre naman, I have my word.. ano bang sasabihin mo kuya? Mukhang importanteng importante hahanapin mo pa ako kahit saan pang lumpalok ng mundo ei hahaha” pamimilosopo pa ni Vincent kay Rome tapos ay tumawa.
“tumigil ka sa pagtawa mo. Anong iniisip mo Vincent ha? Bakit ginagawa mo to sa mag asawa?” galit na tanong ni Rome.
“teka , ano bang sinasabi mo kuya?” pagmamaang maangan ni Vincent na kunwari ay hindi niya alam ang tinutukoy ng kapatid. Pero syempre alam na alam niya ito dahil siya naman talaga ang may kagagawan ng nangyayaring gulo sa mag asawang Victor at Charmaine.
“wag kang mag maang maangan Vincent. Alam kong ginawa mo yun para mag away ang dalawa. Anong iniisip mo?”
“Teka nga kuya. Bakit ako ang sinisisi mo? Si Charmaine ang lumalapit sa akin at inaakit ako. Kahit si Bikoy alam yan, kahit mismo siya, nakita niya ang ginawa ng asawa niya” pag-arte ni Vincent kay Rome. Kung may talagang dapat bigyan ng best in acting award ang dapat na makatanggap nun ay walang iba kung hindi si Vincent. pang FAMAS ang actingan ei.
“common Vincent! Tingin mo maniniwala ako sayo? Sinabi sakin ni Charmaine ang lahat. At alam kong kaya mong gawin ito!”
“natural lang na babaliktarin niya ako kuya. Bakit ka ba naniniwala agad kay Charmaine ei mismong asawa nga niya hindi naniniwala sa kanya.”
“Ou naniniwala ako sa kanya dahil kilalang kilala kita! Kaya mong magpaikot ng tao pero hindi ako Vincent. Kaya tigilan mo na ito bago pa makarating kina mama. Kakausapin ko si Bikoy—”
“wala akong pake alam kung makarating pa kahit sa mga ninuno natin yan kuya! Ang sabihin mo kay Bikoy! Iwan na niya ang babaeng yun dahil manloloko siya”
"noong kinausap ko si Charmaine, marami siyang pasa dahil tingin ko sinaktan siya ng kapatid natin. Hindi ka ba naaawa dun sa babae ha? bakit siya ang kailangan mong siraan?
"tama lang sa kanya yun, kasi niloko niya si Bikoy. biro mo inaakit niya ako diba. dapat nga ayawan mo rin ang babaeng yun kasi niloko niya yung kapatid natin. tapos ngayon siya pa ang kakampihan mo? parang hindi mo ako kapatid ah"
“ano bang gagawin ko sayo Vincent? Ano ba kasing problema mo?”
“wala akong problema, ikaw lang ang may problema sakin Kuya. Wala nang patutunguhan tong usapan na to aalis na ako.” tumayo na si Vincent at tinalikuran na si Rome para umalis.
“hoy teka kinakausap pa kita! Vincent!” Pero hindi siya pinansin ng kapatid at nagtuloy-tuloy sa pag alis.
“hooooo! Ang tigas ng ulo mo!!!!!” naiinis na sigaw ni Rome.
“ano bang dapat kong gawin sayo!?” pagkausap nalang niya sa kanyang sarili. Sumasakit ang ulo niya ngayon dahil sa katigasan ng ulo ng kapatid niya.
VINCENT'S POV
Sinasabi ko na nga ba, hindi ako paniniwalaan ni Rome. Sira na ang plano kong guluhin sila,. Kinuha ko ang aking cellphone at kinontak ang aking utusan.
“Nasaan ka? May ipapagawa ako sayo” nang masabi niya ito sa kausap ay mas lalo pang tumalim ang mga tinginan ni Vincent.
hmmm humanda ka Bikoy dahil magiging akin ang asawa mo. Manginig ka ngayon sa gagawin ko.