Charmaine's POV
“Ang kati naman nitong make up ko” sa isip isip ko. Nandito kasi ako ngayon sakay ng LRT , hindi naman siksikan pero naiirita ako sa itsura kong namamawis kahit naka aircon naman sa loob ng train. Namamawis ako dahil sa itsura kong puno ng makeup at naka wig kong ulo kasama na ng pagkalaki laking salamin na nakalagay ngayon sa aking mga mata. Ginawa lang naman akong Betty Ugly ng mga Friends ko.
Flashback
“its time na Beshy Maine para magkaroon ka na ng jowa ulit. Alam mo yun para naman ma enjoy mo na pagiging dalaga. Kasi ilang taon ka na ohh wala ka pang love love. Bigyan mo naman ng time ang self mo girl” sabi sakin ni Trixie habang patuloy na nakikialam ng mga make up ko sa drawer.
“ou nga Beshy, bakit hindi mo bigyan ng chance ang mga nanliligaw sayo?” pagsang-ayon naman ni Mikie habang nag ni-nail polish sa paa.
“Ayy naku, kung makapagsalita naman kayo, lalo ka na Trixie wala ka namang jowa, at ikaw naman Mikie maghihiwalay din kayo niyan. At saka yang mga nanliligaw sakin alam ko ang habol ng mga yun. Hindi sa nagmamayabang,. Dahil lang sa maganda ako at may kaya sa buhay kaya sila lapit ng lapit.” Sabi ko habang inaayos ang laman ng mga bags ko.
“eey gurl, atleast hindi ako natitingga!” pagmamalaki pa sakin ni Trixie.
“yung mga lumalapit sayo, mayayaman din naman. Ayaw pa mo ?” sagot ni Mikie
“A-YAW!” with matching irap ko
“ang gusto ko, yung hindi ako minahal dahil sa ganda o pera. Gusto ko yung lalaking hindi tumitingin sa panlabas na anyo”
Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan noong sinabi ko yun…
End of flashback
O siguro naman nahuhulaan niyo na kung bakit ganto ang outfit ko ngayon? Napagkaisahan nila akong dalawa. Ang sabi nila sakin ay gagawin daw nilang dalawa ang tig isang hiling ko sa kanila wag lang sobrang hirap, basta mag suot daw ako nito sa publikong lugar gaya nga ng train. At ito na ang araw na yun, sila ang nag ayos sakin, malay ko lang daw may magkagusto sa akin ng ganito ang itsura. Yun na daw ang hinahantay kong pag-ibig. Bakit ba naman kasi nauto ako ng dalawang yun?
-Uuiii, hehe aba may mga pogi din akong nakikita. Syempre no? Tatarget ka nalang hindi pa pogi. Kahit chaka ang itsura ko dapat may magkagusto saking Prince.
-Ang harot naman nitong babaeng to kung maka embrace naman sa jowa niya as if naman tatakbo.
-Hala ka! Si kuya dapat hindi nalang nag earphone. Rinig na rinig ko yung tugtog. Sobrang lakas ng volume. buti hindi to nabiBingi.
-Ay bongga! yung dalawang pogi na nakita ko kanina. Magka holding hands na sila. HAHA!
Ilan lang naman yan sa mga tumatakbo sa utak ko habang minamasdan ang mga kasakay ko. Malapit na kami sa susunod na station at Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng train ang ilan ay lumabas at may mga nagsi pasok. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang.... OMG! Oppa!!! Grabe ang hottie !!! alam ko ang salitang Oppa ng Korea kahit laki ako sa Amerika, hilig ko manood ng k-drama natuto akong manood nun dahil sa yumao kong mamo Beng.
Sayang! kung nandito lang ang mga beshy ko, Sabay sabay kaming kikiligin. Nakatayo sa bandang giliran ko ang lalaki at nakaharap bandang pintuan ng train, nakatingin siya sa kanyang cellphone kaya kinukuha ko ang timing na yun para tignan siya. Nakaupo man ako pero alam kong Matangkad ito. Naka Polo ito ng kulay puti at taas taas ang buhok bagay sa baby face pero may pag ka masculine nitong mukha, makapal ang kilay na nababagay sa may pagka chinito nitong mata na nababagay din sa pointed nose nito. Ahhhhh grabe para akong nakakita ng korean actor. Pa autograph KYA!!!
Teka wait! Parang may hawig siya hindi ko lang maalala.. hmmm artista kaya? Sino? Ay hindi may kahawig siya noong nasa amerika ako ei.. ayy hayaan mo na nga. Pero SAYANG! Hindi niya ako mapapansin sa itsura ko ngayon! Bakit naman kasi nagpabuyo ako sa mga bruhang yun. Ahhh hindi na bale, tatry kong kunin ang atensyon niya. Kahit hindi niya ako magustuhan basta makapagpapansin lang hehehe.
“Ahh kuya,” pagtawag ko sa atensyon niya na animoy nag papa cute at agad naman siyang tumingin sa akin. Halos malaglag ang puso ko sa pagtingin niyang iyon pero ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.
“ahh baka gusto mo maupo may vacant dito sa tabi ko”.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 So on!!!
Hindi lang sampung sigundong nagkatitigan kami baka bente ng sigundo? Hindi man lang siya nagsalita pero nakatitig siya sakin. Grabe ano bang klaseng pag tingin niyan?? Teka ?? Hindi ako makahinga pero hindi ko din maalis ang mga tingin ko sa kanya nakipagtitigan din ako. Para kasing may kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga mata, Kahit may pagka singkit at cute parang mangangain ei. Kumurap ako ng marealize ko ang mga nangyayare.
“ayaw mo ba maupo?” pero hindi padin siya kumibo at nakatingin parin ng matalim sakin.
Ano ba yan bakit ganyan naman makatingin to? Galit ba siya or what? Hay naku bahala nga siya jan. Ayuko na sa kanya!.
Iyinuko ko ang aking ulo at hindi na tumingin sa kanya pero Kahit inalis ko na ang tingin ko sa kanya, alam ko, ramdam ko nakatingin parin siya. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto. Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa Sta.Mesa, dito nalang ako bababa. Dapat kasi sa Recto ako bababa tapos babalik din agad sa Cubao, parang nag joy ride lang, gagawin ko lang talaga tong task na ito. Pero dahil sa naiilang ako sa lalaking nakasakay ko. Wag nalang! Ayuko na.
Tumayo na ako at naglakad palabas. Maya maya ay huminto ako at lumingon para tignan ang papaalis na train. Pero nakita ko sa likod ko yung lalaki kanina sa train may ilang distansya lang ang layo niya sakin. Muli, nagkatitigan kami.
Dito din pala ang baba niya? Pero bakit nakatitig parin siya sakin….
Nang may biglang masama akong naisip..
Hindi kaya…? Baka dalikadong tao to..
Agad agad ay naglakad ako paalis. Ramdam ko, nasa likod ko siya alam ko kahit hindi ako tumingin, sumusunod siya sakin. Binilisan ko ang paglakad, nilingon ko ulit siya at totoo nga sinusundan niya nga talaga ako. Sinubukan kong bagalan ang paglalakad, lumingon ako pagkatapos at nakita ko na kung ano ang bagal ng lakad ko ganun din ang ginagawa niya. Pag binibilisan ko ang lakad ko ganun din ang ginagawa niya.
Teka? Iba na to ahhh? Anong nagyayari? Noong maganda ako wala man lang akong naging stalker puro ligaw lang. Ngayong nagpapanget ako, nagka Stalker?
Wait wait !!! Kinakabahan ako! Kahit na ba gwapo yan. Hindi pa naman ako nag aadik na ipagsigawang- 'SINUSUNDAN mo ko? Gusto mo ko?!SIGE! IYONG IYO NA AKO!’ tapos yun pala chachopchopin na niya ako at ilalagay sa refregerator pang araw araw na ulam niya.
OH M G! Natatakot ako!! At dahil sa nararamdaman kong ito pang out of this world na ang mga pumapasok sa utak ko ngayon. Agad agad akong pumasok sa isang mall na malapit sa station ng Train. Nasa likod ko parin siya, kaya nagsumbong ako sa mga guwardiya na nagbabantay sa pintuan ng mall.
“Kuya, tulungan niyo ako sinusundan ako ng taong yan!” agad kong itinuro yung stalker sa guwardiya na pinagsumbungan ko. Walang naging ekpresyon ang lalaking sumusunod sakin. Kung paano ang tingin niya noong nasa train, sa pagsunod ganoon din sa harap ng mga gwardiya.
“sir, bakit niyo po sinusundan si mam?” agad na tanong ng mga guwardiya sa lalaki.
Ngumiti ito na parang nang aasar. Ahhh bakit ganun kahit nang aasar yung ngiti niyang yun parang gusto ko matunaw. Ang Gwapo talaga. “Hindi ko po siya sinusundan” sagot nito.
Hala! Kahit yung boses parang heartthrob Sa anime.
“ayy you’re a lier. Kanina ka pa sumusunod kuya.” Mahinahon kong Pagmamatapang sakanya.
“Sa tingin mo ba miss, ka stalk stalk ka?” sagot nito. Nagkatinginan kami ng mga gwardiya.
Ou nga naman? Sa itsura ko ngayon, mukha ba akong ka stalk stalk? Baka naman nag aasume lang ako.. ahhh hindi, sure akong sinusundan talaga ako nito ei.
“ok, kung hindi mo talaga ako sinusundan, hayaan mong dumito ka muna ng ilang saglit. Para makasigurado ako. Kuya bantayan niyo siya, pakawalan niyo siya pag wala na ko sa paningin niyo. Ok?” sinang ayunan ito ng mga guard. Agad naman akong umalis at nawala sa entrance. Binilisan ko ang pagpunta sa likurang entrance/exit. Kahit paano ay nawala na ang kaba ko dahil hindi ko na nakita ang lalaking sumunod pa. Nang makalabas ako at naglalakad, napahinto ako at hula kong lumaki ang mga mata ko, halos maubusan ako ng dugo nang makita ko ang lalaking nakatayo sa aking harap na nakangisi.
“Ang tagal mo, kanina pa kita hinahantay”…