CHAPTER 99

2433 Words

Nakaupo si Ahtisa sa pang-isahang silyang nakapuwesto sa tabi ng kamang kinahihigaan ni Apollo. Nakapikit pa rin ito, pero pinagpapasalamat niyang hindi ito kailangang lagyan ng tubo sa dibdib, sapagkat naging istable naman na ang kabuuang estado nito. May suwero pa rin ito sa likod ng kamay, at may nakakabit pa ring aparato rito para patuloy na i-monitor ang ritmo at pintig ng puso nito. Subalit mas maayos na ito ngayon kumpara nang mga nagdaang araw. Hinawakan ni Ahtisa ang kamay ng binata. Sinuyod ng daliri niya ang mga linya sa palad nito. Kulang sa init ang balat ni Apollo, at nami-miss na niya ang pagganti nito ng pisil sa kamay niya. Humaplos ang daliri niya sa palasingsingan ng binata. “Kapag kasal na tayo, dapat palagi mo nang suot dito sa daliri mo ang wedding ring natin, ha. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD