Ice Candie Girl

2571 Words
episode 3 Napangiti ang lalaki dahil may binabalak na naman ito kay kikay para makaganti sa pagsampal nito sa kanya. Habang papalapit sya kay kikay tinawag sya ng kasamahan nyang lalaki. Lalaki: tol vince saan ka pupunta. Vince: may nakita ako tol sid na magpapasaya sa araw natin haha. Sid: ha? ( napalingon sya at hinahanap kung sino ang tinutukoy ng kaibigan) Vince: ayan tol oh ! ( nakanguso) Sid: tol, wag mo ng pakialaman yan haha mamaya magkagulo dito. Vince: wag kang mag alala tol di ko naman siya saktan eh ?? manood ka lang. Sid: ikaw talaga tol. (Bumalik si sid sa tinatambayan ng mga kaibigan) Sid: mga tol, tingnan nyo si tol vince oh may binabalak na naman?. Mga kaibigan: ha? Bakit? Sid: ayun siya oh. .. ( Tinitingnan nila ang kaibigan habang papalapit sa pwesto nila kikay na abala sa pagbebenta ng ice candy) Tintin: omg! ? nandito na naman sila. Bes, tara doon tayo. Kikay: ha? Dito na tayo bes, ang daming bumibili dito. Tintin: sige na bes doon na tayo tara na. (Habang papalapit si vince sa kanila abala din ito sa kakapindot sa cp at deretso lang sya sa paglalakad hanggang sa nabangga nya ang pinapatungan ng ice candy box nila kikay at natumba ito. ) Tintin: omg! ? Vince: opppsss! Sorry di ko nakita! Kikay: anong ginawa mooooo!!!? (Napatingin sa kanila ang mga tao dahil nagkalat ang mga ice candy sa lupa) Vince: sorry ! Di ko sinasadya!? Kikay: di mo sinasadya? O talagang wala ka lang mata!!? Vince: hoy miss naintindihan mo ba ang ibig sabihin ng di sinasadya? Kikay: hoy ka rin tarandatado ka nandito na kami sa gilid paanong di mo sinasadya na banggain yan!!. Tintin: bes, hayaan mo na konti lang naman yan alis na tayo. Kikay: hindi bes, hindi tama to dapat pabayaran ko yan sa kanya! Dahil sinadya nya yan. Vince: oh kung sinadya ko anong magagawa mo? Aber? Ayokong magbayad nyan noh! ( Naalala ni kikay ang mukha nya ) Kikay: teka lang di ba ikaw ang naghagis sa akin ng upos ng sigarilyo nung isang araw?? Vince: malay ko sayo! ?? paano yan wala ka ng paninda haha. Kikay: tarantado ka ! ? (Sampalin sana sya ulit ni kikay pero nahawakam nya ito agad ang kamay at sakto din na may lumapit sa kanila na tanod para awatin sila.) Vince: aba! Namimihasa ka na sa pananampal ah baka gusto mo yata makatikim sa akin??? Tintin: Vince, wag naman ganyan. Kikay: subukan mo lang! Tanod: anong problema dito? Kikay: ayan po kasi sir oh binangga ang box kaya natapon lahat ng mga paninda kong ice candy. Vince: di nga sinasadya di ba? ? Tanod: di naman pala sinasadya miss kaya pagpasensyahan mo na. At isa pa hindi pwesto ng mga nagtitinda dito dapat doon kayo sa kabila kasi dinadaan ng sasakyan dito. Vince: oh! Ano ka ngayon?? Tintin: sorry po kuya tanod ha . Aalis nalang po kami. Bes tara na. Kikay: sa gilid naman kami kuya eh. Tanod: kahit na kasi doon ang pwesto ninyong mga nagtitinda hindi dito. (Walang nagawa si kikay kundi ang damputin ang mga panindang nagkalat at tinapon nalang.) Kikay: may araw ka rin hayop ka!!! Vince: oh paano na yan ?? aalis na ako! Bye! Kikay: umalis kang hayop ka!!? Vince: bye ? ( sa halip na magalit din si tintin parang natuwa pa sya at kinilig sa pagkindat ni vince kay kikay kaya napansin siya ng kaibigan) Kikay: bes, anong ginagawa mo? Tintin: wala bes? Tanod: doon na kayo lumipat para walang makdisturbo sa inyo dito at pagpasensyahan mo na yon siya . Kikay: sige po kuya salamat po pasensya na din po kayo. (Umalis na din ang tanod at ang mga nanood sa kanila na nakangiti .) Tintin: bes, uwi nalang tayo. Kikay: bakit bes, ok lang kahit wala na tayong paninda . Gagala nalang tayo. Tintin: hindi na bes mamaya makasalubong na naman natin si vince baka ano pa ang gagawin nya sa atin. Kikay: hay! Sige na nga total maaga pa naman doon nalang ako magtinda sa atin. Tintin: sige bes tulungan kita. ( Binitbit nila ang box at umalis na sa lugar na yon.) Kikay: akala ko pa naman mauubos ang paninda natin yon pala naubos tapon. Nakakainis. Sayang naman yon. Tintin: hayaan mo na yon bes makakabawi ka rin sa paninda mo. Kikay : eh ano pa nga ba ! Hayst! Bakit kasi may mga taong ganun natutuwa sila kapag may taong nahihirapan dahil sa kanila. Tintin: alam mo bes malay natin mas malala pa pala ang problema nila kysa sa atin hehe. Kikay: may tatalo pa ba sa problema natin bes haha araw araw ganito tayo. Tintin: aba! Teka parang hindi ikaw si kikay na kaibigan ko ah ?? Kikay: hehe, alam mo kasi minsan bes naisip ko bakit tayo naging mahirap bakit di tayo kagaya sa iba na marami silang pera. Hayst! Tintin: ganun din dati ang iniisip ko bes sa tuwing makikita ko si mama na lasing pero binalewala ko yon dahil sa nakikita ko sayo na masaya lang kahit mahirap lang tayo. Kikay: sorry bes hehe, ?? kaya natin to bes mahaba pa naman ang buhay natin haha. Wag lang tayo mawalam ng pag asa at tiwala sa kanya ( sabay turo sa taas) Tintin: hay! Oo nga bes. Kikay: hay! Hayaan mo na isipin nalang natin na parte yong ng mga pagsubok sa atin ang nagyari kanina hehe. Tintin: tama bes ! Oo nga pala bes nagtext na pala si sarah sa akin kanina na sabi nya sa sunod na linggo na ako pupunta doon sa kanya. Kikay: talaga bes?? Iiwan mo na pala talaga ako dito hehe. Tintin: oo bes pero wag kang mag alala best friend pa rin tayo haha tsaka ang lapit ng maynila dalawang oras lang nandoon kana pag namiss mo ako haha. Bumili ka kasi ng cp bes para may kontak tayong dalawa. Kikay: haha ako pa talaga papuntahin mo doon? sige bes, pag ipunan ko yang cp. Tintin: promise mo yan ha?Halos lahat yata ng tao sa mundo mayron cp ikaw lang ang wala haha??. Kikay: haha grabe ka naman bes. Hindi ba pwedeng hindi lang ako mahilig sa ganyan kasi magastos lang yan. At isa pa sino naman ang tatawag sa akin ?haha. Tintin: oo nga naman! Pero alam mo bes mas maganda may cp ka kasi magagamit mo rin yon sa mga paninda mo kagaya sa pagdeliver mo sa mga branch mo hahaha. Kikay: hahahaha bes (Kaya napaisip siya na tama ang sinabi ng kaibigan) Kikay: alam mo bes da best ka talaga mag isip haha. Kaya pag ipunan ko yon para makabili din ako. Tintin: oh di ba kahit papaano napakinabangan mo din ang utak ko hahaha.? Kikay: hahaha ikaw talaga bes. Tintin: hahaha apir nalang tayo bes na ipinanganak na isang kahig isang tuka hahaha. ( nagtatawanan sila habang naglalakad pauwi ng biglang may dumaan na sasakyan at natalsikan sila ng putik lalong lalo na si kikay dahil sa kanya lahat napunta ang putik) Tintin: besssss!?? Kikay: shitttty!!!? (Nakatayo nalang si kikay dahil sa sobrang gulat sa nangyari sa kanila huminto ang sasakyan kaya nilapitan nya ito) Kikay: hoy! Wala ka bang mata at di mo nakita na may putik ang kalsada? Ha!? ( Nagulat sya ng makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan ) Vince: haha bagay pala sayo! Masarap ba ang putik?? (Nagtawanan ang mga nasa loob ng sasakyan) Kikay: ikaw na naman tarantado ka! Di mo ba talaga kami tigilan ha!?? Tintin: bes, tara na. Hayaan mo na yan siya. ( hinihila siya ni tintin para umalis dahil baka anong gawin sa kanila ng mga kasamahan ni vince.) Vince: kasalanan ko na naman ba? Eh kalsada ito malay ko ba tumalsik ang putik? Ang tanga mo kasi alam mo ng may putik dyan ka pa dumaan!??? mukha ka ng tanga oh! Kikay: ang yabang mo! ?? Vince: oh paano na aalis na ako hahaha bye !??. Kikay: ah ganun ha ! (Bago pa nakaalis ang sasakyan ni vince bigla ni kikay hinampas ang kahoy na hawak nya sa sasakyan at sa di sinasadya natamaan ang side mirror at nabasag ito.) Tintin: besss hala!? Vince: anak ng tipaklong ! ? (Bumaba si vince at galit na galit dahil sa nangyari.) Vince: anong ginawa mo!!? Kikay: di mo ba nakita na basag! oh ano?? Vince: bayaran mo yan! ? Kikay: bakit binayaran mo ba ang mga natapon na ice candy kanina di ba hindi! ? Vince:ah ganun! Sige kung ayaw mong bayaran ipakulong nalang kita! Kikay: Ang yabang mo kanina! tapos ngayon ipakulong mo ako ! Ano ka bakla? (Uminit ang ulo ni vince sa sinabi nya kay nilapitan sya nito) Vince: ikaw ! Kung di mo yan bayaran malilintikan ka sa akin!!? Kikay: ano ba bitawan mo ako!!? Tintin: Vince, bitawan mo nga sya!! Kikay: bes, hayaan mo na ako! Vince: sabihin mo sa kaibigan mo na to na bayaran nya ang binasag nya sa sasakyan ko!! Kikay: eng! eng ! mo! (Dahil sa di na matiis ng mga kaibigan nya bumaba na din ang mga ito) Carl: tol vince, tara na hayaan mo na sila mga babae yan bakit mo naman pinapatulan yan. Jason: tol, halika na palitan mo nalang yan ? di ka na naawa oh puro na putik yan haha. Vince: di pa tayo tapos ha!? Kikay: hoy, di ako natatakot sayo! Unggoy ka! (Papasok na sana ng sasakyan sila vince ng nadaanan sila ng patrol ng pulis na pupunta sa pyesta) Pulis: anong nangyari dito? Vince: ah sir binasag nya kasi ang salamin ng kotse ko! Kikay: paano kasi sir ang yabang yabang pinatalsikan niya kami ng putik ! Nakita mo sir oh naligo ako ng putik sa ginawa nya tapos tinawanan pa nya kami. Vince: sigurado ka! Eh hindi ko nga napansin na may putik pala eh malay ko ba! (Dahil hindi na makasingit ang pulis sa kanilang dalawa dinala nalang sila sa presento at doon inaayos ang gulo nila at pagdating doon di parin tumigil ang sagutan nila) Pulis: bakit kasi Mr. Vallega di ka tumitingin sa dinadaanan mo tingnan mo sya oh puno ng putik. Vince: gaya nga ng sinabi ko sir kanina hindi ko napansin ang putikan kaya natalsikan ko sila. Kikay: dahil sinadya mo talaga! Tintin: bes, relax lang. Pulis: ikaw naman Maam. Bakit mo naman binasag ang salamin ng sasakyan nya pwede nyo naman mapag usapan ito. Kikay : yon na nga po sir pwede naman mapag usapan at humingi sya ng pasensya pero hindi eh tinawanan pa nya kami kasi talagang sinadya nya! Vince: pinagpilitan nya talaga na sinadya ko oh! Kikay: eh totoo naman!? Pulis: sandali!! Pwede bang huminahon muna kayo. Vince: ito kasi parang tigre ? . Kikay: ikaw naman para kang unggoy! Pulis: di ba kayo titigil gusto nyong ikulong ko nalang kayong dalawa! ( tumahimik silang dalawa samantalang si vince nagpipigil ng tawa dahil sa mukha ni kikay na puno ng putik) Kikay: tarantado ka talaga may araw ka rin sa akin!( sa isip nya) Pulis: sige na para maayos na ito . Ano ang plano mo Mr. Vallega? Vince: bayaran nya lang ang nabasag nya ok na agad sir? Kikay: ang kapal naman ng mukha mo magsabi nyan.! Vince: ayaw nya yata sir kaya ipakulong ko nalang yan?. Kikay: sir, wala akong perang pambayad kasi ang paninda namin tinapon ng unggoy na yan.! Vince: wag kayong maniwala sir, kahit itanong nyo pa sa tanod na nakakita sa amin kanina di ko sinadya yon na matapon ang paninda niya. Kikay: ang yabang mo!!! Akala mo bayaran ko yan! hoy hindi! Vince: eh di hindi! Ikulong ka lang naman nila ! Bakit ba?? (Tahimik lang si tintin habang nakikinig sa kanila dahil kinakabahan na din sya na baka ikulong si kikay pag di sya nagbayad) Pulis: babayaran mo nalang maam. si sir para maayos nyo na ito. Kikay: wala nga po akong pambayad sir. Pulis: magkano ba ang na damage sir sa sasakyan mo? Vince: 10k sir. (Nanlaki ang mata ni kikay sa narinig) Kikay: 10k!!!?? para yon lang? Ano yon ginto ang sasakyan mo? Vince: ano ba ang alam mo sa sasakyan? ? Kikay: ang yabang talaga! Wala! Vince: wala naman pala eh kaya bayaran mo ako! Tapos! Pulis: ayan na maam bayaran mo nalang sya para maayos na ito. (May inabot si vince sa kanya na pera) Vince: oh ito! Pambayad yan sa ice candy mong pangit ang lasa .! (Napangiti si tintin at ang pulis sa kanilang dalawa) Pulis: haha kayo talaga. Kikay: lamunin mo yan! O di kaya isaksak mo sa maliit mong kukute? Vince: oh nakita mo sir ayaw nyang tanggapin tapos nagagalit sya! Kaya bahala sya pababayaran ko talaga ang nasira nya sa sasakyan ko tapos ang usapan! . Pulis: sige na bayaran mo nalang maam para matapos na ito. (Lumapit si tintin sa kanya) Tintin: bes, bayaran nalang natin manghiram nalang ako ng pera sa mga kakilala ko. Kikay: pero bes, ? Tintin: ok na po sir magbabayad nalang po kami pero di pa sa ngayon baka bukas na po kasi wala pa kaming pera. Pulis: oh Mr. Vallega ok ba sayo na bukas nalang daw. Vince: sige sir basta bukas ibibigay na nila sa akin ang bayad. Pulis: ok sige tapos na ang usapan. (Dahil sa kasunduam nila namroblema tuloy si kikay kung saan siya kukuha ng ganun kalaking halaga) (Lumabas sila ng presento ngunit hinabol sila ni vince) Vince: sandali ! Sandali! Miss tigre ?? Kikay: anong kailangan mo! Lumayo ka sa akin ha baka mukha mo na ang mabasag ko!! Tintin: bes, ?di pa tayo nakabayad mambasag ka na naman! ? Kikay: nakakainisss! Oh ano ang kailangan mo! Vince: ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang matapang??? Kikay: alam mo! Kung di dahil sa kagaguhan mo wala akong problema ngayon kaya umayos ka!!? Vince: alam ko naman walang kang pera eh ?? pero kung gusto mo para makabayad ka pwede naman kitang tulungan. Kikay: tulongan! Hoy! Kung ikaw lang naman ang tutulong sa akin wag na! Kaya umalis ka na! Tintin: babayaran ka nalang namin vince bukas tara na bes. Kikay: halika na nga bes, nabwebwesit ako sa pagmumukha ng unggoy na to. Vince: sandali nga muna! Ganito nalang ? may natitirang pa naman akong awa sayo eh kaya kung wala kang pera ganito nalang lilinisan mo nalang ang sasakyan ko sa loob ng isang buwan pagkatapos ng isang buwan ok na wala ka ng utang sa akin.! (Napahinto si kikay sa sinabi nya) Kikay: sigurado ka!? Tintin: bes, ayan pala hehe tutulongan kita pag maglinis ka ng sasakyan nya. Vince: oo kung gusto mong makabayad!? alam ko naman na wala kang pera eh tanga ka pa naman?? Kikay:ikaw ang tanga! At saka soluhin mo ang sinasabi mo. Vince: sige ikaw bahala! Ikaw na nga ang tinutulongan eh!? Tintin: bes, pumayag ka na maglinis lang naman tayo ng sasakyan nya tapos ok na. Kikay: pero bes, paano pa ako makapagtinda? Tintin: di naman buong araw ka maglinis eh. Vince: oh ano payag ka ba? Sige na nga kung ayaw mo eh di wag! Kikay: Sige pag isipan ko muna pag wala akong pambayad sayo bukas baka papayag ako ! ( sabay alis) ( Dali dali siyang umalis dahil natutuyo na ang putik sa kanyang katawan kaya naiwan si vince na abot tainga ang ngiti dahil nakaganti sya sa kanya )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD