episode 2
(Kinabukasan, Maagang gumising si Kikay para samahan ang kaibigang si tintin.)
Kikay: bangon na kikay umaga na bagong araw at bagong kwento ng buhay mo na naman?. Hay !( uminat ) ang sarap matulog!!
(Nagulat sya ng biglang nagsalita ang kanyang ina. )
Aling Tessie: magandang umaga nak gising ka na pala!
Kikay: hayyy ! Aswang ! ?
Aling Tessie: makaaswang ka naman sa akin ?.
Kikay: sorry nay hahaha ikaw kasi nangugulat ka ??
Aling Tessie : ikaw talaga ! bakit ang aga mong nagising may pupuntahan ba kayo ng kaibigan mo?
Kikay: opo nay! pupunta kaming seawall kaya kailangan maaga kami aalis baka kasi maubusan kami mamaya ng isda walang maitinda si aling maming .
Aling tessie : ah ganun ba !sige nak ako na ang bahala dito mag kape ka muna ha bago ka umalis.
Kikay: opo nay!? goodmorning pala nay nakalimutan ko na tuloy ginulat mo kasi ako hehe
Aling Tessie: ikaw talagang bata ka sige na kumain ka na muna o di kaya magkape bago ka umalis.
Kikay: opo nay, si tatay pala nakauwi ba sya kagabi?
Aling Tessie : oo nakauwi sya at natutulog pa kaya wag kang maingay dyan.
Kikay: sige po akala ko doon na siya natulog sa kanila manong edgar
Aling Tessie: hinatid nga sya dito kagabi
Kikay: ah ganun po ba .
Aling : sige na magkape ka na doon para makaalis ka na.
Kikay: opo nay.
Nagsipliyo muna sya bago nag kape at pagkatapos pumunta agad sa bahay ng kaibigan
Kikay: besssss, gising ka na ba? Halika na alis na tayo!
Tintin: bess,,psttt ang boses mo .? Mamaya magising silang lahat.
Kikay: malakas na ba yon bes? hehe? .
Tintin: ay hindi! Mahina lang ! Halos nakarinig lang naman ang buong baranggay sa boses mo haha??tara na nga! alis na tayo mamaya maubusan tayo doon wala kaming paninda mamaya .
Kikay : sige na nga hahaha . Ikaw talaga.
Pumunta sila agad ng seawall at sa kasamaang palad naubusan sila ng isdang pantinda dahil pinakyaw lahat ng isang matandang lalaki
Tintin: hay! Paano na yan bes ??
Kikay: wag kang mag alala bes akong bahala diskarteng malupit lang ang kailangan dyan hahaha .
Tintin: haha ayan ka na naman bes mamaya mapahamak na naman tayo nito haha.
Kikay: sige bes dito ka lang ha manood ka lang haha back up ka lang sa akin pag pumalag itong mama na umubos ng isda haha. ??
Tintin: loka loka ka talaga bes tara na uwi nalang tayo hayaan mo na ?.
Kikay: hindi pwede bes mamaya magagalit ang mama mo pag wala kang dalang isda .
Tintin: oo nga eh hay sige na nga bes ikaw na bahala haha.
Kikay: dito ka lang ha akong bahala??
(Lumapit siya sa sasakyan ng mamang bumili ng lahat na isda.)
Kikay: kuya, maraming isda mo ah.
Matandang lalaki: oh ano ngayon kung marami?
Kikay: aba! (Parang ang sungit niya)!?nagtatanong lang naman ako kuya hehe.
Matandang lalaki: bakit ka nagtatanong eh alam mo naman na isda naman talaga ang paninda dito.
Kikay: kaya nga kuya , wala na ngang naiwan na isda kasi inubos mo lahat .?
Matandang lalaki: ganun talaga kailangan ko eh! Anong magagawa mo?
Kikay: kuya, bakit mo naman binili lahat ng mga isda dito di ka man lang nagtira para sa aming may malilit lang na puhunan?? wala na kami tuloy ipantinda mamaya.
Matandang lalaki: nauna ako sa inyo eh at saka isa pa kailangan ko kasi ang mga ito kaya binili ko na lahat.
Kikay: kuya kahit isang banyera lang iwan mo sa amin maawa ka naman ? sige na po! mamaya wala kaming pambiling bigas wala kaming makain paano na ang mga kapatid ko magugutom sila at pag nagutom sila baka magkakasakit sila tapos pag magkasakit sila wala kaming pambiling gamot kuya baka mamatay kaming lahat di ka ba makonsensya? ??
Matandang lalaki: lokong bata to ako pa ngayon ang may kasalanan? Ganun? ?
Kikay: sige na po kuya para awang nyo na po!?( gusto pa yata patuluan ko ng luha) ?
(Dahil sa mga sinabi nya napakamot nalang ang matandang lalaki sa ulo . )
Matandang lalaki : ok sige na nga! kunin mo na ang isang banyera pero bayaran mo ako ha hindi ako mayaman para ibigay lang sayo yan ng libre!
Kikay: talaga kuya! ?Salamat kuya ha babayaran ka namin kuya wag kang mag alala. ?
(Tinawag nya agad ang kaibigan na tawa ng tawa sa mga sinasabi nya).
Kikay: besssss halika ka na haha bayaran mo na si kuya baka magbago pa ang isip .?
Matadang lalaki: sige na ilipat nyo na sa lalagyan niyo dahil aalis na ako.
Kikay: sige na bes ilipat natin haha.
Dahil mabigat at di nila kayang ibuhos sa lalagyan nilipat nila ito ng paunti unti.
Matandang lalaki: hay naku! baka bukas pa kayo matatapos nyan. Tabi nga! ako na ang maglilipat .
(Tumabi silang dalawa habang pinagmamasdan ang matanda na naglilipat ng mga isda)
Kikay: may regla yata si manong haha ??
Tintin: gaga ka talaga bes mamaya marinig ka nyan oh ??
Kikay: di yan bes tingnan mo naman ang tainga nya oh may nakasalpak haha tsaka mahina naman ang boses ko. ??
Matandang lalaki: oh ayan na akin na ang bayad niyo.
Kikay: salamat kuya ang bait mo talaga kuya ?
Matandang lalaki: wag mo na akong bolahin dahil kanina mo pa akong binobola .
Tintin: hahaha.
Kikay: binobola ko ba sya parang di naman? ???
Tintin: ikaw talaga bes!?
Binigay ni tintin ang bayad para makaalis na ang matanda at ganun din sila
Tintin: ito po manong ang bayad ,maraming salamat po.
Matandang lalaki: sa susunod agahan nyo ang pagpunta dito para di kayo maubusan.
Kikay: aba! Nanermon pa sya?? opo kuya. Pero kuya pag mauna ka wag mong ubusin ha tirhan mo kami .??
(Napangiti nalang ang matanda sa kanya . )
Matandang lalaki: tsk! Ikaw talaga. Sige na aalis na ako.
Kikay: sige po kuya salamat. ??
Tintin: salamat kuya. ?
(Pagkatapos nilang pinagtulungan ilagay sa padyak ang nabiling isda umuwi na rin sila agad.)
At habang pauwi sila...
Tintin: bes, kaya mo pa bang pumadyak? haha. Ako naman bes.
Kikay: sige bes ikaw naman parang di ko na kaya haha.??
Tintin: sige baba ka ako naman dyan.
(Pinalitan siya ni tintin sa pagsikad ng kanyang Padyak. )
Tintin: salamat pala bes ha! ano nalang kaya ang mangyayari sa akin kung wala ka. ?
Kikay: ito naman akala mo naman kung ano ang nagawa ko haha?? .
Tintin: ikaw talaga ! malaki ang naitulong mo kaya sa akin bes. ?
Kikay: ganun talaga bes ano pala ang kwenta na naging magkaibigan tayo ???
Tintin: swerte ko talaga sayo bes kaya kahit di ako maswerte sa pamilya ko maswerte naman ako sayo dahil may kaibigan akong maasahaan at higit sa lahat ano... hehe.
Kikay: maganda bes ?? hahaha
Tintin: hahaha ?? ok sige maganda na para naman ganahan ka hahaha .
Kikay: hahahaha
Nagtawanan nalang silang dalawa pero di maiwasan ni tintin na malungkot .
Tintin: hay! Pero ganito talaga ang buhay ko. Kaya ituloy ko na ang pag alis ko bes
Kikay: ikaw talaga yan ka na naman , mamaya iiyak ka na naman tapos iiyak din ako , paano na pag mawala ang boses ko paano ako makasisigaw ngggg iceeeee cannndyyy kayooo dyannnn!!???. Ituloy mo lang ang pag alis mo bes malay mo nandoon sa ibang lugar ang swerte na hinahanap mo haha ??
Tintin: hahahaha lukaret ka talaga bes. Ganun na nga bes baka hinihintay na ako ng magandang kapalaran ko sa ibang lugar hehe.
Kikay: hahaha ganyan! happy lang bes hayaan mo na ang mga problema mamroblema sa ating dalawa ganun lang yon?
Tintin: hehe oo bes hayaan ko nalang basta hanggat kaya ko gusto kong ibahin ang takbo ng buhay ko hehe .
Kikay: kaya mo yan bes ikaw pa.
Magkaibigan sila mula pagkabata hanggang ngayon. Magkasama sila sa lahat ng bagay pati sa mga kalokohan palagi silang magkapartner . Hindi man naging mabuti ang pamilya ni Tintin mayroon naman syang isang kaibigan na masasandalan sa oras ng kagipitan at yon ay si kikay.
Pagdating nila ng bahay binaba agad nila ang mga nabiling isda at si kikay umalis din agad para tumulong sa mga magulang sa gawaing bahay bago maglako ng ice candy...
Ito ang buhay ni kikay todo kayod para makatulong sa kanyang mga magulang at mga kapatid na nag aaral pa Tumigil siya sa pag-aaral upang makabawas ng gastusin nila sa pang araw araw at para na rin makatulong sa pag papaaral sa mga nakakabatang kapatid . Kaya naisipan nyang gumawa ng ice candy at nilalako ito sa kanilang lugar, wala syang pakialam kung pinagtatawanan man sya ng mga kasabayan nya dati sa eskwelahan ang mahalaga sa kanya ang kumita para may maitulong sa gastusin ng kanyang pamilya.
Masiyahin si Kikay halos lahat ng bagay magaan para sa kanya kaya hindi mahirap sa kanya ang makahanap ng mga customer sa mga paninda nyang ice candy .
Kikay: kuyaaa tope... ice candy bili ka para maubos na ! ?
Tope: sige kikay pabili nga !
Kikay: sige po kuya , ilan po ba ang bibilhin nyo?
Tope: marami pa ba yan?
Kikay: konti lang to kuya! Di ko dinala lahat kasi baka di maubos at matunaw lang
Tope:.sige ubusin ko nalang yan lahat.
Kikay: talaga kuya? ? ahmm! nanalo ka na naman siguro sa tong its noh? Haha
Tope: haha hindi! Mali ka.
Kikay: eh saan ka nanalo kuya?!?
Tope: sa sabong haha
(Nilagay niya sa isang plastik ang mga ice candy at binigay kay tope)
Kikay: talaga kuya! ? oh ito na lahat.
Tope: salamat . Itong bayad.
(Binigyan siya ni tope ng limang daan .)
Kikay: kuya tope naman wala akong panukli nito?
Tope: sinabi ko bang suklian mo ako? sayo na yan balato ko na din sayo yan.
Kikay: talaga kuya! ? baka nabigla ka lang kuya haha.
Tope : oo nga sayo na yan! Sige kung ayaw mo akin na haha??
(Tinago nya agad ito dahil baka magbago pa ang isip ni tope at kunin sa kanya. )
Kikay: haha joke lang kuya!salamat kuya sana palagi kang manalo haha.
Tope: haha sana nga! Sige na kakainin na namin to baka matunaw na to.
Kikay: sige kuya salamat.?
(Napangiti nalang si tope sa kanya habang tinitingnan syang paalis. )
Jasper: oh , hanggang tingin ka nalang kasi kinukuya ka hahaha??
Tope: ogag ? ang bata pa nun noh!.
Jasper: sus! Kunwari ka pa!?
Tope: oh ito kainin mo yan para manahimik ka ?
Jasper: hahaha wahhha kuya tope ??? ..
(Magkakapitbahay lang silang lahat at parang mga barkada na din ang turing ni kikay sa kanila. Dahil minsan tinutulongan nila ito para maubos ang paninda nyang ice candy. )
(Sumunod na mga araw nagulat si Kikay na sumisigaw ang kanyang kaibigan. )
Tintin: bessssssss.... besssssss.
Kikay: oh bakit bes? Anong na naman nangyari sayo? ?
Tintin: marami ka bang nagawang ice candy bes?
Kikay: oo bes marami gusto mo bang magtinda ?
Tintin: hindi! punta tayo sa kabilang sitio bes pyesta pala doon . Kaya doon ka magtinda sasamahan kita. Para makagala din tayo habang nagtitinda ka ?
Kikay: aba! Magaling ang naisip mo bes hahaha sige magpaalam ako sa kanila nanay. Ikaw nagpaalam ka na ba?
Tintin: oo bes, kasi di lasing si mama haha kaya di mainit ang ulo nya ?
Kikay: sige bes magdala tayo ng marami tapos hati tayo mamaya sa benta natin.
Tintin: wag na bes . Tutulongan lang kita.
Kikay: hay! hindi pwede dapat pareho tayo bes.
Tintin: ikaw talaga sige na nga!. ?
(Naalala nya na nasira pala ang kanyang padyak. )
Kikay: bes, maglakad nalang tayo haha sira pala ang kotse natin hahaah ???
Tintin: haha ganun ba? Paano na yan wala tayong sasakyan haha.
Kikay: ipaayos ko muna yan bes sa talyer haha? wala muna tayong kotse ngayon haha.
Tintin: haha bes,parang totoo lang na may kotse ka haha .
Kikay: yan ang kotse natin bes hahaha yon nga lang de padyak haha.
Tintin: hahaha bes ??? .
(Habang nagtawanan silang dalawa dumating ang isa nyang kapatid na babae.)
Kikay: oh nene bakit ka umuwi?
Nene: recess po namin ate.
Kikay: oo nga pala hehe. Gusto mo ba ng ice candy ?
Nene: ate naman eh sawa na ako sa ice candy mo.
Tintin: hahaha
Kikay: talaga? Sawa ka na?
Nene: hehe ate talaga syempre joke lang ?. ?
Kikay: ah akala ko kung sawa ka na kasi wala ka ng magawa ?? ito na ang buhay natin ang ice candy haha.
Nene: ikaw talaga ate. Sige na may kukunin lang ako at babalik din ako agad.
Kikay: sige kasi aalis din kami.
Nene: sige po ate.
(Umalis silang dalawa papuntang kabilang sitio para magtinda ng kanilang ice candy.. )
(Pagdating nila doon naghanap ng mapwestuhan si kikay para sa kanyang box ng ice candy at nakita sya ng lalaking kanyang sinampal nung isang araw)