"Mabuti naman at naisipan mo ring umuwi, Lino. Akala ko nilayasan mo na ang dalawang buwang bayad sa upa. Naku, napudpud na ang tsinelas ko sa kapupunta rito para maningil ngunit bokya lang ang napapala ko. Ni isang kusing ay wala kang inaabot sa akin. Ano, makapagbayad ka pa ba o hindi at ng mapalayas na kita rito!" Bulalas ng ulikbang babaeng landlady. Tinuro-turo nito sa Magdalino na akala mo ay isang milyon ang nautang nito sa kanya.
"Pwede ho bang bang bigyan nyo pa ako ng isa pang araw na palugit, Aling Georgia? Delayed na naman po kasi ang sahod e. Magbabayad naman po ako pag may pera na ako!"
"Naku, naku, naku! Hindi na uubra sa akin iyang gasgas na linyang iyan. Kung susumahin, aabot na sa dalawang linggo ang palugit na ibinigay ko sa'yo. Tsaka, talaga bang sa call center ka nagtatrabaho? E, yung pamangkin ko nagko-call center din hindi naman delay ang sweldo, ako ba'y pinaglololoko mo?"
"Magkano ho ba ang bayarin ni Lino?" Sumingit na ako sa gitna na kanilang mainit na usapan. Nahahalata kong parang nilalamon na sa hiya si Magdalino sa pagbubunganga ng kanyang landlady na kumunot ang noo ng makita ako.
"E, sino ka na man?" Mataray na tanong nito sa akin.
"Pinsan niya po...at ako na ang magbabayad sa upa niya" Ang pagpapakilala ko naman upang hindi niya kami paghinalaan. Mukhang malakas pa naman kasi ang pang-amoy ng babaeng ulikbang iyon. "Magkano ho ba?"
"4 thousand"
Dumukot ako ng halagang sinasabi niya sa aking pitaka. "Hayan"
Nang akmang iaabot ko na iyong bayad ay pinigilan ako ni Magdalino. Nahihiya siyang inako ko ang bayarin niya sa renta ng kanyang bording house.
"——Huwag na, magbabayad din naman ako bukas. Magka-cash advance lang ako sa manager namin"
"——Anong huwag? E, kung papalayasin kaya kita ngayon din! Pambihirang batang 'to!" Ang pagsingit ng babae sabay abot sa pera sa aking kamay. Agad din siyang tumalikod sa amin.
"Salamat. Hayaan mo, babayaran kita sa susunod na mga araw. Ipinambili ko kasi ng mga school supplies ang mga kapatid ko gamit ang perang ipangbabayad ko sana sa renta" Si Magdalino nang makapasok na kami sa maliit na silid niya. Nakita ko ang tatlong plastic bag na nakapatong sa kanyang maliit na kama. Sinilip ko ang mga nilalaman no'n, mga notebook, papel at mga drawing materials ang aking nakita. At ang pangatlong plastic bag naman ay naglalaman ng mga de latang pagkain at noodles.
"Ihahatid ko nga pala ang mga 'yan bukas sa amin. Kung wala kang gagawin, baka gusto mong sumama"
"Sige ba. Saan ba ang sa inyo?" Ang naeexcite kong tanong. Ewan, para bang ayoko ng mahiwalay pa sa kanya.
"Sa Mati Davao Oriental. Apat na oras ang biyahe mula rito!"
"Okey, sasama ako sa'yo!"
Kinabukasan, bago kami tumungong terminal, sumaglit muna ako sa isang convenience store para dagdagan iyong grocery na pasalubong ni Magdalino sa pamilya niya. Bumili rin ako ng assorted biscuits na nasa lata at ingredients sa pagawa ng buko salad. Nabanggit kasi niyang maraming buko sa kanila. Dahil sa apat na oras iyong biyahe, nakatulog ako na nakasandal ang ulo sa kanyang balikat. Ginising na lamang niya ako ng dumating na kami sa kanilang bayan. Pagkababa ng bus, sumakay pa ulit kami ng single na motor o habal-habal. Binaybay namin ang makipot na kalsada sa gitna ng mga palayan. Sa tantiya ko mga dalawumpong minuto rin ang aming itinakbo hanggang sa huminto ang aming sinasakyang motor sa tapat ng isang bahay na halos dumapa na sa lupa gawa ng pagkakasira ng mga haligi nito. Yari sa nipa ang atip at ang dingding naman ay mula sa mga pinagtagpi-tagping karton at mga ritasong plyboard. May nakita din akong dalawa pang bahay sa may di kalayuan na mas maganda ng kaunti sa unang bahay na bumungad sa aking mga mata. Infairness naman, malinis ang paligid. At dama ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin.
Nang malamang may dumating, agad na nagsitakbuhan patungo sa amin ang tatlong mga bata habang sumisigaw ng,
"Yehey, andito na si Kuya!" At paulit-ulit iyon.
Agad hinablot ng mga ito ang plastic na hawak-hawak ni Magdalino at excited na tiningnan ang mga nilalaman. Napalukso naman sa labis na tuwa ang mga bata ng makitang school supplies ang dala ng Kuya nila. Sobrang ingay lang nila na animo'y noon lang nakaranas na dinalhan ng pasalubong subalit agad din ang pananahimik na tila may dumaang anghel sa kanilang harapan ng makita ako.
"Sino 'yang kasama mo, Kuya, gwapo naman niyan!" Usisa ng pinakamatanda sa tatlo na sa tingin ko nasa labindalawa o labintatlong taong gulang. At sa boses pa lang nito, masasabi kong may kakampi na kaagad ako sa kanilang lugar. Halatang halata na kasi ang pagbloom ng mga talulot nito. At ang dalawang sumunod sa kanya ay mga babae na.
Matapos akong ipinakilala sa mga kapatid niya ay may humirit pa ulit na isang napakacute na batang lalaki na tumakbo palapit kay Magdalino at nagpakarga.
"Papa, iyong plamet mo ta aking tapatos, dala nyo po ba?" Wika nito na halos hindi mabigkas ng tama ang mga salita ngunit nakadagdag naman iyon sa kanyang pagiging cute.
Sobrang nabigla naman ako ng malamang may anak na si Magdalino. Hindi kasi niya iyon naikwento sa akin. Ibig sabihin lang may asawa na siya. Ewan, biglang gumuho ang mundo ko sa sandaling iyon. Nawala bigla ang excitement na nararamdaman. Pakiwari ko'y nahulog bigla ang mga bunga ng niyog na nasa paligid. Parang gusto ko ng bumalik kaagad ng Davao City.
"Siyempre naman. Pero kiss mo na kay Papa!" Paglalambing nito sa anak.
Tumalima naman ito sa kanyang sinabi. Iyong tipikal na kiss ng isang bata, may sound effect.
"Si Ejay, anak ko..." Baling niya sa akin. Tumango lang ako sabay bitiw ng isang pilit na ngiti. "...sanggol pa lamang ito nang iwan sa akin ng aking partner para magtrabaho sa Maynila pero hindi na kami binalikan pa. Iyon pala may kinakasama ng foreigner" Pagpapatuloy niya na siyang dahilan ng biglaang pagdiriwang ng aking puso. Ibig sabihin wala na sila ng partner niya at kahit papaano may nakikita na akong pag-asa.
"Thanks God!" Ang biglaang usal ng aking utak at sa labis na tuwa ko ay kinarga ko iyong bata. Parang nahulog bigla ang loob ko sa mag-ama. Sobrang cute naman kasi ni Ejay at ang gwapo naman ng kanyang ama at sobrang bait pa at responsable.
"Ilang taon ka na Ejay?"
Itinaas niya ang isang kamay. Tiniklop niya ang dalawang maliliit na daliri. Tatlo ang natira. Ibig sabihin 3 years old na siya.
"Mahiyain talaga 'yan kapag first time makakita ng taong bago sa kanyang paningin. Pero, maya-maya lang, lalabas din ang kakulitan niyan. Halika na sa loob, naghihintay na sa atin si Nanay!"
Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay habang karga ko si Ejay na noo'y labis ang pananahimik habang nakatitig lang sa akin.
"Nandito ka na pala anak. May kasama ka pala?" Wika ng medyo may edad ng babae. Bumaling ito sa akin.
"Kumusta ho kayo. Daniel po, kaibigan ni Lino" Ibinaba ko si Ejay upang maglahad ng palad sa Ginang. Nakita ko ang pag-aalangan niya na abutin ang aking kamay. At dahil batid kong nahihiya ang Ginang ako na mismo ang nag-abot sa kanyang kamay.
"Ako si Vilma, nanay nitong si Lino. Pasensiya ka na, Dong. Marumi kasi ang kamay ko. Di gaya sa'yo...ang kinis-kinis at ang lambot pa"
"Naku, wala naman pong batas na nagbabawal na makipagkamay sa maruming kamay. At hindi naman po iyon sakit na nakakahawa" Pabiro kong tugon sa kanya para mawala ang pagkailang niya sa akin. Parang naging baliktad kasi na siya pa iyong naiilang e, pamamahay naman nila iyon at ako ay bisita lamang.
At dahil sa hapon na iyon, kaagad na nagsaing ng bigas si Magdalino sa kalan. Ako nama'y muling kinarga si Ejay palabas ng bahay at tumungo kami sa isang bangko sa silong ng puno ng kaimito. Isinuot ko sa kanyang mga paa ang bagong sapatos na binili ni Magdalino. At nang maisuot, walang tigil ito sa katatalon sa sobrang tuwa lalo na ng makitang umiilaw ito.
"Nag-aaral ka na ba, Ejay?" Tanong ko sa kanya upang makuha ang kanyang atensiyon. Tumingin siya sa akin.
"Hi-hindi pa po. Sabi kasi ni Papa, kapag four na daw ako pwede na po akong magschool. Pero marunong na po akong magsulat ng pangalan ko at magbilang. Pati narin ang pag-plus at minus. Ang tugon naman niya at deritso ang pagkakabigkas niya sa mga salita. Lumalabas narin ang kanyang pagkamatabil na ayon sa sinasabi ni Magdalino na madaldal ito at bibo.
"Ay, ang galing. Sino naman ang nagturo sa'yo?"
"Si Mama-La"
"Mama-La?" Ang tanong kong hindi masyadong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Oo. Mama na lola ko. Kaya, Mama-La"
Napatango naman ako nang magets ko na ang ibig niyang sabihin. Gusto ko pa sanang itanong kung nasaan na ang tunay niyang ina subalit naisip kong napakapersonal na at wala ako sa posisyon na manghalungkat sa personal nilang mga buhay. Isa pa, napakabata pa niya para iyon ang aming magiging paksa.
"Tabi ka nga sa akin. Ite-test kita kung talaga bang marunong ka na sa plus at minus na 'yan" Ang sabi ko na lang sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin. Medyo mataas ang pagkakagawa ng bangko kaya binuhat ko pa siya at pinaupo sa aking tabi.
"Sige nga....one plus one" Pagsisimula ko.
"Andali naman niyan, Kuya E, di, two Wala na bang mas mahirap niyan" Pagmamayabang niya.
"Um, sige, two plus six"
"Eight!"
"Eight plus five"
Saglit siyang nagbilang ng kanyang mga daliri.
"Thirteen!"
"Wow, galing!" Pumalakpak ako.
"Thirteen minus ten"
"Thirteen minus ten....."Panggagad niya sa sinabi ko habang nag-iisip. "....Three"
Palakpak ulit.
"Pang-last na 'to at may kahirapan. Pero kapag masasagot mo ito ng tama, may gift ako sa'yo"
"Talaga po. Ano po iyon?" Nanlaki ang mga mata niya.
"Kung ano gusto mo?"
"Sigurado po?"
"Naman!"
"Yeheey, sige po, magtanong na kayo"
"Ummm...eight plus eight tapos ang sagot no'n ma-minusan mo ng ten"
Kumunot ang kanyang noo habang nagbibilang sa kanyang mga daliri. Talagang pursigido siyang masagot iyon. Nakita kong hinubad niya ang kanyang sapatos at pati daliri sa paa ay ginamit niya para makuha ang tamang sagot. Sa murang edad niya, nakitaan ko na siya ng pagiging maabilidad. Maya-maya pa'y.....
"Six po!"
"Ang galing. So anong gusto mong gift?" Sinalat ko ang malaman niyang pisngi.
"G-gusto ko po 'yong malaking robot na umiilaw ang mga mata!"
"Okey, bukas na bukas din, bibili tayo ha"
"Yehey....salamat po, Kuya, Daniel" Napayakap siya sa akin ng mahigpit sa sobrang tuwa.
"—Ang sweet nyo naman, magseselos na ako niyan" Di ko namalayang ang paglapit ni Magdalino sa aming kinaroonan dahil sa sobrang enjoy ko kay Ejay. Nakasuot siya ng short na maong na medyo kupas na at wala siyang damit pang-itaas. Lantad ang matipuno niyang katawan. May dala siyang gitara at isang galon ng kulay pulang alak at bumubula pa. Sa bunganga ng galon ay nakataob ang isang baso na lagayan ng kape, iyong babasagin.
"Ang talino pala nitong anak, mo Lino. Akalain mo nasasagot niya lahat ng mga tanong ko sa Math"
"Siyempre, mana yata 'yan sa akin. Di lang 'yan matalino mabait pa kaya mahal na mahal ko iyan!" Ipinatong niya ang mga dala sa aking gilid. Kinaraga niya si Ejay saka hinalikan sa pisngi. Pagkatapos sinabihan niya ito na puntahan ang lola niya para magpunas. Bago tumalima ang bata, humalik pa muna ito sa kanyang pisngi at nagpalaam.
"Nakatikim kana ba nito?" Sabay salin no'ng alak sa baso.
"H-hindi pa. Ngayon ko lang yata nakita iyan" Ang tugon ko naman.
"Ito ay isang uri ng alak na galing sa niyog. TUBA ang tawag namin dito. Nilagyan lang ng pampakulay kaya naging parang red-orange" Inabot niya sa akin ang basong may lamang tuba. Nalalanghap ko ang parang amoy-suka nitong amoy. Tinungga ko iyon. Napangiwi naman ako sa hindi madescribe na lasa. Parang suka na mapakla ang lasa. Medyo mainit ang hagod nito sa lalamunan.
"Not bad. Pwede na!" Kuminto ko. Ibinalik ko sa kanya ang baso. Nagsalin siya ng para sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang lasa no'ng tuba. Di man lang umasim ang kanyang itsura. Maya-maya lang, lumapit sa aming kinaroroonan ang isang may edad ng lalaki. May dala itong pulutan para sa amin, inihaw na karne ng baboy. Ipinakilala ako ni Magdalino sa kanya at napag-alaman kong siya ay si Mang Edwin, ang kanyang stepfather.
"Sabay ka na dito sa amin, Mang Edwin" Anyaya ko sa kanya.
"Mamaya kapag matapos iyong iniihaw ko, Dong Daniel!" Ang sagot naman niya bago tumalikod. Ang DONG ay isang salitang bisaya na katumbas ng TOTOY sa tagalog.
"Nag-asawa pala ulit ang Nanay mo?" Ang tanong ko kay Magdalino ng makalayo na si Mang Edwin.
"Oo. Mabait naman kasi si Mang Edwin at malaki ang naitutulong niya kay Inay at sa mga kapatid ko kapag wala ako rito kaya hayun, sino ba naman ako para humadlang. Pareho naman silang biyudo at byuda kaya karapatan din nilang lumigaya.
"E, yung mga anak niya, nasaan?"
"Hindi sila pinalad na magkaanak ng dati niyang asawa kaya itinuring na niya kaming mga anak niya. Sobrang bait niyan sa amin. Magagalit pa nga iyan kapag papagalitan kami ni Inay"
Isang pagtango ang aking naging tugon. Sandaling naghari sa aming pagitan ang katahimikan. Maya-maya pa'y, dinampot niya iyong gitara. "Marunong ka bang kumanta?" Ang tanong niya habang tinitimpla ang tunog nito.
"Kunti!" Simpleng tugon ko.
"Pa-sample nga!"
"Sige mamaya kapag may tama na ako. Sa ngayon, ikaw muna ang sumampol"
"Promise mo yan ha...."
"Oo. Promise kakanta ako mamaya. Mag-iisip lang muna ako kung ano ang kakantahin"
Tumango siya. Nagsisimula na niyang tipain ang intro ng kakantahin.
You packed in the morning
I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way
Now I miss you more
Than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
Yes, you left me
Just when I needed you most
Now most every morning
I stare out the window
I think about where you might be
I've written you letters that I'd like to send
If you would just send one to me
Cause I need you more
Than I needed before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
Yes, you left me
Just when I needed you most
You packed in the morning
I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way
Now I love you more
Than I loved you before
And now where I'll find comfort, God knows
Cause you left me
Just when I needed you most
You left me
Just when I needed you most
Oh, you left me
Just when I needed you most
Infairness, may boses si Magdalino. At ang galing niyang magtipa ng gitara. Parang original iyong pagkakanta niya. Mas lalo pa tuloy niya akong napabilib. Nanghihinayang ako na kung bakit pumasok siya sa ganoong gawain gayung may talento naman siya na maaring pagkakakitaan. At habang nasa kasagsagan sa pagkanta, pansin ko ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Naisip ko na marahil, hinahandog niya iyon sa kanyang nobyang nang-iwan sa kanya at ipinagpalit sa isang mayamang foreigner. May kutob akong hanggang ngayon ay mahal parin niya ang babaeng iyon lalo pa't may buhay itong iniwan na siyang magpapaalala nito sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko maiwasang makaramdam ng kerot sa aking puso. Sa ikli kasi ng panahong makilala ko si Magdalino, ay napamahal na siya sa akin. Paano ko maisisingit sa kanya ang aking pagmamahal gayung mahal pa niya ang ina ng kanyang anak? At kung ipagtatapat ko sa kanya itong lihim kong pagtatangi, ako kaya ay matatanggap niya sa kabila ng katotohanang ako ay isa ring lalaki? Bagamat maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, ngunit hindi ko parin maitatwa ang katotohanan na pera lang ang siyang dahilan ng pagkakaroon namin ng ugnayan sa isa't isa. Iyon lang 'yon at wala ng iba.
"Ito yung kinanta ni Tatay isang gabi bago siya namatay. Napakalaking impact nito sa akin dahil kung kailan higit ko siyang kailangan at ng mga kapatid ko ay saka niya kami iniwan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang pagiging uliran niyang ama sa aming pamilya. Wala siyang tinatanggihang trabaho maigapang lang niya kami at mapag-aral. At naalala ko rin sa kantang iyan si Allonah, ang ina ni Ejay. Dalawambuwan pa lang kasi mula ng ipinanganak niya ang aming supling ay tumungo siyang Maynila para umano magtrabaho. Iyon pala makikipagkita siya sa Amerikano niyang kachat at sa kalaunan nagsasama na sila sa iisang bubong at tuluyan na niya kaming iniwan" Pahayag ni Magdalino. Mababanaag sa kanyang mukha ang lungkot at pait sa kanyang boses.
"M-mahal mo pa ba siya?" Ang tanong ko naman.
"May anak kasi kami" Napakalayong sagot niya sa aking itinatanong. At kahit hindi man niya sabihin ay ramdam kong may pagtatangi pa siya doon sa babae.
"Paano, tapos na akong kumanta. Ikaw naman ngayon" Pag-iiba niya ng aming paksa habang kinakaskas ang gitara niya.
"Teka. Ano bang pwede kong kantahin..." Maang-maangan ko pero sa totoo lang kanina ko pa naiisip ang isang kanta na sa tingin ko bagay na bagay sa aking nararamdaman para sa kanya. "...Pinagsamang accoustic at RNB ito...kaya?"
"E, talaga pa lang magaling ka. Mas matsa-challenge ako neto" Nagsisimula na siyang magplucking ng intro at naghihintayin na bigkasin ko ang unang linya ng aking kakantahin.
IT'S TURNING OUT JUST ANOTHER DAY
I TOOK A SHOWER AND I WENT ON MY WAY
I STOPPED THERE AS USSUAL
HAD A COFFE AND PIE
WHEN I TURN TO LEAVE
I COULD'NT BELIEVE MY EYES
STANDING THERE I DID'NT KNOW WHAT TO SAY
WITHOUT ONE TOUCH WE STOOD THERE FACE TO FACE
Naalala ko ang panahong nabuburo ako sa loob ng aking apartment kaya naman naisipan ko na pumunta sa isang bar na siyang aking nakagawian kapag ganoong tinatamad ako at walang maisipang gawin. Wala naman sa plano ko ang maghanap ng aliw dahil gusto ko lang naman na magpalipas ng oras subalit ng makita ko ang mapupungay na mga mata ni Magdalino ay biglang nagbago ang lahat sa isang iglap.
AND I WAS DYING INSIDE TO HOLD YOU
I COULDN'T BELIEVE WHAT I FELT FOR YOU
DYING INSIDE, I WAS DYING INSIDE
BUT I COULDN'T BRING MY SELF TO TOUCH YOU
Hindi ko man tiyak ang aking nararamdaman subalit batid kong nang makita ko siyang gumigiling sa entablado habang nagbabalandra ng katawan ay may kakaiba akong kilig na hindi mawari. Hindi iyon nanggaling sa aking puson kundi sa aking puso. May kung ano sa kanya na hindi ko nakita sa mga lalaking nagdaan sa mga kamay ko. Subalit paano ko bibigyan ng laya itong naramdaman sa kanya na bukod sa napakaaga pa ay alam kong pag-aari siya ng madla. Para siyang tala na napakahirap abutin at diyamenteng hirap maangkin.
YOU SAD HELLO THEN ASKED MY NAME
I DIDN'T KNOW IF I SHOULD GO ALL THE WAY
ISIDE I FELT MY LIFE HAVE REALLY CHANGE
I KNEW THAT IT WOULD NEVER BE THE SAME
STANDING THERE I DIDN'T KNOW WHAT TO SAY
FIRDT TIME LOOK AWAY WHEN I WHISPERED YOU'RE NAME...
AND I WAS DYING INSIDE TO HOLD YOU
I COULDN'T BELIEVE WHAT I FELT FOR YOU
DYING INSIDE, I WAS DYING INSIDE
BUT I COULDN'T BRING MY SELF TO TOUCH YOU
AND I WAS DYING INSIDE TO HOLD YOU
I COULDN'T BELIEVE WHAT I FELT FOR YOU
DYING INSIDE, I WAS DYING INSIDE
BUT I COULDN'T BRING MY SELF TO TOUCH YOU
ONE HELLO CHANGED MY LIFE
I DIDN'T BELIEVE IN LOVE AT FIRST SIGHT
BUT YOU'VE SHOWN ME WHAT IS LIFE
AND NOW I KNOW MY LOVE (I know it's coming right)
Nang binigyan ko ng birit ang linyang iyon ay deritso ang mga titig ko sa mga mata ni Magdalino. Nais kong maramdaman niya na sa kanya ko inialay iyong kanta. Ako iyong taong hindi naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT at lalong hindi naniniwala na may pag-ibig sa tulad naming mga alanganin ngunit sa ikli ng panahong makilala ko siya at nagpamulat sa akin ng kahalagahan ng buhay at ang kahalagahan sa pagtahak ng tamang direksiyon, alam ko at sigurado akong mahal ko na siya. Totoong may pag-ibig. Hindi lang natin alam kung kailan ito kakatok sa ating mga puso.
AND I WAS DYING INSIDE TO HOLD YOU
I COULDN'T BELIEVE WHAT I FELT FOR YOU
DYING INSIDE, I WAS DYING INSIDE
BUT I COULDN'T BRING MY SELF TO TOUCH YOU.
Natapos ko ang kanta na may luhang nangilid sa aking mga mata. Ganoon nga siguro kapag kumakanta kang may pinaghuhugotan at may pinaghahandugan. Mabilis ko iyong pinahid gamit ang isa kong palad. Dalang-dala kasi ako doon sa mga lyrics na sa tingin ko, nilikha iyon para sa akin. Sadyang kaybilis nga ng mga pangyayari, na ako mismo hindi makapaniwala sa biglaang pagkahulog sa kanya na kung tutuusin marami namang lalaking nakakahigit sa kanya at may desenting hanap-buhay. Subalit ganoon nga siguro kapag nagmahal ka ng tunay. Walang kang kakayanang makapamili sa kung sino ang nanainisin ng iyong puso.
"Bakit?" Ang tanong niya nang masipat ang pagpahid ko ng luha.
"W-wala, may naalala lang ako" Simpleng tugon ko
"Ah, siguro, inlab ka ano?"
At hindi kaagad ako nakareact sa tanong niyang iyon. Bagamat totoo ngang inlab ako ngunit paano ko naman sasabihin na sa kanya ako nahulog? Hindi kaya pagtatawanan lang niya ako? Obvious namang lalaki siya at may anak na nga. Paano niya maiintindihan itong naramdaman ko na umusbong ng ganito kaaga?
https://youtu.be/DmeKvysplkk