Parang natuklaw ng ahas ang hitsura ni Elara nang marinig ang sinabi niya rito. “You bought the plane ticket but never boarded the flight,” maigting niyang wika rito. Naging mailap ang mga mata ng babae. Naudlot din ang dramatikong pagbuhos ng mga luha nito kanina. At ang pamumula nito ay napalitan ng pamumutla. Napatingin siya sa mga kamay ni Elara. She was trying her hardest to hide her hands, but he could see that they were trembling. “Kaya kong ipaliwanag ang lahat, Apollo. Makinig ka muna sa akin,” sumamo nito. Hindi nito malaman kung paano makikiusap sa kanya o kung paano pa siya kakausapin. Kahit ang boses nito ay puno ng pag-aalinlangan. "Parang-awa mo na, kaya kong ipaliwanag sa iyo ang lahat kung makikinig ka lang sa akin," ulit nito. Napailing lang siya. “No. I’m done list

