Kabanata 7

1390 Words
Charmaine’s POV Hindi din naman nagtagal ay na kuwento din sakin ni Bikoy ang tungkol sa kakambal niyang si Vincent, napakapasaway daw talaga nun. Simula daw noong namatay ang lola nila na nagpalaki kay Vincent wala na daw ibang ginawa kung hindi ang magpasaway, lagi daw pinapatawag ang mama nilang si tita Happy sa school, muntik muntikan na nga daw ma drop out dahil lagi nalang nasasangkot sa gulo si Vincent,. Tapos ilang beses pang natulog sa kulungan dahil sa nasasangkot rin sa mga gang war. Natatakot din daw ang mga guro nito na sitahin siya dahil nang aabang daw sa labas kaya hinahayaan nalang. Kung tutuusin daw matalino naman talaga si Vincent kasi lagi daw na pi-perfect ang Exam, iniisip nga daw ng mga guro niya na nagkukudigo kaya lagi may nakabantay pero nagkakamali sila, dahil alam talaga niya ang mga sagot at palagi itong perfect sa mga test papers. Ang kaso sa report card niya ay laging pasang awa lang ang grado dahil sa kanyang behaviour. Noong grumaduate pa nga daw ng college, sumama pa sa mga sindikato. Grabeng pagmamakaawa lang daw ang ginawa ni tita Happy kaya natigil ang pakikisama niya sa mga ito, gustong tumulong ni tito Lucas kay tita Happy kaya pinilit nilang mag manage ng mga branch ng negosyo nila si Vincent sa Korea, hotel and restaurant businesses iyon. Ayaw pa sana ni Vincent noong una pero kalaunan ay pumayag na rin, kaya 3 years na siyang nandoon, at ngayon nga ay COO or Chief operating officer na siya sa mga branches ng negosyo na nasa korea dahil kahit daw may mga kalokohang ginagawa ay hindi daw napapabayaan ang kompanya. Noong una, ay may kaba si tito Lucas na ipagkatiwala kay Vincent ang negosyo, pero ngayon, ginawa pa niyang COO dahil sa bilis ng progress ng branches ng kompanya na hawak ni Vincent, at naging kilala ito kaya nadamay pati ang iba pang branches ng hotel and restaurant sa iba’t-ibang bansa. Yun nga lang pasaway parin. Nakita ko ang bakas ng pagkalungkot sa mukha ni Bikoy dahil sa kapatid, sana ay magbago na si Vincent dahil yun ang gustong mangyari ni Bikoy. _ After 3 months Naging masaya at maayos ang pag sasama nina Bikoy at Charmaine, lagi silang nangangarap kung ano ang mga gagawin pag mayroon na silang anak, kung minsan ay nagkakatampuhan pero natural lang sa mag-asawa, ngunit hindi naman nila ugaling matulog na may samaan sila ng loob kaya bago pa man lumipas ang gabi ay nagkakaayos na sila. Kring kring kring sunod sunod na ring ng telepono. Pinilit kapain ni Victor ang maingay na telepono na nakapatong sa maliit na cabinet sa bandang gilid ng kama, “Hello” bakas pa ang pagka antok sa kanyang napipilitang boses ng siya ay sumagot. “Good morning Bikoy, si mama mo to” si Happy ang nasa kabilang linya “po ma, napatawag po kayo?” sagot ni Bikoy na hindi na nag abalang buksan pa ang kanyang mga mata dahil sa labis na antok. “ahhh ou kasi gusto ko sanang dito na kayo kumain ng hapunan sa bahay, pinapunta ko rin si Rome, nandito na kasi si Vincent kaya gusto ko sanang magsalo-salo tayo” “si Vincent? Kailan pa po siya dumating?” napadilat si Victor sa narinig niyang balita galling sa ina. “kagabi lang, hindi nga din namin alam na umuwi siya, nagulat nalang kami ng sumulpot siya dito sa bahay, kaya ngayon ko lang din napa alam sa inyo. Ano ha? Pupunta kayo dito ha?” “sige po ma, kung loloobin” “o sige asahan ko yan anak, bye bye” Tot tot tot Tanda ng tunog na ito na ibinaba na ng nasa kabilang linya ang tawag. Naririnig ni Charmaine ang usapan, kaya tinanong niya si Victor. “si mama happy ba yun? Pupunta tayo sa kanila?” “ou, inaaya tayo ni mama na doon mag dinner kasi dumating na si Vincent” “ahh ganun ba? Matutulog ka pa?” “ou maaga pa naman, antok pa talaga ako” “sige tulog ka pa, pero hayaan mong yakapin kita” napangiti nalang si Victor sa ginawang pagyakap ni Charmaine sa kanya habang sila ay magkatabing nakahiga. _ Sa mansyon kung saan nakatira sina Happy at Lucas, isang mahabang lamesa na puno ng masasarap na putahe at panghimagas ang pinagsasaluhan ngayon ng kanilang mag-anak, sina Happy, Lucas, ang kanilang tatlong anak, si Rome, Victor, Charmaine at Vincent lang ang naroon. Kita sa mga mata ng ina nilang si Happy ang saya na magkasama sama sa isang hapag ang kaniyang buong pamilya, matagal na kasi itong hindi nangyayari. “By the way, welcome back bro. hanggang kailan ka mag ii stay dito bro?” tanong ni Rome kay Vincent. Mas lalo pang sumeryoso ang mukha ni Vincent na kanina pa naman talaga seryoso, noong narinig ang sinabi ng kapatid niyang si Rome. “kakabalik ko lang kuya pero mukhang gusto mo na ako umalis” sagot niya “ito naman, binibigyan mo naman ng ibang meaning ang sinabi ko o” sabi ni Rome “mama and tito, ayaw ko munang bumalik sa korea, gusto ko munang magtagal dito sa pilipinas, wag kayong mag-alala si Manager Park na ang bahala muna doon” “sure Vincent, no problem about that. Kailangan mo din naman ng bakasyon sa sobrang tagal mo nag stay doon, ako narin ang bahalang tumingin sa branches sa korea habang wala ka” sagot ni Lucas. “no need tito, ako parin ang mag checheck kung anong nangyayari doon, sanay narin ang mga tao ko doon na minsan lang ako pumapasok pero kahit ganun ay ginagawa parin nila ng maayos ang mga trabaho nila.” Ika ni Vincent, kahit hindi tunay na mag ama ang dalawa at may pagkapasaway si Vincent ay kahit paaano ay ginagalang ni Vincent si Lucas, sa totoo lang naging mabuting amain si Lucas sa mga anak ni Happy sa unang asawa, kaya naman sinusuklian din ito ng kabutihan ng mga anak ni Happy. “wag kang mag- alala anak ipinayos ko na sa mga maids dito yung kwarto mo” nakangiting sabi ni Happy kay Vincent. “hindi po ako mag iistay dito sa inyo ma. Maraming bata at ayaw ko ng maingay, kena Bikoy ako tutuloy” sagot ni Vincent na ikinatigil naman nila sa kanilang mga ginagawa, napansin ni Vincent ang expression ng mga mukha ng mga kausap kaya ikinangiti niya ito. “bakit sa bahay pa nila Bikoy, kung ayaw mo ng mga bata ede doon ka nalang sa apartment ko Vinz” sabi ni Rome. “Ayuko sa apartment mo kuya, para lang akong tumira sa penthouse ko sa korea, Boring… unlike sa bahay ni Bikoy, napaka refreshing doon at mukhang magrerelax talaga ako, parang nasa resort. Ok lang naman sayo Bikoy diba?” “ahhh o-ou naman ayos lang sa akin” sagot ni Victor. “alam mong kakakasal palang nila tapos doon ka mag iistay Vinz, magiging pang gulo ka lang doon” pagpoprotesta ni Rome. “Ok lang yun kuya, ayos lang sa akin na doon muna si Vinz, kung yung bahay ko ang makakapagpawala ng stress niya at doon siya marerelax, why not?. At saka isa pa gusto ko rin naman siyang maka-bonding” sabi ni Victor. “See kuya, walang problema kay Bikoy. Napakabait mo talaga twin brother” sabay ngisi ni Vincent. “hanggang kailan ka naman roon?” tanong ni Rome kay Vincent. “pwede bang taon?” nagsalubong ang mga kilay ni Rome sa sagot ni Vincent at hindi naman nakapagsalita ang iba. Kaya natawa si Vincent. “hahahaha, hindi na talaga kayo mabiro. Siguro mga 2 months” “matagal parin ang 2 months, 1 month ka lang kina Bikoy tapos sa apartment ko na ikaw mag iistay” sabi ni Rome. “Here we go again…” walang ganang saad ni Vincent. “Wag ka ng magreklamo Vinz, final na yun” sabi ni Rome. “Ok fine, sabi mo ei” umiiling iling na sabi ni Vincent. “o siya sige na, doon na muna si Vincent kena Bikoy, mag enjoy ka doon anak, hala sige, magsikain na tayo ng maayos” ngiting sabi ni Happy. Pero ang ilan sa kanila ay hindi maiwasan na magkaroon ng pusong nangangamba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD