Kabanata 5

1149 Words
“Bilisan niyo jan mga beshy, maya maya nandito na siya…” excited na utos ni Charmaine sa mga kaibigan niya na tumutulong sa kanyang mag prepare ng mga kakainin nila mamaya. Gusto niya kasing magluto para kay Victor at ipatikim ang kanyang mga special dish and desert, hilig din kasi niya ang pagluluto. “Heto na heto na! O ayan tapos na ako” sabi ni Mikie. “Malapit na ako.” Sabi ni trixie. Maya maya pa ay may nagdoorbell na sa labas ng kanyang apartment. “Siya na yun, Beshy bilisan mo.” Pagpapamadali ni Charmaine kay Trixie. “Ou ito na tapos na nga ei,.. teka ayusin muna natin yung hair mo. At saka magpabango ka, amoy ka kare kare.” Sabi ni Trixie habang inaayos niya ang hawi ng buhok ng kaibigan “O ano maganda na ba ako?” Tanong ni Maine na parang kinakabahan. “relax lang day,! Ano ka ba. Ou maganda ka na. Open mo na yung pinto baka magka-varicus yung jowa mo.” sabi ni Mikie na tawang tawa sa reaksyon ng kaibigan. Maya maya pa ay pinagbuksan na ni Maine ang taong nasa labas matapos tumingin sa peephole. “Hi, good evening.” Bati ng lalaki na nasa labas ng pinto, seryoso man at hindi nakangiti pero ang aliwalas ng mukha nito. “h-hello, Good Evening too..” nakangiti pero parang nahihiyang tugon ni Maine sa lalaki. “my Gift for you.” Inabot ng lalaki sa babae ang hawak niyang napakagandang bouquet at chocolates. “Oh t- thank you. Pasok ka,. Para makita mo ulit sina Trixie at Mikie,” pag aaya ni Maine kay Victor. Agad din namang sinang ayunan ito ni Victor at pumasok, habang kinuha ni Maine ang tsinelas na Gagamitin ni Victor, ay nakatulala naman ang dalawang dalaga na nasa sala sa lalaking nakatayo banda sa pintuan. Hindi sila nakapagsalita at pinagmamasdan lang ang pagtatanggal ng lalaki sa kanyang sapatos at pagsuot ng tsinelas, hindi lang ang mga kaibigan ni Maine ang nagmamasid sa mga kilos ng gwapong lalaki, kahit maging siya. Nang matapos ang lalaki sa kanyang ginagawa, ay napatingin siya sa harap at nakita niya ang dalawang dalaga na bestfriend ni Charmaine sa sala na nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumikilos, at sabay tumingin siya kay Maine na tulala rin sa kanya. Bigla siyang napangiti ng malaki,. Yung ngiting iyon! nakita iyon ng dalawang babae na nasa sala kaya bigla silang nagkatinginan. - Yung tipong naiisip mo ba ang naiisip ko B1? -Pwede bang mahimatay B2? Hindi nila mapakitang kinikilig sila sa lalaking kay ganda ngumiti!. Pero napansin nila si Maine na hindi kumikilos at nakatingin lang sa kanyang nobyo na animoy nawala sa sarili. “hoy Maine! Umayos ka!” binato ng tsinelas ni Mikie si Maine at tinamaan bandang paa, hindi malakas ang pagkakabato ni Mikie pero ayos na yun para magising ang kaibigan.. “ah ahh, Bikoy yung mga kaibigan ko sina Mikie at Trixie” pagpapakilala ni Maine sa mga kaibigan na hindi makatingin dahil sa kunting pagkapahiya sa nangyari. “Hello Bikoy! Do you still remember us?” tanong ni Trixie. “syempre Kayo ang bestfriend ng baby ko, kaya hindi ko kayo nalilimutan.” Sabay ngiti ni Victor. “Grabe, totoo pala yung chika samin nito ni Beshy, para kang naging ibang tao.” Sabi ni Mikie kay Victor, ngumiti lang ang lalaki. “Ahh merun kaming hinanda. Tara kain na tayo. Ipagpatuloy natin ang kwentuhan habang kumakain”.. aya ni Charmaine, kaya sabay sabay na silang pumunta sa dining table, kung saan naka abang ang masasarap na pagkain. Pinagsaluhan nila ito habang sila ay nagkukuwentuhan, parang ini-interrogate nina Trixie at Mikie si Bikoy, kung makatanong naman kasi, wagas. Kaya dahil sa mga tanong nila hindi sila nauubusan ng topics na pwedeng pag usapan. - Charmaine’s POV Magdidilim na ng makaalis si Bikoy, nandito parin ang mga friends ko sa bahay at tinutulungan akong magligpit ng mga pinagkainan at ibang kalat. “Bet na bet ko si Bikoy para sayo day! Biro mo may mga ganyang klase pa pala ng lalaki? Yung tipong gentleman pero Badboy.” Sabi ni trixie. “ou pansin ko rin Beshy , may pagka gentleman siya na may pagka bad boy. Yung klase kasi ng mga tinginan niya parang mangangain ng buhay pero yun pala ganun lang talaga siya, mabait talaga siya. Sabagay kahit noon naman mabait na talaga si Bikoy” pag sang ayon ni Mikie. Natutuwa naman ako kasi good ang impression ng mga bestfriend ko kay Bikoy. “pero ang gwapo ni Bikoy sa Personal! Kala ko charot lang ni Maine, tapos yung mga pics niya edit lang. Pero hindi pala! mas hot pa pala siya sa personal. Swerte mo Beshy!” sabi ni Trixie na kinikilig kilig pa. “ syempre noh, hindi ko na siya papakawalan pa! Lalo na nasa edad na kami. Handa na kong ipaglaban siya” “Kung makapaglaban ka naman. Mabait kaya ang Daddy mo kaya maiintindihan niya kayo ni Bikoy. Ano? feeling mo bida ka sa teleserye na tinutulan ng magulang mo na maging kayo ng jowa mo? Malalaman natin yan ngayon, pag hinarap niyo na ni Bikoy yung parents niyo” sabi ni Mikie sakin. “kung tututol sina tito kay Bikoy, hindi ko na talaga sila maiintindihan..” sabi ni Trixie. Nagpatuloy ang usapan namin at napagpasyahan namin na dito na rin matulog ang mga kaibigan ko. Kaya naman madaling araw na ng kami ay makatulog, dahil sa dami naming kwento tungkol sa mga impressions namin kay Bikoy. - Araw ng pakikipag usap namin sa aming mga magulang, talagang nag travel pa kami ngayon dito sa amerika kung saan nakatira ang aking mga magulang. Kasama namin sina Tita Happy at Tito Lucas kasi mamanhikan sila Bikoy sa amin. Nakakatuwa talaga si Bikoy, effort kung effort at ang maganda niyan ay supportive talaga sina Tita Happy at Tito Lucas, sobrang saya nila ng malaman na nagkasama kami ulit ni Bikoy at magpasyang magpakasal. Kaya sa tuwa nila agad agad nagpasyang pumunta na sa State para makapamanhikan. Sa harap din ng mga magulang namin mismo ay nag propose sa akin si Bikoy at syempre walang pa ligoy ligoy Yes agad ang sagot ko. Nakausap namin sina Dad at wala siyang tutol. Sinabi din niya sa akin na gusto niya si Bikoy para sa akin kahit naman noon pa kasi napakabuting lalaki daw madiskarte at masasabi niyang matalino. Kaso nagiging tutol lang siya dahil mga bata pa nga daw kami at naiintindihan naman daw yun ni Bikoy. Pero ngayong nasa tamang edad na kami ay wala na siyang tutol dahil kami na ang mag dedesisyon, kung saan daw ako masaya ay doon din siya basta walang masasaktan at natatapakang ibang tao. Kaya naman ng makapag usap ang dalawang panig ay napagdesisyunan na kung kailan at saan gaganapin ang kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD