Victor’s POV
“Bro, baka naman nagkakamali ka lang. Malay mo naman hindi ka talaga niloloko ni Charmaine. Kausapin mo siya, at makinig ka sa kanya. Yun lang ang nakita mo hindi ba? may mga dahilan kung bakit nangyari yun, hindi ka dapat munang papadala sa galit mo at alamin mo muna ang katotohanan” pagpapayo sakin ng aking kapatid na si kuya Rome.
Doon ako natulog kina kuya Rome dahil sa kalasingan ko kagabi. Ayaw ko munang makita si Charmaine at ang kakambal ko. Mag pasa hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa ang itsura nila kagabi. Sobrang nakaka dissapoint, Sobrang nakakagalit at nakakagigil. Hindi ako kumikibo habang si kuya naman ay panay ang pagkukumbinse sa akin.
“Haissst .. maya maya ay papasok na ako sa trabaho, mag isip kang mabuti Bikoy ha kailangan niyong maayos to ng asawa mo. huwag mong papatagalin to kung pwede lang, kayong dalawa lang ang mahihirapan, sa mag asawa may mga problemang dumarating, sana malagpasan niyo yan.”
Nang makaalis na si kuya ay nagmuni muni pa ako saglit. Nang may biglang nag pop up sa cellphone ko, pagtingin ko yung kababata ko noon na kakilala naming magkakapatid ang nag chat sa akin.
'Bikoy pasensya na kung may panget akong balitang ibibigay sayo, hindi ba asawa mo yung nasa litrato? Nagpunta kasi kami sa Gogo Bar kagabi ng mga katrabaho ko, hindi pa kami nakakapag-umpisa ng makita ko sa kabilang table na parang nagkakagulo. Yung asawa mo pilit hinahalikan yung kakambal mo pero pilit siyang tinutulak ni Vincent. Vinediohan ko kasi mukhang kailangan kong sabihin sayo. Sobrang lasing na kami kagabi kaya nakatulog kami sa Bar, inumaga kami dun. Nung paglabas namin nakita ko sina Vincent at Asawa mong lumabas sa Hotel. Kaya pinicturan ko. Iniisip ko kung dapat bang sabihin ko to sayo pero mukhang kailangan. concern lang ako'
Kasama ng message niyang ito ang Videos at pictures. Gusto kong sumabog! Nagmadali akong umuwi ng bahay, umakyat kaagad ako ng kwarto at nakita ko doon si Charmaine na natutulog. Nagdidilim ang paningin ko dahil nakikita parin ng vision ko ang mga litrato at Video kaya binalibag ko ang pintuan ng kwarto na siya namang kinagising niya.
Kinain na ako ng matinding galit at selos, kaya hindi na ako nakapag isip at pinilit ko siyang hubaran. Nanlalaban siya sa akin pero ang nasa isip ko lang ay napakalandi niya. Kaya ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at magmakaawa pero nanatili akong binge! BINGE na umabot na hanggang sa aking puso. Nagawa akong pagtaksilan ng babaeng minahal ko ng lubos. Sobrang sakit! Na halos mabaliw na ako!
Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay dahil ito ang aking paraan para ipaalam sa babaeng to na akin lang siya! Akin lang ang katawan niya! Akin lang ang puso at utak niya! Akin lang dapat! AKIN! AKIN! AKIN! Hindi ko matanggap na sa kapatid ko pa… ano bang ginawa ko sayo Charmaine para lokohin ako ng ganito. Simula noon naging mabuti na ako sayo. Wala akong ibang minahal at nagustuhan maliban nalang sayo pero bakit ganito pa ang naging ganti mo sa akin. Bakit mo ako winasak!
Naramdaman ko na hindi na siya lumalaban pa at hinahayaan nalang niya ako, pero para akong nagkaroon ng pandinig dahil sa naririnig ko na ang kanyang paghikbi. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at agad akong bumalik sa tamang katinuan, binitawan ko siya at unti unting nilayo ang aking katawan sa kanyang katawan.. mas lalong lumakas ang pag iyak niya.. naawa ako pero hindi ko magawang magpatawad kaya tumayo ulit ako, nagbihis at agad na lumabas. Iniwan ko siyang nag iisa sa kwarto, at agad na bumaba sa sala. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon at halos hindi na ako makakita sa dami ng tubig na namumuo sa aking mga mata at sunod sunod itong tumutulo.
“AHHHHHHHH!” sinigaw ko ng pagkalakas lakas ang masakit kong damdamin, hindi ko din napigilan ang aking sarili na mabasag ang plorerang nakapatong sa lamesa at iba pang gamit na nakapatong sa cabinet.
Gusto kong ipahinga ang nararamdaman ko ngayong sakit.. agad akong pumunta sa parking at pinaandar ang kotse na binigay ni kuya. Hindi ako magaling sa pagmamaneho pero gusto kong makalayo. Lumayo muna at makapag isip. Dahil narin siguro sa galit kong ito kaya feeling ko naging magaling akong driver. Naihatid ko naman ng maayos ang sarili ko sa lugar na sobrang kunti lang ng tao. Nandoon ako, Nag iisa, at umiiyak. Iniiyak ang nararamdamang sakit. Durog na durog ako ngayon at parang hindi makahinga! Paano ba mawawala ito? Paano?
Charmaine’s POV
Napagod na ako sa pagmumukmok. Mugtong mugto na ang aking mga mata, hindi ko akalaing magagawa sa akin iyon ni Bikoy, napakabuting tao niya at kahit kailan ay hindi ko naiisip na magiging ganun ang pakikitungo niya sa akin, para talaga siyang sinapian kanina sa sobrang galit at napakasakit talaga ng ginawa niya sa akin. Pero siguro, kung ako ang nasa posisyon niya maari ko rin sigurong magawa yun kung malaman kong niloloko ako ng asawa ko kaya naiintindihan ko naman siya. Pero sana inilagay din niya ang sarili niya sa sitwasyon ko dahil wala naman talagang katotohanan ang mga binibintang niya sa akin, ang hirap kayang dumipensa kung alam mo namang tama ka.
Gusto ko ng kausap..... si tita Loraine kaya? Pero baka awayin niya si Bikoy. Matalik din silang magkaibigan at ayaw kong mag away sila ng dahil sa akin, kikimkimin ko nalang ba? Bumaba na ako papuntang kusina, at nadaanan ko ang mga basag na gamit na pinagbabasag ni Bikoy. Natakot ako sa ginawa niyang pag sigaw at pagbabasag kanina, pero ngayon nasaan na kaya siya? Nag aalala ako sa kanya. Narinig ko na may nagbukas ng makina ng kotse parking, tiyak si Bikoy yun. Hindi pa naman gaanong kabihasa sa pagmananeho yun. Kahit pa may sama ako ng loob sa kanya, Hindi ko maiwasang mag-alala. Mahal na mahal ko ang taong yun. Anong gagawin ko para maniwala siya sa akin? Ano ang gagawin ko para magtiwala siya na hindi ko kayang gawin ang mga binibintang niya? Paano namin to malalagpasan? Paano?