bc

MAGDALINO

book_age18+
68
FOLLOW
1K
READ
self-improved
student
drama
tragedy
bxb
bisexual
city
small town
illness
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ang lalaking unang bumihag sa pihikan kong puso. Nagturo sa akin kung paano ang mangarap at pahalagahan ang buhay. Siya ang lalaking nagparamdam na sa tulad kong alanganin ay di naman kailangan ng pera para mahalin. Nang dahil sa kanya nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Subalit dumating sa puntong iniwan ko siya sa takot na ang mahalin at mang tulad niya ang siyang magiging mitsa ng buhay ko. Masyado akong binulag ng mga maling paniniwala. Iniwan ko siya. Ngunit nahinuha kong siya pala talaga ang kailangan ko at hindi ko kayang mawala siya sa aking buhay. Paano ko maipaglalaban ang aming pagmamahalan kung ang tadhana na mismo ang ang aking makakalaban.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Pangkaraniwan lang naman ang kwento ng buhay ko. Walang masasabing kakaiba na kadalasan ng naririnig sa mga drama sa radyo, nagiging paksa sa mga soup opera o mga drama anthology sa telebisyon at maging sa mga printed stories gaya ng mga pocketbooks o sa mga kilalang blogging sites sa internet. Ngunit hindi naman umiinog ang kwento tungkol sa masalimoot kong buhay kundi sa isang lalaking nagpabago sa aking mga pananaw, ang nagturo sa akin kung paano bigyan ng kahalagahan ang mga bagay-bagay...maliit man o malaki. At mas lalong hindi ang manghusga sa kapwa na walang sapat na basehan. Lahat kasi tayo at may tinatagong lusak, kaya bago natin pahirin ang sa iba, iyong sa sarili muna natin ang siyang unahin. Solong anak ako ng mayamang pamilya na nakatira sa isang exclusive subdivision sa Makati. Mula preschool hanggang sa nagsenior highschool ako ay sa isang pribado at prestihiyosong unibersidad ako nag-aaral. Sunod ako sa luho. Lahat ng nanaiisin kong bagay ay agad kong nakakamit sa isang iglap lang na hindi na kailangan pang paghirapan. Ika nga nila, parang magic lang. Sa edad na labing walo, nakamit ko ang pinapangarap na mamahaling sasakyan. Kaya naman narating ko na ang halos lahat ng sulok ng Pilipinas kasama ng aking mga tropa para mamasyal. Busy naman ang mga magulang ko sa pagpaparami ng kayamanan namin kaya free ako sa lahat ng bagay na nais kong gawin. Nang iluwal ako at nagkamalay, wala akong natatandaang nagkabonding kami. Walang tatay na kumalong sa akin kapag ako'y nadadapa. Walang Nanay na nagturo sa akin kung paano isulat ang unang letra ng aking pangalang, Daniel. Namulat ako sa kamusmusan na tanging tutor at isang yaya ang nasa tabi ko na gumagabay sa akin hanggang sa ako'y nagkaisip. Mga magulang ko? Deadma. Iniasa na nila sa pera ang pagpapalaki sa akin. Sabagay, ayos lang sa akin. Nasanay naman akong wala sila sa tabi ko. Nasanay na ako na tanging yaya ko lang ang kasama sa tuwing may gaganaping family day sa school. Hindi na ako nagkukumahog sa pagdedemand ng oras mula sa kanila basta ba hindi nila makakaligtaang depositohan ang account ko sa bangko dahil doon kami hindi magkakasundo. Lumaki akong spoiled. Matapobre at mayabang. Kunsabagay may maipagmamayabang naman. Pera? Itsura? Sasakyan? Meroon ako no'n kaya pakialam ko ba sa sasabihin ng iba. Inggit lang sila. Kasalanan ko ba kung nasalo ko ang lahat ng kasaganaan ng magsaboy ang Diyos ng grasya sa buong sanlibutan? Hindi naman diba? Aminado akong isa akong silahis. Subalit hindi ko naman iyon pinapahalata lalo na sa mga magulang ko. Laman ako ng mga gay bars tuwing weekends. At kapag may natitipuhan akong lalaki, walang kahirap-hirap ko iyong makulembat. Galante kasi ako kapag magpapamudmod ng datung kaya naman lagi akong dinidikitan ng mga barakong lalaking nagtatrabaho sa bar na aking pinupuntahan. Hindi lang isa, kundi tigdalawang lalaki ang kinakama ko sa isang hotel kapag taglibog ko. Siyempre, iyong maitsura at maskulado ang dinadala ko. Sayang naman ang perang binibigay ko kung papatol ako sa mga pipitsuging kolboy na napupulot lang sa tabi-tabi. Dahil nabelong ako sa upper class, dapat lang na iyong may class ding mga bayarang lalaki ang aking makaulayaw at higit sa lahat, malinis at walang sakit. Nang magbiyente ako, napasukan ko na ang lahat ng bisyo, maging ang pagdodroga lalo na kapag makipagsex. Heaven kasi sa pakiramdam kapag sabog na nakikipagtalik. Iyong pakiramdam na ipinaghehele ka sa ikapitong alapaap. Naranasan ko rin ang makipag-groupsex sa kinabibilangan kong bisexual group sa messenger. Siyempre, may pera ako at gwapo kaya bentang-benta. Pero lahat iyon ay may proteksiyon. Hindi ako nagpapatira o titira kapag walang kapote si Manoy. Dahil sa pagkalulong ko sa mga bago kong hilig at pagamit ng ipinagbabawal na droga dahil sa implwensiya sa maling barkada, napabayaan ko ang aking pag-aaral. Lumagapak ako sa ikalawang taon ko sa Engineering. Dahil doon nakuha ko ang atensiyon ng aking mga magulang. Napaka-ironic lang, kung kailan naligaw ako ng landas ay saka ko pa naramdaman ang pagiging magulang nila sa akin. Kaliwat-kanang pananabon ang nakamit ko mula sa kanila. Kesyo saan daw sila nagkulang gayung binibigay naman daw nila ang lahat ng kailangan ko. May nalalaman pa silang ang lahat ng pagpapagod nila sa pag-aasikaso ng mga negosyo ay para sa kapakanan ko. Kapakanan ko o kapakanan nila? Bulyaw ko sa sarili habang umiiyak sa loob ng aking silid. Oo nga't binibigay nila ang lahat ng mga nainisin ko subalit hindi man lang nila naisip na hindi lang naman ang mga materyal na bagay ang kailangan ko. Hindi naman ako aso na solved na kapag hahagisan ng buto. Siyempre tao ako. Anak nila. Nangangailangan ng pagmamahal at ng kanilang pagkalinga bukod sa pagkain, damit at pera na ibinibigay nila sa akin. Ako pa ngayon ang lumalabas na masama gayung napakalinaw namang nang dahil sa kanilang kapabayaan kaya ako napariwara. Dahil sa sobrang sama ng loob ko ay naisipan kong lumayas. Binenta ko ang isa kong sasakyan at nagdrop-out ako sa unibersidad na aking pinapasukan. Dala ang pera mula sa nabenta kong kotse at ang pera ko sa bangko ay sa tingin ko sasapat na iyon sa aking pagpakalayo-layo. Paraan ko iyon upang ipakita sa aking mga magulang ang aking pagrerebelde. Wala akong pakialam kung ipahahanap man nila ako o tuluyan ng kakalimutan basta gusto kong ipakita na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Kumuha ako ng plane ticket papuntang Mindanao. Kung ano ang dahilan...hindi ko alam. Basta iyon ang biglang udyok ng aking isip. Wala kaming kamag-anak at mas lalong wala akong kakilala sa lugar na iyon. Ngunit dahil sa hindi gaanong mahal ang mga bilihin at upa ng mga apartment sa lugar na iyon, natitiyak kong hindi kaagad mauubos ang dala kong pera. Sa halagang 6 thousand pesos, nagkaapartment na ako. Hindi gaanong kalakihan. Sinlaki lamang ito ng aking kwarto sa bahay namin sa Makati. Subalit ayos lang dahil doble naman ang baba ng presyo nito kung ikukumpara sa Manila. May isang kwarto ito, banyo, kusina at maliit na sala. Bumili rin ako ng iilang gamit sa kusina at TV na aking libangan. Halos gabi-gabi akong naglalakwatsa. Inum, sugal at palihim na pagamit ng ipinagbabawal na droga kasama ng mga bago kong tropa. Hindi ko na naisip kung ano ang aking magiging kinabukasan. Ang mahalaga sa akin ay ang walang humpay na kasiyahan sa kasalukuyan. Tuluyan ng nawalan ng deriksiyon ang buhay ko. Mistula akong barkong nawalan ng compass at palutang-lutang sa laot. Subalit kapag nawala na ang ispiritu ng alak at ng droga sa aking katawan, pumapasok din sa aking isip ang katanungang, anong naghihintay sa akin sa kinabukasan. Doon ko naramdaman ang kahungkagan ng aking buhay. Bagamat marami-rami narin akong naging kaibigan sa bagong lugar na aking pinuntahan, subalit sumasagi parin sa isip ko na iba parin talaga kapag may pamilya kahit pa hindi mo naramdaman ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga. Oo may mga kaibigan nga ako at mga naguguwapohang mga lalaking aking kaulayaw kapag taglibog pero hindi parin nito maiaalis ang katotohanan na ang kasiyahang dulot nila sa akin ay pansamantala lamang. Hindi nagtatagal. Sakali mang maubos ang pera ko, andiyan pa kaya sila sa aking tabi? May kaibigan pa kayang aakay sa akin sa kwarto kapag ako ay nalasing? May lalaki kayang handang magpagamit ng katawan ng libre para sa akin? Ganoon ang tumatakbo sa aking isip habang ako'y nakaupo sa sala. Bukas ang telebisyon subalit wala naman doon ang aking atensiyon. Dalawang buwan pa lamang mula no'ng umalis ako ng bahay ngunit ramdam ko na ang hirap ng nag-iisa. Ibang-iba sa dati kong buhay na gigising na lang ako sa umaga na may pagkain ng nakahain sa mesa at malinis at plantsado na ang aking mga damit. Hindi gaya ngayong ako ang lahat na kumikilos pati na ang paglilinis ng kubita. Ngunit sa kabilang nararamdaman kong hirap at ginawang realisasyon, mataas parin ang pride kong hindi uuwi. Kailangan kong panindigan ang isang desisyon na aking ginawa. At dahil sa hindi man lang ako nagawang hanapin ng aking mga magulang, mas lalong tumindi pa ang aking hangaring magrebelde sa kanila. Tuloy parin ako sa aking mga nakagawian. Sabado iyon at wala ang mga tropa kaya naisipan kong tumungo sa kaisa-isang gay bar sa lugar na iyon. Sumalubong sa akin ang sigawan at tilian ng mga bading ng pumasok ako sa loob ng gaybar. Magsisimula na kasi ang pinaka-highlight ng gabing iyon——ang sensual dancing ng mga lalaking nakahubad. Patay ang ilaw ng pumasok ako at inalalayan ako ng isang crew sa isang bakanteng upuan sa gilid ng maliit na runway na nagsilbing extention ng maliit stage. Isang bote lang muna ng San Mig Light ang aking inorder. Nagsimula ng gumiling ang tatlong macho dancer. Tanging boxer short na kulay itim ang saplot nila sa katawan. Nakasuot rin sila ng maskara kung kaya hindi ko agad malaman kung sino sa tatlo ang pinakagwapo ngunit kung pagandahan ng katawan ang pag-uusapan at paumbukan ng gitna, magkapantay lang naman sila. At no'ng sabay na nilang tinanggal ang suot na maskara, doon ko kaagad napagsino ang bet ko sa tatlo. Iyong lalaking nasa gitna. Moreno bagamat hindi sobrang gwapo ngunit ang pagiging brusko at maangas niyang itsura ang siyang nagpabihag sa akin. Siya rin ang pinakamatangkad sa grupo at may malakas na karisma kaya hindi na ako nagtaka kung bakit pangalan niya ang isinisigaw ng karamihan sa loob ng bar. "Lino! Lino! Lino!" Nagsimula na silang lumapit sa audience habang pinapahipo ang kanilang kaselanan kapalit ng perang isinuksok sa suot nilang boxer. At sobrang flattered ko naman na sa akin kaagad unang lumapit si Lino gayung ang daming nagkakandarapa sa kanya na halos maglulupusay na. Isang kindat ang iginawad niya sa akin kasabay ng pagkagat labi na tila ba nang-aakit. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya iyon sa umbok ng kanyang p*********i. Damang-dama ko ang katigasan at laki no'n kahit hindi pa gaanong nagkakabuhay. Sa dami ng lalaking dumaan sa akin, iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaiba lalo na no'ng nagtama ang aming mga paningin, parang may spark ba. Bumunot ako ng limandaang piso sa aking pitaka at isinuksok ko iyon sa gilid ng kanyang garter. Buong akala ko ay lilisanin na niya ang aking table para pagbigyan ang ibang tumatawag sa kanya ngunit laking gulat ko ng umupo siya sa tabi ko. Nakita ko ang pagkadismaya ng ibang bading at ramdam ko ang inggit nila sa akin. Sabagay, may itsura naman ako kung ikukumpara sa kanila. "Firt time mo rito, ano?" Ang tanong niya. Suminyas siya sa waiter ng isang bucket ng beer. "Oo. Actually, taga-Manila ako. Mag-iisang buwan pa lang ako rito!" "Working or studying?" "Ummm, wala sa dalawa!" Sabay iling. "Pasyal-pasyal lang, gano'n?" Paniniyak niya. Tumango ako. "Iba na talaga kapag mayaman" Isang matipid na ngiti ang aking binitawan. Marami na akong nakikilalang mga lalaking masasabing mas gwapo pa sa kanya subalit may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Kakaiba ang mga titig niya na pakiwari ko'y unti-unti akong nalulusaw. Para akong first timer at wala pang karanasan sa mga lalaki. Dumating na 'yong inorder niyang bucket ng beer at may kasamang pulutan. Nagbukas siya ng dalawng bote, inabot niya sa akin ang isa. "Magdalino nga pala, Lino for short!" Di ko napigilan na matawa nang marinig ko ang tunay niyang pangalan. Sobrang makaluma kasi na ewan, hindi bagay sa kanyang itsura. "Sabi ko na pagtatawanan mo ako. E, pangalan mo? Sobrang na-enjoy na yata tayo sa pagkukuwentuhan kaya nakalimutan natin ang magpakilala sa isa't isa. "I didn't mean to offend you. Grabe naman ng mga magulang mo, di man lang naawa sa'yo. Sa dami ng pwedeng ipangalan, iyan pa talaga? Hindi ba nila naisip ang, Paulo? Emilio? o Sebastian? Magdalino talaga? Anyway, I'm Daniel" "Kung pwede nga lang makapamili ng pangalan. Si Tatay kasi sobrang idol si Freddie Aguilar" Nayayamot niyang pahayag sabay kamot sa batok. Sobrang cute niyang tingnan sa ayos niyang iyon. "A-ano namang kinalaman ni Freddie Aguilar, e di naman Freddie ang pangalan mo ah?" "May kanta kasi si Freddie na Magdalena ang title na paborito niyang kantahin kapag nagvivideoke noon habang ipinagbubuntis pa ako ni Nanay. Doon ko nakuha ang aking pangalan at dahil sa lalaki ako, ginawang Magdalino. Alam mo ba ang kantang iyon?" "Hindi. Ngayon ko lang yata narinig iyan" Sabay iling. "May videoke ka ba sa bahay mo? Ipaparinig ko!" Napataas ako ng kilay. Aba, iba din dumiskarte ang isang ito. Dinaan ako sa trivia ng pangalan niya, para lang makapunta sa bahay ko. Napaisip ako kung isasama ko ba siya ng bahay. Sa totoo lang hindi naman taglibog ko, gusto ko lang gumala sa bar dahil nabobored ako. "Okey lang ba?" "Magkano ba?" Deritsahan kong sabi. Sa presyohan din naman kasi hahantong ang lahat. "Sa totoo lang 2000 ang presyo ko. Pero dahil cute ka naman, di na kita pepresyohan, ikaw na ang bahala!" Alam kong pambobola lang niya iyon pero pakiramdam ko, bumulusok ako paitaas sa sobrang kilig. Pakiwari ko'y bumalik ako sa pagiging teenager kung saan uso ang kiligan. Naisip ko tuloy na baka naattract din siya sa akin na imposible namang mangyari dahil sa tingin ko naman straight siyang lalaki. "Actually, di naman talaga ako pumunta rito para manlalaki. Gusto ko lang mag-unwind!" Pademure pa ako kunwari. "Gano'n ba....?" Inabot niya ang isa kong kamay at iginiya niya iyon sa maumbok niyang p*********i. "...Kapain mo, baka magbago ang isip mo" Napakislot naman ako nang makapa ko ang sing tigas na sa bakal niyang p*********i. Hindi naman iyon bago sa akin dahil sa dami ng b***t ang aking nahawakan subalit nakaramdam parin ako ng panginginig at sobrang excitement. Mistula akong bumalik sa panahong 15 pa lang ako kung saan unang beses kong makahawak ng sandata ng isang lalaki. Kaya kung may sukatan lang ang libog, marahil umabot na ito sa pinakamataas na level. "Sige, pero uubusin muna natin 'to!" Sabay turo ko sa apat pang boteng may lamang alak. "Hayaan na natin'yan. Ako na ang magbabayad niyan. Magbibihis lang ako sandali" At nagmamadali siyang pumasok sa backstage at wala pang ilang minuto nakabalik na siya suot ang V-neck na puting tshirt na hapit sa kanyang katawan at kulay itim na skinny jeans. May God, napanganga ako sa angkin niyang kaguwapohan at kakisigan. Nakita kong inabutan niya ng pera ang kanilang manager bago bumalik sa akin. "Tara na" Ang sabi niyang nagmamadaling tinungo ang daan palabas. Dahil sa kanyang pagmamadali naisip kong parang mayroon siyang iniiwasan. Agad siyang pumara ng taxi ng makalabas kami. Nang masabi ko sa drayber ang address ko, agad na nitong pinaharorot ang minamanehong taxi alinsunod narin sa pakiusap ni Lino. "Pasensiya ka na kung medyo nagmamadali akong makaalis roon, may iniiwasan lang kasi ako!" Ang sabi niya nang makapasok kami sa loob ng aking apartment. Pansin kong iginigiya niya ang mga mata sa kabuuan ng aking unit. Marahil napahanga na bagamat di kalakihan ang aking apartment kumpleto ito sa mga gamit. Dali-dali kong inayos ang mga nakakalat na porn magazines at mga DVD tapes sa ibabaw ng center table. Tinago ko iyon sa loob ng aking silid. "Pansin ko nga na parang may iniiwasan ka kanina. Iyon bang dahilan kung bakit inakit mo ako upang dalhin kita rito?" Isang nahihiyang ngiti ang kanyang pinakawalan. Ayun na naman ang ngiti niyang may kakaibang hatid sa akin. "May isang matandang bakla kasing gusto akong i-take home...." Panimula niya. "Bakit hindi ka pumayag? Tiyak malaki ang idadatung no'n" "Oo nga, kaso lang hindi naman ako bu-ak duryan" "Ha? Ano 'yun?" "Nakalimutan kong tagalog ka nga pala. Biyak duryan ang ibig kong sabihin. Iyan yung term na ginagamit namin rito sa mga lalaking nagpapatira sa kanilang mga kustomer sa halip na sila ang tumira" Paliwanag niya. Hindi ko na iyon ikinagulat pa dahil marami namang ganoon sa Maynila, mga lalaking straight ngunit tumutuwad sa kanilang mga kustomer kapalit ng malaking halaga. 'Nga lang, iba ang termenolohiya namin doon. "Kung ganoon, hindi ka pala multi-tasking?" Pabiro kong wika sa kanya. Kasaluyan naming nilalantakan iyong natirang lechong manok na ulam ko kaninang tanghali. Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay sa aking sinabi. Napatigil siya sa pagnguya. "Multi-tasking ka diyan. Hindi ko masikmura ang magpatira 'no? Kahit papaano may puri pa din ako" "Paki, spell mo nga sa akin iyang sinasabi mong puri...baka maniwala ako" Sabay hagalpak ng tawa. Umirap siya sa akin. Sumeryoso ang mukha. "Kung hindi lang sana maagang namatay si Tatay at marami lang sana kaming pera hinding-hindi ko talaga papasukin ang gawaing ito" May himig pagtatampo sa kanyang boses. Bahagya siyang na-offend sa aking biro kaya naman humingi kaagad ako ng dispensa sa kanya. "Gusto mo ng ice cream?" Pag-iiba ko. Bago pa siya nakasagot ay tumayo na ako at tinungo ang ref sa kusina. Dala ko ang isang galon ng rocky road flavored ice cream ng ako ay bumalik. Biglang umaliwalas ang kanyang mukha ng inilapag ko ang ice cream sa center table. Iyon bang parang bata na dinalhan ng pasalubong na ice cream ng kanyang mga magulang. Naisip ko tuloy na ice cream lang pala ang katapat ng lalaking ito. Ako na ang nagscoop para sa kanya. "Salamat!" "Welcome" At tuloy ang aming kwentuhan na nakasentro sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay. Sinabi niyang kagagraduate lang niya no'n sa hayskul ng mamatay ang kanyang Itay dahil naaksidente ito sa minamanehong single na motor o mas kilala sa tawag na habal-habal sa kanilang lugar. Biglang naglaho ang mga pangarap niya sa sandaling iyon. Kahit naman kasi mahirap lamang sila ay pagsusumikapan umano ng kanyang Itay na makapag-aral siya ng kolehiyo sa isang state university sa kanilang lalawigan. Kung tutuusin kaya parin naman niyang pag-aralin ang sarili kahit wala na ang Itay niya dahil maari naman siyang maging working student ngunit dahil sa maliliit pa ang mga kapatid niyang sumunod sa kanya kinailangan niyang isantabi muna ang pag-aaral at pagtuunan ang paghahanap-buhay para maitawid niya sa gutom ang kanilang pamilya. Lahat ng trabaho ay kanya ng pinatos. Naging bodigero siya ng bigas sa kanilang bayan. Minsan sumasideline din siya sa pagtatanim at pag-aani ng palay sa bukid. At nag-aararo rin siya ng mga taniman ng mais at palay sa mga kakilala niya na may malaking sakahan sa kanilang lugar kaya naman ganoon na kaganda ang hubog ng kanyang katawan. Batak na batak at natural na hinulma ng kalikasan. Dahil may kaalaman naman siya sa pagugupit na nakuha niya sa yumao niyang ama, pumasok siyang barbero sa isang barbershop sa kanilang bayan. Doon siya nagtagal hanggang sa isang araw nagkaroon siya ng suki na isang masahista. Dahil sa sobrang close na sila nito at naging kabangkaan na ng mga kwentong barbero, tinuruan siya nito ng mga basic sa pagmamasahe. "Alam mo 'Tol, may pera sa pagmamasahe. Laruin mo lang ng maayos" Ang natatandaan niyang wika ng kanyang kaibigan nang minsang tinuruan siya nito. Mabilis naman siyang natuto kaya kapag may nagpapagupit sa kanya, inaalok niya ito ng libreng masahe sa ulo pababa sa balikat kaya naman dumami ang kanyang mga kustomer. Dahil doon, malaki-laki na ang naiuuwi niyang kumisyon sa kanyang pamilya idagdag pa iyong mga natatanggap niyang tip sa mga galante niyang kustomer.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.8K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

NINONG III

read
416.8K
bc

OSCAR

read
248.5K
bc

The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)

read
209.7K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook