Kabanata 6

1447 Words
Tan tan tanan tan tan tanan ! Charmaine’s POV Ito ang araw ng aking kasal…. Ang lahat ng kanilang paningin ay sa akin nakatutok, lahat sila ay nakangiti, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon, talaga namang ang atmosphere dito ay napaka positive. Naglalakad ako ngayon patungo sa aking lalaking matagal ng iniibig. Kahit na ang kanilang mga paningin ay nasa akin nakatuon, ako nama'y hindi maalis ang paningin sa lalaking nag aantay sa akin. Excited na akong makipagpalitan ng I do sakanya. Victor's POV Charmaine, matagal kong inantay to. Ang araw na to na makita kang maglakad ng naka bridal gown at masakal este makasal sa akin. Awww, naluluha ako, ano ba to, bakit ba kasi ang ganda ng mapapangasawa ko. Pagkamangha at kilig ang bumabalot sa kapaligiran ng maglapat ang kanilang mga labi matapos magpalitan ng pangako. Kahit na bilang lang ang kanilang mga bisita ay pinaghandaan parin nilang maigi ang kanilang kasal, simula sa lugar ng kasalan hanggang sa desinyo ng reception area at sa mga pagkain. Tanging mga pamilya, kaibigan at malalapit lang nilang katrabaho ang naroon. Bumisita din ang mga dati pang kaibigan at kababata ni Victor na mga bading na sina Mau, Ren, Alex at Tony. May kanya kanya narin silang buhay at trabaho, madalang narin silang magkita kita dahil sa pare parehas na silang busy. Pero kahit ganun ay hindi parin nila nakakalimutan ang isa’t isa. Lagi parin nilang iniimbitahan ang isa’t isa sakaling mayroon mang okasyon na magaganap sa kanila. Sa hallway ng reception area, hindi sinasadyang magkasalubong ang dating magkasintahan na sina Rome at Loraine. “biglang nangamoy? amoy masangsang biglang bumaho ang paligid.” Parinig ni Loraine. Hindi naman ito nakaligtas kay Rome dahil alam naman niyang siya ang pinaparinggan nito dahil wala namang ibang tao. “Hmmm kasi malapit ang ilong sa bibig.” Sabi ni Rome sabay ngisi. “Excuse me? Kahit tumira ka sa bibig ko hindi yan mabaho. Unlike others…” pagtataray kunwari ni Loraine. “talaga lang ha, samantala noon hindi ka mapakali pag wala ako sa tabi mo, lagi mong hinahanap hanap ang amoy ko. Tapos ngayon mabaho na? Ang pagkakaalam ko pa nga nakatira ka dati sa kili kili ko. Ganyan ka ba kapait?” Pang aasar ni Rome. “huwat! Duhhh as if magiging bitter ako. Never yung mangyayari as in Never.” Pagtataray ni Loraine. “Hmmm sabi mo ei” pangiti-ngiting saad ni Rome. Natahimik silang saglit ng mapansin ni Rome ang mga seryosong mata ni Loraine na nakatuon sa dala niyang bugkos ng bulaklak. Napangiti siya at tinanong ang babae. “ahhh ito bang mga bulaklak, gusto mo?” tatanggihan na sana siya ni Loraine nang muli siyang magsalita, “Lah! Asa ka!”. Tapos ay ngumingisi siyang nilagpasan si Loraine. Dahil sa asar ng babae ay sinigawan niya ang pasipol sipol pa na lalaki. “Nakakainis ka talaga Rome!” hindi na nilingon pa ulit ni Rome si Loraine pero hindi maalis sa kanya ang mga ngiti. Nakakatuwa talagang mapikon si Loraine kahit galit na mahinhin parin. - “Congratulation’s bro! nakatali ka na hahaha” pang aalaska ni Rome sa kapatid niyang si Victor pero imbes na mainis ay ngiting ngiti pa ito. “Salamat kuya, ou nga ei nakatali na ako sa magandang binibining ito.” Kasabay ng mga salita niya ang malagkit niyang tingin sa babaeng katabi tapos ay bahagyang pagkurot niya sa pisnge ng babae na ikinamula nito. “Ayan ha! Sa harapan ko pa talaga ha! hahaha o ito nga pala Charmaine, gift ko sayo” sabay abot ni Rome ng bugkos ng magagandang bulaklak na kanina pa niya dala kay Charmaine. “Wow salamat po kuya, pero hindi ka ba nagkamali ng pinagbigyan?” sabay kakaibang ngiti ang sumilay sa mag asawa ng sabihin ito ni Charmaine. “hindi aa para sayo talaga yan. Ayyy syempre meron pa” pagiiba ni Rome ng usapan sabay abot ng susi ng kotse. “ano to kuya? Binibigyan mo ko ulit ng kotse?” tanong ni Bikoy “ou! Syempre mabait akong kuya kaya gusto ko may dalawa ka ng kotse na ipangsasagasa sa pader hahaha” “Ang bait mo talaga sakin kuya! Iba talaga pag big time! hahaha binigyan mo na ko ng kotse dati, bibigyan mo pa ako ulit” “syempre, kaya magpractice kang maige sa pagmamaneho” “Baby, nung unang araw na nagkita tayo dito sa pinas, may kotse ka naman pala bakit nag commute ka pa nun?” sabat ni Charmaine. “Ahh kasi Baby nasira ko yung sasakyan na binigay din ni kuya Rome, hindi pa kasi ako ganun kasanay mag drive kaya sumagasa ako sa pader. That’s why nagcocommute ako pansamantala, pero naayos naman na yung kotse na yun, kaya nga parang gusto kong ibalik tong regalo mo sakin ngayon kuya Rome” “Sus! Naku Bikoy, samantalahin mo na ako. Kasi ngayon lang yan, pag nagka asawa na ako hindi na ako basta makakapagregalo ng ganyan kasi may financer na hahaha” “Speaking of financer, andiyan na siya papalapit na dito” sabi ni Bikoy na nakatingin sa gawing likuran ni Rome, nakangiti lang si Rome at hindi na nag abalang lumingon pa dahil alam naman niya kung sino ang tinutukoy ng kapatid. “congratulation’s Bikoy and Maine. I’m so Happy for the both of you. By the way, nilagay ko na yung gift ko sa lagayan ng mga gifts. I hope you will like it.” pagbati ni Loraine sa bagong kasal. “syempre naman, kahit ano pa yan Loraine magugustuhan namin yan. Siya nga pala Loraine gusto ko sanang makilala mo ang kapatid ko si kuya Rome, kuya Rome si Loraine nga pala” sabay ngisi ni Victor at Charmaine. “tigilan mo yan Bikoy. Pasalamat ka lang at araw mo ngayon kundi tinadyakan ko na yang paa mo” pagsimangot ni Loraine. Kahit naghiwalay na si Rome at Loraine, maging si Bikoy at Charmaine noon ay hindi Nawala ang pagiging magkaibigan ni Bikoy at Loraine lagi parin silang nagkukulitan at nag aasaran gaya noon. “Kayo naman kasi ei, magbati na nga kayo. Paano kayo magkakaayos kung parehas kayong ma pride?. Tignan niyo kami ng baby ko kahit matagal kaming hindi nagkita kami parin nagkatuluyan. Kung hindi lang nga siya umalis tiyak hindi kami magkakahiwalay.” Sabi ni Bikoy sa dalawa. “siya lang naman tong ma pride” pagtanggi ni Rome. “Ahh ako pa talaga ha! Hay naku maiwan ko na nga kayo, baka masira pa araw ko. Best wishes nalang guys.” Pagkasabi nito ay tumalikod na at umalis na si Loraine. “haiiizzt kuya, ang hina mo talaga suyuin mo na si Loraine, isang suyo mo pa diyan bibigay na yan ei.” sabi ni Bikoy. “ou nga kuya, kulang lang naman ng aruga mo yan si tita Loraine ei” pag sang-ayon ni Charmaine. “sinuyo ko na nga siya diba? Siya lang naman ang ayaw, hindi nga ako pinapansin ei.” sagot ni Rome “paano ba naman kasi isang beses mo lang sinuyo tapos para ka pang ewan nun kuya. (lumapit ng kaunti si Bikoy kay Rome at bumulong, para hindi marinig ng asawa). Ang mga babae dapat sinusuyo yan ng buong paglalambing,” bulong niya sa nakakatandang kapatid. “ilang pag suyo ba ang kailangang gawin? Ei hindi nga ako sanay. Dapat siya ang unang sumuyo sakin dahil mas ahead ang lalaki sa babae. Sa creation, unang ginawa si Adan kaysa kay Eva kaya dapat ako ang master.” “ewan ko sayo kuya. MINSAN TALAGA! Kunsabagay hindi ko rin masisi si Loraine kahit ako man din napipikon din sayo paminsan, bahala na nga kayo. Ayyy siya nga po pala kuya kumusta si Vincent? hindi man lang talaga siya naka attend ng kasal ko kahit matagal ko na siyang binigyan ng invitation.” “pagpasensyahan mo na, pero nag-iwan yun ng message sa akin. Pinapasabi niya na best wishes daw sa inyo, yung gift daw niya tsaka nalang pag uwi niya.” “talagang nagsisipag siya ha” “haha ou sipag talaga nun, masipag magtanggal ng mga tao. Nakailang palit na ng sekretarya at empleyado. Ang balita ko, Minsan lang pumasok sa trabaho at kapag pumasok daw hindi na magkanda-undagaga ang mga empleyado doon.” “wala parin talaga siyang pagbabago. Hilig parin manakot ng tao” Kaunting paguusap pa ng magkapatid ay bumalik na ulit sa pagbati ng ibang bisita ang bagong kasal. Narinig ni Charmaine ang pag-uusap ng magkapatid tungkol sa kakambal ni Victor. Medyo na ku-curious siya sa kung ano ang ugali nito, dahil parang ibang iba ang ugali ni Vincent kay Rome at Victor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD