Hindi malaman ni Ahtisa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga ikinumpisal ni Apollo sa kanya. Mahal siya nito? Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya. Bakit kailangan pa muna niyang masaktan nang labis bago nito masabing mahal siya nito? Bakit kailangan pa muna niyang danasin ang lahat ng pamimighati at paghihinagpis? Bakit kailangan pa muna nitong ipamukha sa kanya na wala siyang halaga rito, bago nito maintindihan ang totoo nitong damdamin sa kanya? He broke her too badly. And now, him telling her that he loved her felt like picking her up from among all the other jars. But choosing her now wouldn’t change the fact that she was already a jar filled with cracks and flaws. Kahit na sabihin pa nitong mahal siya nito, hindi na iyon sapat para mabuo siyang muli. At ang pangamb

