“Thank you Boss! Hehe. Kung may ipapagawa ka pa tawagan mo lang kaagad ako. Mabilis pa sa hangin akong pupunta sayo”
tuwang tuwang sabi ng kababata nina Vincent na naging bata bata din niya sa samahan nila sa isang gang nung highschool sila. Inutusan niya ang taong ito na kumuha ng kunwaring ibedensya at paglalagay ng kakaibang gamot sa inumin ni Charmaine. Gamot iyon na pwede siyang mag hallucinate at makita lang ang gusto niyang makita. Hindi naman siya nagkamali, kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pa iyon dahil malaki ang pagkakahawig nila ng kakambal niya, tapos lasing pa si Charmaine. Gusto lang talaga niya makasigurado na maiisip talaga ni Charmaine na siya si Victor. Sinadya ni Vincent ang lahat na kahit ang mga kainuman niya ay kunwaring kaibigan lang at binayaran lang din niya.
“Good, makaka alis ka na” nakangising utos ni Vincent, tuwang tuwa siya sa mga ginawa niya, feeling niya ay isa iyong obra na dapat ipagmalaki. Agad namang sumunod sa utos ang lalaki, tuwang tuwa itong nagbibilang ng kanyang natanggap na malaking pera habang naglalakad at pagkatapos ay inamoy amoy pa ito. Samantalang si Vincent naman ay nag-iisip na ng mga bagong plano niya para magkasira pa lalo ang mag asawa.
“ano na Bikoy?! Hindi ko hahayaang maging masaya ka. Haha! siya ang kaligayahan mo ha! pwes Kukunin ko siya sayo” anang ng kanyang isipan.
Tumunog ang kanyang cellphone. Binasa niya kung sino ang caller,
‘Rome calling'
“Pakialamero! Ei kung isunod kaya kitang sirain? Ahhh wag na, mag aaksaya lang ako ng panahon sayo. Si Bikoy lang naman talaga ang target ko… ei kasi naman sobrang laki ng atraso sakin ng baklang yun . Hehehe. Kaya wag kang makikialam kung ayaw mong magalit ako sayo. Naiintindihan mo ba yun?! ha!!! Sige tumawag ka hanggang uminit ang tenga mo. Goodluck sayo brother!”
pagkausap ni Vincent sa sarili niyang Cellphone na animo’y ang kausap niya ay si Rome.
Rome’s POV
“bweset! Ayaw niyang sagutin!” isa pang dial ang ginawa ko.
“pick up your phone! Pick up your phone— damn it!” hindi niya sinasagot, kahapon ko pa siya tinatawagan. nasaan kaya siya? Tiyak ko pakana niya to! Pero bakit naman niya gagawin yun sa mag asawa? Anong dahilan naman?
“Pasaway ka Vincent!” naiinis kong sinigaw sa hangin. Hindi pa nga ako tapos sa pag iisip dahil kay Loraine tapos ito pang mga kapatid ko nakisali.
Hindi ko naman maiwasang hindi makialam, hindi ko din magawang ipaalam kina mama dahil gusto kong maayos ito ng kami lang ang nakakaalam, nakakahiya kina tito Lucas… ahhh sumasakit ang batok ko, Na iistres ako, Maya maya pa ay may komatok, nandito ako ngayon sa hospital sa may clinic ko.
“come in” utos ko sa taong nasa labas. Hindi naman naka lock ang pinto.
Pumasok ang isang babaeng kilala ko, Si Charmaine.
“Charmaine, come here.. sit” offer ko sa kanya ng upuan, naka shade siya at alam ko na kung bakit. Tiyak maga ang mga mata niyan sa kakaiyak.
“T-thanks kuya.” Nang maupo siya. Nakita ko ang mga pasa niya sa kamay, nag alala ako sa kanya.
“may mga pasa ka.. saan mo nakuha yan?” agad niyang tinakpan ng shawl na nasa balikat niya ang kanyang mga kamay.
“ahhh wala po to kuya..” tinitigan ko lang siya, titig na puno ng pag aalala.
“kaya ako nagpunta dito kuya kasi gusto ko lang po malaman kung nagpunta ba sa inyo si Bikoy? Umalis kasi siya kahapon at hindi po siya umuwi kagabi, hanggang ngayon wala pa siya, nag aalala ako kasi dinala niya yung kotse, baka anong mangyari sa kanya”
“wag ka mag alala nakausap ko siya kaninang umaga, sinabi niya sakin na gusto lang daw muna niyang mapag isa. Nag aalala rin ako sa kanya pero parang mas ikaw ang kailangan ng pag aalala ko ei. Saan mo nakuha yang mga pasa mo? Sinaktan ka ba ni Bikoy?”
“O-ok lang naman ako kuya” pilit ang ngiti ni Charmaine, pero bakas ang lungkot sa mukha niya kahit hindi ko nakikita ang mga mata niya dahil sa dilim ng sunglasses na kanyang suot.
“Hindi ko mapapayagan na saktan ka niya. Kakausapin ko siya”
“kuya, wag na po … baka lalo lang magalit sa akin si Bikoy”
“ano ba talaga ang nangyari sa inyo Charmaine? T-totoo ba?”
“wala pong katotohanan yun kuya. S-si Vincent ang may kagagawan nito---” humagulhol na ng iyak si Charmaine. Nakinig ako sa mga kwento niya at talaga namang nainis ako sa ginawa ni Vincent.
“k-kuya mahal na mahal ko si Bikoy. H-hindi ko magagawa yun sa kanya, magagawa ko ba siyang lokohin sa isang araw ng tatlong beses? Yung mga tinginan sa akin ni Vincent noon palang alam ko na, na may gagawin siyang hindi maganda, pero ayaw ko siyang husgahan o sirain sa paningin ni Bikoy. K-kuya… Ilang beses akong nagpaliwang kay Bikoy pero hindi niya ako iniintindi. Ang sakit na ng dibdib ko. Ayaw ko ng ganto kami, at saka kakakasal palang namin. Ayaw kong maghiwalay kami kuya. Please tulungan mo akong ipaintindi to kay Bikoy.”
Naiintindihan ko ang sitwasyon ngayon ni Charmaine, mukha naman siyang nag sasabi ng totoo. Kilala ko si Vincent at alam kong may kakayanan siyang gawin ang lahat ng ito pero bakit nga? Hindi ko maintindihan kung bakit niya gagawin to?
“alam kong mahal na mahal ka ng asawa mo Charmaine, pero sa ngayon hayaan mo muna siyang makapag isip at mawala ang galit niya kasi hindi mo siya makakausap ngayon ng maayos. Ang gawin mo ay antayin siya sa bahay ninyo, wag kang aalis dun. Naiintindihan mo? Ako na ang bahala kay Bikoy. Ipapaliwanag ko ang sitwasyon mo at ako nadin ang bahala kay Vincent gagawin ko ang lahat ng kaya ko para tumigil na siya.”
“S-salamat kuya umaasa ako”
Bilang nakakatandang kapatid, kailangan kong gawan ng paraan to. Ako ang naging saksi kung anong sakit ang nararamdaman ngayon nina Bikoy at Charmaine. Ang kailangan ko lang ay patigilin si Vincent, Yun lang ang dapat sa ngayon dahil kung hindi mas malala pa ang kaya niyang gawin.