Nalaglag ang kipkip na bag ni Ruthanya ‘Ruthie’ Altieri sa marmol na sahig ng lobby ng hotel nang makasalubong ni Apollo ang mga ito. Nagpakawala ng mababang ungol ang CEO. Balak sana niyang magpalit ng damit muna sa private suite niya sa itaas, bago niya puntahan ang mga magulang sa function hall at magsabi sa mga itong aalis na siya. Pero mukhang kanina pa siya hinahanap ng buong pamilya niya. Ang mga tauhan ng ama niya ay nakasunod na sa mga ito, mukhang malapit na nitong utusan ang mga iyon na halughugin ang buong hotel o ang buong Santa Catalina. Puwede naman sana siyang dumerecho na lang sa bahay niya, pero alam niyang hahanapin siya ng mga magulang kaya sa hotel siya nagtungo pagkaalis niya ng bahay ni Ahtisa. “Mom,” sambit niya nang lapitan siya ni Ruthie at hawakan sa magkabila

