Kabanata 4

1454 Words
Charmaine’s POV “grabe girl!!! Ano ba !!! Ang tagal mo magkwento? Pa suspense? Kala mo talaga!” “ Ou nga! Parang bulating inaasinan lang ang puwet, hindi ma express yung feeling ganun?!” Inip na inip na sabi sakin ng aking dalawang beshy dahil sa pag-aantay ng kwento na nagyari sakin kahapon noong pinapagawa nila ang task ko. Excited na sila sa kwento ko dahil nakikita nila ngayon ang joyful kung mukha at awra. Kagabi kasi hindi ako umuwi, tawag sila ng tawag sakin kung ano na daw nangyari sakin. Gabi na daw hindi pa ako umuuwi, ang lagi ko lang sinasabi ikukuwento ko nalang pag-uwi ko tapos bababaan ko na agad kasi naman ang sarap padin kakuwentuhan ni Bikoy hanggang ngayon. YEP! Bati na kami! Ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanya, isa daw siyang designer ng mga damit merun na din daw siyang sariling kompanya ka share daw niya ang mama niyang si Tita Happy at sa tulong narin ni tito Lucas. maliban pa doon ay may mga sarili siyang salon. Marami narin itong branches. noong sinabi niya sakin ang pangalan ng company niya, aY WoW! Sa kanya pala ang BTB company. Isa itong sikat na tatak ng mga magagandang brand na damit at mga kagamitang pampaganda like make ups, sabon, pabango etch. Ganun kalago ang negosyo niya, kilalang kilala mapa lokal or international. BTB din ang name ng salon niya or 'Bridge to Beauty' at hindi lang basta salon lang yun, talaga namang sobrang class ng salon na iyon at napakagandang service, sulit talaga. Pero bakit ang dami kong hindi alam. Kamag anak ko sina tito Lucas pero hindi ko alam na kay tita Happy pala ang BTB . Halos mga gamit ko BTB, nakakainis talaga ako! Si Bikoy daw ang namamahala ng lahat ng negosyo kasi ayaw daw niya na ma stress ang mama niya dahil inaalagaan ni Tita Happy ang mga anak niya kay Tito Lucas, tatlo ang anak nila, dalawang lalaki at isang babae. Kunsabagay, carry lang yun ni Bikoy. Alam ko naman kasi noon palang, yun ang talent niya, gumawa ng mga bagay na pampaganda. Dati siyang Bakla pero naging lalaki noong makita daw niya ako, na love at first sight daw siya sakin noon, kwento niya sakin noong medyo mga bata pa kami. Alam ko noon na bading siya pero tanggap ko siya kaya naging kami noon at saka ang saya talaga niya kasama, kahit pinipilit niyang maging lalaki na ang kilos niya, minsan sumasablay parin, kaya tuwang tuwa talaga ako sa kanya. Pero ngayong nakasama ko siya ulit at nakapag-usap kami, ang dami niyang pinagbago. Nasabi rin niya sa akin na kaya hindi niya ako kinokontak sa ibang bansa dahil sa pakiusap ng mga magulang namin. Ginagalang daw niya ang Daddy ko dahil magiging Daddy din naman daw niya ang ama ko, pero nag promise daw siya sa kanyang sarili na pag dating daw ng tamang edad niya at nakapag ipon siya ay pupuntahan daw niya ako. Excited pa naman daw siyang puntahan ako pero ganun lang daw ang makikita niya kaya umuwi siya ng pilipinas. Pero hindi daw talaga niya matiis na hindi ako makita ulit kaya bumalik pa ulit siya at sa pangalawa at pangatlong balik niya sa state ay nasaktan ko lang siya. Nasaktan ako para kay Bikoy. Kung alam ko lang talaga na siya yun! Aiiisst. Nakita ko rin sa mukha niya na nasaktan siya ng hindi ko siya mamukhaan. Pero nang makapagusap kami ay agad naman kaming nagkaintindihan ulit. Masaya parin siyang kausap pero wala na sa kilos niya ang pagiging feminine, may pagka serious at medyo strict siya. At yung kilos Poging pogi! Hindi ko ma explain? Basta lalaking lalaki, Oppa! Ganern! Kaya naman ako, isang araw lang na fall agad agad. Ewan ko ba, hindi ko maalis ang mga ngiti ko. “ede pumayag ka magpakasal kayo?” tanong ni Mikie, nang maikuwento ko lahat ng pangyayari simula ng magkita kami ni Bikoy hanggang sa ihatid niya ako pauwi, Wala akong pinalampas na detalye. Kita ko ang pagka amaze ng mga mukha nila sa kuwento ko. “ano pa ba sa tingin niyo?” pangiti ngiti kong sabi sa kanila. “ano nga! Parang tanga to! Ano pumayag ka ba?”. Sabi ulit ni Mikie “Syempre naman OU!!!!” tumili ako at kinikilig kong sagot. “hala Grabe siya!” kinikilig din na naghahampasan ang dalawa kong kaibigan. “hala! Para talaga kayo ni Bikoy sa isa't-isa no?. Tingin ko lang talaga, biro mo yun, sabi mo ayaw mo na mahalin ka base sa itsura tapos nagpapangit ka pero nakilala ka parin niya. At saka hindi ka talaga niya kinalimutan.. ayyyyiiiiiiii” kinikilig na sabi ni trixie at kinilig din kami. “Hindi pa namin ulit nakikita si Bikoy. Base sa kuwento mo talagang gwapo talaga! Nakaka excite naman makita ulit si Bikoy,” sabi ni Mikie. “siguraduhin mo lang na pogi talaga . Baka madismaya kami! Yun pala yung kwento mo pang charot lang!” sabi ni Trixie “Hindi no! Totoo nga ang Gwapo talaga! Artistahin. Naku naman wala akong picture. Ah! Stalk natin account niya” Inalis ko ang pagkakablock sa account niya opps naka private hindi namin makita yung mga picture. Kasi yung profile pic niya nakatalikod na lalaki na nakahood at sa tingin ko siya din naman yun. kaya nag send ako ng friend request. Nagkuwentuhan muna kami kasi hindi naman namin alam kung kailan iaaccept pero Wala pang isang oras tumunog ang notification ko, inaccept niya. Ibig sabihin hindi siya nagbago ng account. Tinawag ko ang mga friends ko tapos sabay sabay namin tinignan mga pics niya sa albums. OLALA! Sabay sabay lang naman kaming kinilig ng makita namin ang hotties pictures niya. Nagtitilian kami kada ini slide ko ang mga pics.. “Grabe, yan na talaga si Bikoy? Hmmm gwapo naman talaga siya noon kaso mas slim at mas sexy pa siya kaysa satin. naaalala niyo pa ba noong una natin siyang nakita sa mall kasama yung mga friends din niya? nakakatuwa talaga siya nun, naka short Shorts tapos naka ribbon pa yong hair niya, Pero ngayon puro abs na at Ang yummy pa!” Sabi ni trixie ng makita namin ang picture ni Bikoy na parang nagpapictorial sa side ng swimming pool, nakahubad ang pang itaas at basang basa ang fit pero maskuladong katawan. “Kaya nga sabi sa inyo! Masisisi niyo ba ako kung bakit hindi ko siya namukhaan?” “Ou nga kahit ako beshy, Kahit siguro magkasalubong kami hindi ko rin makikilala.” Pag sang ayon ni Mikie. “swerte mo Beshy, ayan na yung gusto mo. Gwapo, mayaman, madiskarte sa buhay at hindi ka minahal dahil sa ganda lang mukhang inlove na inlove talaga sayo day! Ipakilala mo siya samin para mahatulan na yan kung K-rapat dapat sayo o hindi!” sabi ni Trixie “ou nga dapat pinakausap mo muna samin si Bikoy nang maijudge din namin hindi yung omuo ka kaagad na magpakasal! Nakakaloka ka! landi! haha” sabi ni Mikie “Wag kayo mag alala. Bibisita siya dito bukas ng Gabi, sasabihin ko sakanya na gusto niyo siyang makita ulit. Tiyak ako matutuwa rin yun na makita ulit kayo” “ok sabi mo ei. Pupunta kami dito bukas”. Sabi ni Mikie. “Pero wait, diba may kakambal siya. So ibig sabihin kung ganyan ka hottie si papa Victor. Ganun din yung kambal?” sabi ni Trixie. “malay ba namin. Baka? Ei magkamukha talaga sila. Naalala niyo pa yung kasal nina tito Lucas at tita Happy Grabe ang attitude nun. Sinuntok pa niya si Bikoy sa araw ng kasal ng mama nila.” Pag Alala ko. “ Ou tapos ang sungit pa! Naalala ko nung nilapitan ko siya para makipagkaibigan, tinignan lang ako ng masama. Tapos umalis, parang may regla.” Pag alaala din ni Trixie. “aanuhin mo naman ang gwapo kung masama ang ugali.” Sabi ni Mikie. “Si Kuya Rome kaya? Mas lalo kayang pumogi?” sabi ni Trixie na ngiting-ngiti. “Ikaw ha, puro ka pogi! Pero siguro? Kasi si tita Loraine parang hindi parin nakaka get over sa kanya. Bata pa si kuya Rome kung tutuusin pero tignan mo Doctor na siya tapos may mataas na posisyon sa hospital na pinagtatrabahuan” “wala pa yung asawa diba? Sana magkabalikan sila ni tita Loraine” sabi ni Mikie. “ewan lang! War war silang dalawa ngayon” sabi ko.. Patuloy parin ang kwentuhan namin ng aking mga beshy. Inalala din namin ang mga nakaraan, pero sa ngayon hindi ako nakatingin sa past. Kasi masyado akong na eexcite sa aking future lalo na ng magkita ulit kami ng aking first love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD