Kabanata 8

1072 Words
“Wow! Ang ganda talaga dito sa bahay mo bro. talagang ma rerelax ako dito” sambit ni Vincent ng ihagis niya ang sariling katawan sa sofa ng sala ng bahay nina Victor at Charmaine. Pagkatapos ng dinner nila sa mansyon nina Lucas at Happy ay dumiretso na sila sa bahay nina Victor kasama si Vincent. “buti naman at nagustuhan mo, gusto mo bang kumain muna ulit bago umakyat sa tutuluyan mong kwarto?” “Ahh hindi na, gusto ko ng makita ang kwarto ko. pag hindi kasing ganda nitong nasa labas, doon ako matutulog sa kwarto niyo” “As if namang doon kita patutulugin, ano ka anak ko?” pagsimangot ni Victor pero pabiro lang din. “hahahaha nakakatawa ka talaga pag napipikon ka bro,” tawang tawa na saad ni Vincent sa kanyang kakambal. “bahala ka nga jan, ihatid mo yung sarili mo doon sa kwarto mo, doon sa bandang kaliwa sa taas” “malinis naman ba doon? Baka ako pa maglinis doon” sabi ni Vincent. “Aba natural, nilinisan yun. Kahit ngayon ko lang nalaman na dito mo gustong manatili, tinawagan ko kaagad yung katulong namin, Pinalampaso ko pa ng matindi ang mga sahig nun, nakakahiya sayo ei.” pamimilosopo ni Victor sa kakambal. “ayan Good! The best ka Bro. sige na maiwan ko na kayo jan” tumayo na si Vincent pero bago pa siya naglakad papuntang kwarto ay tinignan muna niya si Charmaine simula taas pababa at muling tinignan ang babae sabay ngumisi. Ginawa niya ito ng hindi napapansin ni Victor, sobrang pagkailang ang bumabalot ngayon kay Charmaine, matapos ay nagtuloy tuloy na si Vincent sa paglalakad na animo’y sa kanya ang bahay. “yung kapatid mo, ganyan ba talaga siya?” pagtatanong ni Charmaine kay Victor. “Ahh ou ganyan lang talaga yan feeling action star hahaha” ang iniisip ni Victor sa tanong ni Charmaine ay ang pag-lalakad ni Vincent na parang siga na feeling heartthrob, pero iba ang tinutukoy ni Charmaine, ang gusto niya sana sabihin ay ang pagtingin sa kanya ni Vincent ng masama. Pero mukhang hindi iyon Nakita ni Victor kaya hindi na siya nagsalita pa tungkol don. Ayaw din naman kasi niyang pag-isipan ng masama ang kakambal ni Victor sa kabilang banda kapatid pa din ito ng kanyang asawa at ayaw naman niya na mag-away ang dalawang ito ng dahil lamang sa kanya. Charmaine’s POV Isang Linggo na, simula noong dito muna tumuloy si Vincent sa aming bahay, maayos naman siyang nakikisama sa amin kahit paano. Yun nga lang masyado siyang strikto sa mga kinuha naming katulong. Minsan sinasabihan siya ni Bikoy na huwag masyadong strikto sa mga katulong pero hindi nakikinig si Vincent, tama lang daw dapat na maging mahigpit sa mga tao para hindi umabuso. Kaya hinahayaan nalang namin ni Bikoy dahil hindi naman yun makikinig, kaya kinakausap nalang namin ang mga katulong napag pasensyahan nalang dahil sandali lang namang panahon mananatili dito si Vincent, masyado lang siguro siyang nasanay sa trabaho niya sa korea kaya pati dito sa bahay nadala niya. Nandito ako ngayon sa bakuran kung saan ako nagtatanim, libangan ko ang pagtatanim pag hindi ako pumupunta sa kompanya para magtrabaho, gustong gusto ko mag tanim ng mga bulaklaking halaman at pati na ang mga halamang namumunga. Habang nagtatanim parang may iba akong nararamdaman, para bang may nakatingin sa akin, napalingon ako at hindi nga ako nagkamali sa nararamdaman ko, nasa biranda si Vincent at nakatingin sa bandang gawi ko. “ikaw pala Vinz, si Bikoy? Kasama mo siya diba?” tanong ko para may mai topic lang. “nasa office room niya, lumabas ako para magpahangin” seryoso nitong sabi. “ahhh ganun ba? Tanim lang ako ha” pagpapa alam ko pero hindi na siya sumagot, nagpatuloy ako sa pagtatanim pero nagkaroon ng pagkailang dahil alam ko kahit hindi ako nakatingin. Alam kong pinagmamasdan niya ako. Sa mga sumunod na araw, nagwawalis ako ng bakuran. Kahit may katulong kami na pwedeng gumawa nun ay ginagawa ko parin, nasanay din kasi ako sa Amerika na gumagawa din ng gawaing bahay, wala kasi kaming katulong doon. Sinadya yun ni Daddy para daw matuto akong kumilos sa gawaing bahay kaya damay din pati si mommy. Kaka alis lang ni Bikoy bago ako nagwalis dito, papasok na kasi siya papuntang trabaho. Habang nag-wawalis nagulat ako dahil paglingon ko ay nasa gilid ko pala si Vincent, medyo malayo siya sakin pero parang lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa pagkabigla. “grabe yung gulat mo ahh, para kang nakakita ng multo” sabi niya. “kanina ka pa ba jan? grabe ka tinakot mo ako” “medyo kanina pa, Nakita ko rin ang pag-alis ni Bikoy” “ah okey” naiilang man ako sa kanya ay ipinagpatuloy ko parin ang pagwawalis pero hindi na ako makatiis dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. “Ahh Vinz tinitignan mo ba ako?” “hindi” mabilis na sagot niya, hindi man ako kumbinsido sa sagot niya pero nagpatuloy ako sa pagwawalis pero maya maya ko siya tinitignan at kada tingin ko sa kanya ang mga mata niya ay nakatuon sa akin, para bang hindi niya inaalis ang mga tingin niya, kaya muli ko siyang tinanong. “pasensya na sa itatanong ko Vinz pero may sira ba yang mga mata mo?” medyo tumaas ang makapal pero may korte niyang kilay tanda na nagtataka. “hindi, bakit?” “Ahh kasi sabi mo kasi hindi ka nakatingin sa akin pero hindi yun yung nakikita ko ei, no offense ha pero b-banlag ka ba?” “Banlag?!! Hahahahahahhaahaha” sobrang tawa niya sa tanong ko. “Banlag daw! Hahahahaha” sambit pa niya at tawa habang paalis sa kinatatayuan niya. Tumalikod na ito at naglakad habang tawa ng tawa. “Pusa! Baliw na taong yun! Anong nakakatawa dun?” nasabi ko nalang sa aking sarili habang pinapanood siyang papalayo pero medyo kinabahan ako ng biglang huminto ito at seryosong nilingon ako. “siya nga pala, aalis ako” “Ahh saan ang punta mo?” ngumisi siya. “bakit? Sama ka?” “anong bang sinasabi mo, natural lang na magtanong ako baka hanapin ka ni Bikoy, anong isasagot ko?” “hindi na kailangan pa yun, sanay na si Bikoy” matapos sabihin ito ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi ko talaga maintindihan ang taong to. Dahil dun napailing nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD