Charmaine’s POV
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa sala. Wala dito si Bikoy at Vincent, umalis na ang damuhong lalaki pero bago pa siya umalis ay umarte pa siya na parang siya ang biktima. Matapos nun ay umalis din si Bikoy na hindi man lang ako pinapakinggan. Parang nawawasak ang puso ko dahil sa hindi paniniwala sakin ng asawa ko. Kanina ko pa tinatawagan ang asawa ko, dinadial ko parin kahit na out of coverage.
Hindi ko na talaga kaya ang sakit kaya tinawagan ko si Mikie ang isa sa mga bestfriend ko, gusto ko ng makakausap pero walang sumasagot kaya si Trixie ang tinawagan ko nag riring ang cellphone at sa wakas merun ding sumagot.
“hello Beshy!” sagot ni Trixie, medyo maingay ang background niya kaya malakas ang boses niya.
“H-hello bakit maingay jan?” pinipilit kong magsalita ng maayos dahil namamaga na ang ilong at mata ko sa kakaiyak, Kaya naman ang boses ko parang may sinus.
“ahhh hindi kita marinig Beshy labas lang ako. Nandito ako ngayon sa GoGo bar wait lang” maya maya pa ay narinig ko ulit ang boses niya at hindi na ganun kaingay ang background niya pero maririnig parin kahit paano ang mga tugtugan at may kunting ingay parin. Pero ayos na para magkaintindihan.
“Beshy I need you now”- sabay hagulhol ko .
“hey what happened? Are you crying?”
“yes, i'm crying and I can’t handle my feelings right now. N-Nasaan ka? pupunta ako jan”
“what? Ako nalang ang pupunta jan, hindi ka ok—”
“No, sabi mo nasa Bar ka. Ako ang pupunta jan. Mag inom tayo”
“S-sige beshy ikaw ang bahala” agad agad ang nagbihis ako at nagpunta sa bar kung nasan si Trixie.
Nakita ko agad si Trixie , dahil inabangan niya ako sa labas ng Bar. Maganda ang klase ng Bar na ito masasabing highclass. Pero wala na sakin kung highclass pa ba o hindi, ang kailangan ko ay alak at maglabas ng sama ng loob. Kinuwento ko kay Trixie ang mga nangyari. Simula sa mga naunang pagsisinungaling ni Vincent hanggang sa nahuli kami ni Bikoy sa kwarto ni Vincent. Umiyak ako ng umiyak, sobrang lungkot ko ngayon kabaliktaran ng mga taong sige ang sayawan sa dance floor. Maging si Trixie ay galit na galit din sa mga nangyari kaya naging komportable na ang pakiramdam ko kahit paano dahil sa pakikiramay ng aking kaibigan pero gusto ko parin mag inom at magpakalango sa ngayon.
Lasing na lasing na ako, si Trixie naman ay nakikipagsayawan sa dance floor at tingin ko ay lasing na din talaga siya. Samantalang ako ay nakaupo lang sa table nagmumuni mag-isa. Hindi na umiiyak ang mga mata ko pero ang puso ko sobrang lungkot padin.
Teka si Bikoy ba yun? Nandun sa kabilang table may kasamang ibang lalaki at mga babae. Medyo madilim ang paligid pero alam ko si Bikoy nga yun. Dahil narin sa kalasingan ay nawalan na rin ako ng hiya at nilapitan ang mga nagiinuman. Nagulat pa sila sa biglaang pagsulpot ko..
“B-Bikoy please forgive me” sabay yakap ko sa kanya. Tinutulak niya ako pero hindi ko padin siya tinitigilan at pinipilit ko siyang halikan pero tumatanggi siya.
Sobrang pagod na ako at nakatulog nalang ako bigla habang yakap ko siya.
-
Halos mabasag ang ulo ko sa sobrang sakit. Pinilit kong dumilat kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Dahil to sa alak, pero hindi ko ininda ang sakit ng makita ko na nasa ibang lugar ako.
“Teka nasaan ako?” tinignan ko ang buong katawan ko. Nakadamit pa naman ako at yung damit ko parin kagabi ang gamit ko. Biglang may lumabas sa restroom. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang lumabas,
“VINCENT!”
“oh gising ka na pala baby ko” sabay ngisi ng damuho!
“bakit ka nandito! Anong ginawa mo sakin!?” galit kong tanong sa kanya.
“Wait lang, ikaw nga tong may ginawa sakin ei hindi mo ba natatandaan? Bigla mo nalang akong sinunggaban sa bar, sa harapan pa ng mga kaibigan ko. Nagmagandang loob lang ako na dalhin ka dito para makapagpahinga ka. At syempre dito nadin ako natulog”
“Ano! Dito ka natulog walanghiya ka!”
“relax lang baby ko, ingay mo aga aga. NAGGeeeeR. Wala na kasing vacant na room at lasing na rin ako, pagod na, kaya doon ako natulog sa sofa” sabay turo niya sa sofa.
“o teka saan ka pupunta!?” tanong niya sa akin ng tumayo na ako para umalis, hinanap ko lang ang bag ko at chineck kung nandun pa ang mga gamit ko ng makompirma ko ay nagmamadali na akong lumabas ng pintuan.
Hinabol ako ni Vincent at nang aasar pa talaga siya pero hindi ko siya pinapansin, parang binge lang ako, dito pala niya ako dinala sa hotel na nasa harap ng bar. Mabilis akong pumunta ng parking, bago pa ako makasakay ng kotse ay hinila ako ni Vincent.
“Heyyy hindi ka ba magpapasalamat sa akin— aray ko! Masakit yun baby ko”
Sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya kahit mga kamay ko nasaktan ei.
“Tigilan mo na ako ha ! Bweset!” at agad agad sumakay ako ng kotse . Minadali kong ipaatras ang kotse, samantalang siya nakita kong nakangiti pa sakin at nag wave ng kamay para magpaalam.
Binuksan ko agad ang cellphone ko habang nagmamaneho alam kong labag to sa batas pero gusto kong makita kung tinawagan ako ni Bikoy pero puro si Trixie lang ang tumatawag. Dahil sa hindi ko nasagot ang mga tawag niya kaya nag iwan ng text message.
“Beshy nasan ka na ba!!!”
“Bahala ka nga nakakainis ka, iniwan mi ako dito”
Yan ang mga text message na natanggap ko galing sakanya. Mamaya ko nalang siya tatawagan pagkabalik ko ng bahay. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko ng kotse baka sakaling umuwi na si Bikoy.
-
Wala akong Bikoy na nadatnan, ganun ba siya kagalit sa akin kaya hindi na niya nagawang umuwi. Umakyat ako sa kwarto at naligo, wala pa akong ganang kumain kaya nag toothbrush nalang ako tapos bumalik sa kama at muli ay umiyak nanaman ako hanggang sa nararamdaman ko na bumibigat ang aking mga talukap sa mata kaya nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa gulat, malakas na kalabog ng pintuan ng kwarto ang nagpabalikwas sa aking pagtulog.
Nang magising ako isang Bikoy na galit na galit ang bumungad sa akin.
“Ano to ha !!!! Ganyan ka na ba ka disperada sa kapatid ko ha!” hinagis niya banda sa akin ang cellphone niya. Tumalbog ito sa kama, agad ko naman itong kinuha at unti unti kong tinignan ang tinutukoy ni Bikoy. Isang video na pilit kong niyayakap at hinahalikan si Vincent pero pinipilit niya akong itulak, mukha akong disperada sa Video. Bigla akong natakot sa napanood ko, matapos nun ay may mga larawan pa kami ni Vincent na sabay na lumabas sa Hotel! Para akong magugunaw..
“hindi totoo to Bikoy—”
“haha! Hindi totoo. Anong gusto mong sabihin Edited yan ! Gusto mong palabasin na hindi ikaw yan? Puwes! Saan ka nagpunta? at saan ka natulog kagabi ha !”
Hindi ako makapagsalita dahil pag sinabi ko mas lalo na siyang hindi maniniwala sa akin. Umiiyak na ako ngayon dahil sa takot.
“SAAN!”
“n-nagpunta kkkami ni Trixie sa Bar—”
“Ou tama! Iniwan mo si Trixie, dahil tinanong ko siya at sumama ka kay Vincent!”
“walang nangyari sa amin Bikoy.. lasing lang talaga ako kaya ang akala ko ikaw siya noong nasa bar—”
“wag mo akong ginagawang tanga ! Dalawa lang kayo sa kwartong yun? Tapos sasabihin mong walang nangyari sa inyo? Lalo na’t lasing pa kayo ha! nasarapan ka!!! Nasarapan ka ba sa ginawa niyo ha!”
“Hindi Bikoy, w-wala talagang nangyari sa amin— anong g-ginagawa mo? B-Bikoy Tama na! Ano ba! — Please S-Stop!!!!” pinagpupunit punit ni Bikoy ang mga damit ko.
“ngayon mo sabihing mas masarap siya kaysa sa akin!!!” galit na galit si Bikoy, at ako naman ay walang ginawa kundi ang mag makaawa at umiyak dahil sa ginagawa niya ngayong pang gagahasa sa akin. Asawa ko siya, pero parang masamang tao ang aking katalik ko ngayon. Hinahalay niya ako at parang wala siya pakialam kung masaktan pa ako. Sa sobrang galit niya, para na akong bayarang babae na kahit anong pwede niyang gawin, gagawin niya dahil sa bayad ako. Kawawa…. kawawang Charmaine, ito nalang ang kaya kong sabihin para sa aking sarili.