7 months Back then
“BESHHHHY!!!” sabay na tili ng dalawang nag gagandahang dalaga ng makita ang Tao na kanina pa nila hinihintay.
Patakbo silang lumapit sa babae na parang kinikiliti ang mga puwet at tuwang tuwa.
Agad namang nilang sinalubong ng yakap ang babaeng kakababa lang ng eroplano at ngayon nga ay papalapit na sa mga kaibigan.
“Mga Beshhhhy ko !!!! Long time no see in person. Namiss ko talaga kayo!” sobrang siglang bati ni Charmaine sa kanila.
Mangiyak ngiyak sa galak ang mababakas sa kanyang mukha habang sinasabi ang mga salita sa kanyang mga kaibigan at kababata. Nagkalasan ang kanilang mga katawan at tumambad ang kanilang mga mukha ng magkaharapan na puno ng masisiglang ngiti.
“Buti Besh dito ka na mag I stay. At dahil buo na ulit tayo! Bonding ulit tayo to the highest Level!” ika ng kikay na si Trixie. Talagang kahit kailan ay napakataas ng energy niya.
“ayy naku Maine, hindi mo kakayanin yung level ng Energy nitong si Trixie as in Grabe talaga!” sabat ni Mikie, sa magkakaibigan si Mikie ang medyo matured, prangka pero maalalahaning kaibigan. Si Trixie naman ay makulit, madaldal, medyo mahinang nilalang pero napakasayang kasama, hindi ka maboboring pag siya ang kasama.
Si Charmaine naman ay Sweet na tao at mapagmahal. Magkakaiba man sila ng pagkatao at ugali, matitiyak naman ang kanilang pagiging totoo sa isa't-isa. Hindi lang basta magkakaibigan ang turingan nandiyan narin ang pagiging magkapatid. Pare-parehas silang nag-iisang anak kaya wala silang mga kapatid, kaya ang turing nila sa isa't-isa ay para nang tunay na magkakapatid.
“Naku Yan ang gusto ko! Kulitin mo lang ako Beshy Trixie oks na oks lang kasi namiss ko talaga ang kahangalan mo! Hahaha!” pang aasar ni Charmaine.
“Ayy G*go to aaahhh!. Minsan talaga ang sarap mo banatan ei” pamamatol ni Trixie.
Biro lang ito sa kanila at sanay na sila sa ganyang klase ng biruan. Kahit hindi sila nagkikita sa personal ay palagi naman ang tawagan nila at Video call, lagi silang nagkukuwentuhan at nag aasaran, minsan nga ay nagkakapikunan pa, pero ang mapikon talo, kung sino ang mapikon ay gagatungan ng isa at paiiyakin. Pare-parehas silang mababaw ang luha kaya kung sino ang mapagkaisahan ay kawawa. Pero mamaya ay maglalambingan ulit at magbabati na. Kung sino ang laging kawawa ei si Charmaine lang naman. Siya ang mag uumpisang mang asar pero sa huli siya ang mapipikon.
“banatan mo na ako Trixie, willing ako! Ibig kasi sabihin nun nandito ako sa aking Homeland!!!! Ayyyyyyiiiiieee”.
Parang batang excited. Matagal na panahon ang tinira niya sa america. Ilang linggo pagkatapos ng kasal ng Tito Lucas niya ay pinapunta na si Charmaine sa America. Nalaman kasi ng kanyang Daddy na may boyfriend boyfriend siya nang batang edad palang niya . Nubulgar noong 14 years old siya pero kung tutuusin naging sila noong 13 palang siya
"Ala ala ni Charmaine”
Charmaine's POV
“Ang bata bata mo pa lumalandi ka na”
bulyaw lang naman ng aking daddy sa akin. Hindi alam ng pamilya ko na nag jojowa na ako at ganun din ang pamilya ng ex bf ko noon, tanging ang tiyahin kong si Loraine lang na malapit sa edad ko at si kuya Rome na ex bf na rin ngayon ni tita Loraine ang nakaka alam, syempre pati narin ang mga friends ko. Ang tita Loraine ko at kuya Rome ng ex boyfriend ko ay dating nagliligawan at naging mag boyfriend, in the end hindi nagkatuluyan at hindi narin nagkita kasi mas inuna ng lalaki ang Career niya, nag aral ng pagiging doctor at nagtrabaho sa ibang bansa nawalan ng time kay tita Loraine. Kaya ang tiyahin ko ayun nagtampo ng sobra nakipaghiwalay, ngayon ay head at manager na ng isang department sa malaking hospital ang lalaki at si tita Loraine naman ay tumutulong narin sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya.
Kami naman ng Ex Bf ko, kung bakit kami nagkahiwalay, dahil narin siguro sa mga bata pa kami, nawalan narin ng oras at tutol pa ang Daddy. Nung mga unang araw ko sa America ay nagkakatawagan pa kami pero nahuli ako ni Daddy at pinagalitan kaya kinausap niya si tita Happy, nanay ng ex boyfriend ko na napangasawa naman ng tiyuhin ko na si tito Lucas na kapatid ng aking ama. Gulo ba? Hindi kayo maguguluhan kung binasa niyo yung kuwento ni Tita Happy at Tito Lucas hehe Charot! (flex ko lang, When the Billionare meets Happy Girl)
Nagmakaawa si Daddy ko sa mag asawa na kung pwede ay patigilin ang ex bf ko na makipag communicate sakin dahil mga bata pa nga daw kami. Kaya pinagbigyan naman nina tita Happy at kinausap itong ex bf ko. Nalungkot ako noon ng hindi na siya tumawag hanggang sa nasanay na ako At saka matagal na rin yun, siya ang childhood sweetheart at first love ko pero tingin ko ay puppy love lang din sigurong matatawag kaya matagal ng walang feelings. 29 years old na ko ngayon, sa amerika ako nag-aral at nagtrabaho. At ngayon nga ay humahawak narin ng ibang negosyo ng pamilya namin. Iyon din ang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa pinas aside sa namimiss ko na ang mga friends ko.
Kung Bakit alam ko ang kasalukuyang nangyayari sa kuya ng ex bf ko samantalang ex bf ko hindi ko alam. Ei kasi naman ang tiyahin ko lagi ko ring kausap at laging yun ang topic niya. Ang tagal na nilang hiwalay pero lagi parin niyang ini-stalk. At lagi lang namang magkukuwento ng panget sa Ex niya. Bitter na Bitter pero hindi parin maiwasang mang stalk! At noong last na pag uusap namin ni tita Loraine ay sinabi niya na hindi daw sinasadyang nagkikita sila ni kuya Rome tapos pag nagkikita daw sila ay nag kakapikunan silang dalawa, AYUN NA NGA! lovers to enemy ang peg nilang dalawa nakakaloka diba?!
Kahit madalas kaming nagkukuwentuhan tungkol sa Ex niya ay hindi naman niya binabanggit ang kapatid ni kuya Rome na Ex ko, dahil narin sa pakiusap ko sa kanya noon na wag ng magbanggit pa dahil nga galit ako noon, masyado kasing masunurin yong Ex ko at talagang hindi na nga ako kinontak. Kaya yun! never naming pinagusapan ang ex kong si Victor/Bikoy.
-----
“hay naku!! Mamaya na nga yang kulitan niyo! Umuwi na muna tayo para makapagpahinga rin itong Si Beshy Maine. at saka para makita narin natin ang mga pasalubong niya sa atin hahaha” Pagpapatigil ni Mikie.
“Tama-! ay,,, ayan ha! pasalubong talaga nasa isip ha.. hahaha O siya sige sa bahay na tayo magkulitan! kasi marami pa akong kwento sa inyo.. Tara!” sabi ni Charmaine. At nagkaisa silang lisanin na ang lugar na kanilang kinaroonan at nang makauwi na agad.