Charmaine’s POV
Ito ang araw ng aking kasal….
Ang lahat ng kanilang paningin ay sa akin nakatutok, lahat sila ay nakangiti, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon, talaga namang ang atmosphere dito ay napaka positive. Naglalakad ako ngayon patungo sa aking lalaking matagal ng iniibig. Kahit na ang kanilang mga paningin ay nasa akin nakatuon, ako nama'y hindi maalis ang paningin sa lalaking nag aantay sa akin. Excited na akong makipagpalitan ng I do sakanya.
Victor's POV
Charmaine, matagal kong inantay to. Ang araw na to na makita kang maglakad ng naka bridal gown at masakal este makasal sa akin. Awww, naluluha ako, ano ba to, bakit ba kasi ang ganda ng mapapangasawa ko.
NARRATORS POV
Ngayon ay hawak na ni Victor ang mga kamay ni Charmaine at nagpalitan ng pangako sa harap ng judge at mga bisita. Grabeng kilig ang umiikot sa katawan ngayon ng mga kaibigan at kakilala nilang dalawa ng lumapat na ang kanilang mga labi sa isa't isa sa harapan ng mga bisita. Nagdaan ang araw at gabing iyon na hindi nawawala ang ngiti at pagmamahal sa kanilang dalawa, may tampuhan din naman paminsan pero hindi naman nila iyon pinapalaki. Ngayon nga ay magkasama na sila sa iisang bahay at nangangarap na magkaroon ng maraming supling na mas lalong magpapaligaya sa kanila Ngunit……