“Is getting her pregnant in your plans?” Napatingin si Apollo kay Ares, sabay hugot ng malalim na paghinga. “I want to have a baby with her, yes. Pero alam kong ayaw na niyang mabuntis sa akin ngayon.” Sumilay ang pait sa kislap ng kanyang mga mata. Naalala niya ang napakaraming pagkakataong in-utos niya kay Ahtisa na inumin nito ang contraceptive pill para hindi ito mabuntis. Paulit-ulit niyang sinabi ritong ayaw pa niyang magkaanak sila, kahit na ramdam niya kung gaano kasabik si Ahtisa na magka-baby na sila. Alam niyang gustung-gusto nitong magkaanak na, subalit inignora niya ito. Ipinagkait niya rito ang isang bagay na alam niyang magpapasaya rito—noon… pero hindi na ngayon. Ngayon ay napipiho niyang ayaw na nitong magkaanak sila. Ibang-iba na ito. Wala na ang dating init at pagsuyo

