Nakaupo si Ahtisa sa silyang nasa tabi ng kama ni Apollo, nakatingin siya sa binata na nakatitig din pabalik sa kanya, tapos ay pareho silang may matamis na ngiti sa mukha. Nakahiga sa kama ang binata. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ang dalaga, at suot pa rin ang ngiti sa mga labi, ay yumuko si Ahtisa at tinanggal ang pagkakabuhol sa laso ng hospital gown na suot ni Apollo. Mula sa balikat ay ibinaba niya ang sleeve, at parang balat ng saging na inalis niya ang itaas na bahagi ng damit at inipon iyon sa baywang nito. Nakatingin lang sa mga kamay niya ang binata, hanggang sa naglakbay na ang mainit nitong mga titig—mula sa mga kamay niya, lilipat sa mukha niya, bababa sa mga labi niya, tapos ay sa kabuuan ng kanyang mukha. Napalunok si Ahtisa. Ramdam niya ang init ng mga titig ni Apollo n

