Charmaine’s POV
“Ang tagal mo, kanina pa kita hinahantay”… sabi ng lalaking sumusunod sakin.
Paanong nandito ka ? Paano nangyari yun?
Gusto kong sambitin pero hindi ako makapagsalita. Ang mga mata niya.. galit? Galit? Bakit ganyan siya makatingin? Nakabalik ako sa ulirat.
“teka nga! Talagang sinusundan mo ko ha! Bakit mo ko sinusundan? Sino ka ba?” galit kong tanong sa kanya! Naglaho na ang kilig ko kanina.
"Bweset to! Ano bang problema niya!"
sa isip isip ko dahil napupuno ako ngayon ng inis.
“Ouch!” arte niya na parang nasasaktan at hinawakan pa ang kanyang dibdib.
Lumapit siya sakin at ako naman ay napapa atras. Nakatitig siya sakin at para bang nahihipnutismo ako sa mga tinging iyon kaya ngayo’y hindi na ako makagalaw. Biglang tinanggal ng lalaki ang aking wig dahil doon ay nakabawi ulit ako.
“teka! Anong ginagawa mo?” galit na pagpipigil ko sa kanya pero bigla niyang iniwas ang wig ko para hindi ko makuha at muli ko nanaman siyang tinignan ng masama, nakita ko rin ang kanyang mga mata na lalo pang sumingkit.
“Anong nasa isip mo? Bakit ka nag di- disguise?” sunod naman niyang tinanggal ang salamin ko.
Grabe sobrang lapit ng mukha niya sakin ngayon. Ang bango niya,. Pero teka paano niya nalamang nagdidisguise ako?
“Kilala mo ba ko ha?!” Tanong ko sa kanya dahil sa puno na ako ng pagtataka.
“kilalang kilala…” nagulat ako ng hilahin niya ako malapit sa drinking fountain, kinuha niya ang kanyang panyo at binasa ng tubig, hinarap niya ako at pinunas ang basang panyo sa aking mukha. Alam ko ang ginagawa niya pero hindi ko magawang humindi, ang sarap niyang tignan. Maya maya pa ay tumigil na siya sa kanyang ginagawa.
“ngayon, maganda ka na ulit. Charmaine” sabi ng lalaki matapos tanggalin ang makapal kung eyebrow at makapal kong blush on pati narin ang makapal na pulang lipstick na nakapatong sa aking labi.
“S-s-sino ka ba?bakit mo ako kilala?”
“talagang kinalimutan mo ko no? Baby ko..” masamang tingin pero nakaka akit ang ipinukol niya sakin.
Dug-dug dug-dug dug dug dug
Pa bilis ng pa bilis ang t***k ng puso ko ng maalala kung sino ang lalaking nasa harap ko. Bakit hindi ko siya nakilala agad? Ang laki ng pinagbago niya. Sobrang laki…
“B-Bikoy?” sambit ko habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Hala grabe naman ang glow up nitong lalaking to. To the point na hindi ko man lang siya namukhaan.
“long time no see baby. Natatandaan mo na ngayon ang mukha ng lalaking binigo mo?” ngisi nito.
“S-sorry Bikoy, hindi talaga kita namukhaan kasi ang laki ng pinagbago mo.”
“ganun mo nga siguro ako kinalimutan kaya hindi mo natandaan kahit isang detalye ng mukha ko”. Seryoso niyang sabi.
“Bikoy, —”
“Tama! ngayong bumalik ka na. Hindi na kita pakakawalan pa.” nagulat ako ng bigla niya akong hinila.
“Bikoy saan mo ako dadalhin?” hindi niya ako sinagot. Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa aking palapulsuhan at hila hila niya ang aking mga kamay na sinusundan ng aking katawan. Agad agad tumawag ng taxi si Bikoy at nang maiparada ng driver ang sasakyan ay binuksan ni bikoy ang pintuan at agad akong hinila at tinulak papasok sa kotse, sumakay rin siya At nagbigay ng address sa mamang driver.
Hindi niya ako kinikibo. Kaya nanatiling tahimik lang ako. Alam ko naman noon pa na may pag ka agrisibo at possessive si Bikoy pero hindi siya nanakit. Hindi ko lang akalain na ganito parin siya hanggang ngayon. hinayaan ko nalang kahit saan niya ako dalhin, sa totoo lang nung nalaman ko na siya si Bikoy at hindi lang basta ibang tao, nawala ang takot ko pero nandito parin ang kaba... Kaba ng muli siyang makita, masaya ako na hindi ng magkita muli kami .. masaya na hindi dahil sa nakikita ko sa kanyang ekpresyon ngayon na parang sa mukha niya sobrang sama ng loob niya sakin, teka? Bakit siya pa ang may ganang sumama ang loob ? Diba dapat ako?
Pumarada ang aming sinasakyan sa harap ng isang malaking gate.
Bumaba kami sa sasakyan na hawak hawak parin niya ang mga kamay ko. Agad na may lalaking nagbukas ng gate, nalaman ko rin kalaunan na katiwala iyon ni Bikoy, binati niya si Bikoy, tumango lang siya at nag dire diretso lang na naglakad at nanatiling seryoso habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Sa malayo palang namasdan ko na ang ganda ng bahay. Malaki ito, na ang design ay parang pang probinsiyang bahay. Mukha ng inukit na mga kahoy na gawa sa siminto ang disinyo ng labas kaya parang kubo na mansyon ang itsura. Kaya nababagay ito sa malawak na paligid at maraming puno. Ipinasok niya ako sa loob ng bahay. Malawak, at napakalinis. mas malaki ang bahay namin pero kung sa mga disinyo ng loob ng bahay nakakarefresh… mukhang class resort hotel ang theme ng loob ng bahay at may tumba tumba pa na upuan. Naalis ang aking pagmamasid sa ganda ng bahay ng bigla niya akong itulak sa malaki at malambot na sofa na ang disenyo ng cover ay troso ng kawayan, Napahiga ako hindi ko naalis sa aking mukha ang gulat sa ginawa niya, tatayo na sana ako, nang bigla niya akong dinaganan, kaya mas lalong hindi naalis sa akin ang gulat at nadagdagan pa ng kaba. Magkatapat ang aming mga mukha ngayon. Nagulat ako sa ginawa niya at nagalit.
“Bikoy! Anong ginagawa mo!”
“gusto ko lang pagmasdan ang mukha mo ng ganto kalapit” sagot niya sakin , pero ang tono niya ay para talagang galit ei.
“teka nga , bakit ganyan ang pagsasalita mo? Galit ka ba?”
“Ou galit ako na masaya. Alam mo ba kung bakit? kasi nasa harapan kita. Gusto kong maging asawa ka. Pupuntahan natin ang Daddy mo. At papakasalan mo ako sa madaling panahon.”
Pagkasabi niya ay umalis siya sa pagkakadagan sa akin at umupo ng maayos na medyo malayo sa akin, kaya naman sa gulat ay napatayo ako habang titig na titig sa kanya.
“What?! Nagpapabigla bigla ka. Kakakita palang natin. At saka ang nakaraan natin ay parang puppy love lang—”
“Puppy Love? Para sayo kasi puppy love lang yun! Pero hindi para sakin. Kinalimutan mo ko. Pero ako, hindi kailanman. kaya nga kahit mag bagong anyo ka pa. Makikilala at makikilala parin kita. Kasi hindi ako katulad mo”.
“Ano? Hahaha hindi mo ako kinalimutan? Excuse me, ikaw ang hindi na kumontak sakin diba? Nakakalimut ka? Tapos sasabihin mo ngayon na ako ang lumimot sa atin?” pinag ekis ko ang aking dalawang kamay at tinataasan ko siya ng kilay. Seryoso namang tumayo si Bikoy at kumuha ng bote ng wine, Naglagay sa baso ng alak at tinungga. Ngayon naman ay nakaupo na ko sa sofa ulit.
“Pumunta ako sa Amerika para makita ka. At hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa ulit akong bumalik doon. Pero kada pupunta ako doon ay hindi mo ko napapansin, kasi Sobrang busy mo sa mga ka date mo. Kaya kahit nasa tabi niyo na ako at pilit na nagpapapansin sayo, ay hindi mo talaga mapansin. Masyado ka kasing masaya kasama ang ibang lalaki. Tuwing pupunta ako sakto naman na may ka date ka!”
Pumunta siya? Siya ???!!! Ou nga siya! Sabi ko na ei! Kaya pala parang may kahawig siya. Siya rin pala yun.
“Ano?! Pumunta ka? ei bakit hindi ka man lang lumapit sakin tapos nagpakilala?”
Ngumisi siya na alam kong ang ngisi na yun ay galit
“lumapit ako sayo? Malapit na nga ko sayo diba. Halos nagtatabi na nga lang tayo ei. Ei ni hindi mo nga ko namukhaan. Tuwang tuwa ka pa masyado sa mga kasama mong mga lalaki. Yung makita kong ngiting-ngiti ka sa iba. Sinasakal ako! Naiintindihan mo ba? May Naalala ka bang nagising ka nalang sa isang hotel room matapos mong malasing at hindi mo matandaan?”
Napaisip ako, ou naaalala ko. Yun yung time na kasama ko ang mga former classmate ko noong college at nag disco kami sa isang kilalang bar sa U.S. talagang nalasing ako noon tapos may nakabunggo akong lalaki. Hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki dahil medyo may kadiliman ang bar at hilo narin talaga ako noon. Tapos bigla nalang kinabukasan nagising nalang ako sa isang silid na hindi ko kilala at pagtingin ko sa katawan ko ay nakahubot hubad ako. At may nag-iwan ng sulat. Nakalagay sa note na. 'thank you for the wonderful night' grabe ang takot ko noon dahil iniisip ko kung na virginan ba ko ng hindi ko kilalang tao. Kahit bago ngayong naguusap kami ni Bikoy. hindi ko alam kong may nangyari samin ng taong hindi ko kilala.
“i-ikaw yung taong nagdala sakin sa hotel at naghubad sakin?”
“Yes! Baby, ako nga. So, what does you feel after you saw your body naked?”
“Bakit mo ginawa yun Bikoy? Ang sama mo! Hindi mo ba alam na grabe ang takot ko noon! At saka nakita mo ang katawan ko ang Sama mo!”
“para maparanoid ka! Hindi mo man lang kayang protektahan ang sarili mo? Tapos ang lakas ng loob mong mag wal wal! At makipagharutan sa ibang lalaki. At ang nakakainis pa nun. Nagbanggit ka pa ng pangalan ng ibang lalaki!”
“may nang- may nangyari satin nun?”
Tinignan lang ako ni Bikoy ng masama. Hindi siya sumagot. Napabuntong hininga nalang ako,.
“ok ok Mali ang iniisip mo Bikoy, wala akong naging boyfriend after you! Nakikipagdate lang ako, pero hindi nagiging kami. Ask my friends! they tell you the truth.”
“You said that they are your friends. Natural na pwede silang hindi magsabi ng totoo. Pero wala na kong pake pa roon. Ngayong nagkita na tayo, nakilala mo na ulit ako. Hindi kana pwede pang tumanggap ng manliligaw. Pupunta tayo sa parents mo. Kay mama at tito Lucas. Papakasalan mo ako. just prepared yourself”
Napatawa nalang ako sa pagkabigla. Wala akong masabi sa taong to. Noong mga bata pa kami, lagi niyang sinasabi na ako daw ang papakasalan niya, tuwang tuwa naman ako noon pero syempre dahil sa mga bata lang kami noon kaya kung ano ano ang iniisip pero ngayon hindi ko alam kong anong pwede kong ilabas na salita sa aking bibig. Halo halo na ang pakiramdam ko. Kinakabahan na naeexcite na kinikilig na natutuwa na naaasar na naiinis Aaaahhhh!!! Alam mo yun? I can't express my feeling, aside sa mapatingin nalang sa lalaki na nakaupo sa maliit na sofa habang sinisimsim niya ang baso na may lamang alak habang naka dikuwatro. Hindi ko alam kung anong iniisip nito ngayon ei. Pero bakit parang ang swerte ko? Ayyy sarap sabunutan ng sarili ko! Bakit ba ang pogi talaga niya kasi eeee… Haaaissst Bikoy ENE BE!!!!